“Hindi natin pwedeng pabayaan na lamang si Eliazar doon.” Sabi ko sa mga kasama. Nandito na kami ngayon sa Head Quarters. Sa opisina ni Charlie. Nandito din si King at gusto kong magpasalamat doon. Kailangan namin ng malakas na pwersa para kalabanin ang reyna.
“Ngayon ay binaliktad na niya ang sitwasyon. Ginamit niya pa ang naging pagtakas ni Eliazar noong gabing iniligtas ninyo siya. Nakadagdag pa na pandaliang nawala kayo. Pinalabas ni Hestia na tumakas si Eli kahit alam naman niya ang dahilan kung bakit kayo nagpunta sa mundo ng mga tao.” Sabi ni Head Master habang palakad-lakad sa harapan naming apat na tila malalim ang iniisip.
“Iyon ay dahil para pigilan siya para sa kanyang masasamang plano, hindi ba?” Sabi ni King.
“Hindi maaaring ipagkaila ni Eliazar ang kanyang ginawa dahil may naging saksi. Anak pa ni Hestia.” -Charlie.
“Pero hindi ibig sabihin 'non na siya ang may kasalanan.” Sabi ko. “Ginawa niya lang 'yon para ipaghaganti ang pagpatay ni Hestia sa kanyang mga magulang.”
“Pwede nating gamitin ang bagay na 'yon para mapawalang-bisa siya.” Sabi ulit ni King. “Sa halip ay ang reyna ang makulong.”
Tinitigan siya ni Charlie. “Hindi mo yata naiintindihan ang sinasabi mo. Buo ang tiwala ng lahat sa reyna. Hindi ako sigurado na paniniwalaan tayo ng lahat kapag isiniwalat natin na ang itinatangi nilang pinuno ay isa palang demonyo.” Saglit siyang tumigil. “Ang ibig kong sabihin ay kailangan natin ng matinding ebidensiya para mapabagsak siya.”
“Ito ang nakakuha sa pabigla-biglang kilos.” Sabi ni Nate.
Napatingin ako sa kanya. Bakit parang sinisisi pa nito si Eli? Malinaw naman kung bakit niya nagawa 'yon.
“Hindi pwedeng wala tayong gawin.” Sabi ko sa mga ito. “Habang tumatagal siya doon ay mas lalong nanganganib ang buhay niya. Tignan ninyo ang ginawa nila kay Marina? Hindi tayo pwedeng umupo na lang dito at maghintay sa wala. We need to do something.”
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin sandali bago iyon pinutol ni Lily.
“King, may tanong ako.”
“Ano?”
“Ako ang magtatanong. Hindi ikaw. Bobo.”
Tinignan ko ng masama ang babaeng baliw. “Hindi ito ang oras para sa mga katangahan mo.”
“Sa ngayon wala tayong gagawin. That's my final decision.”
“Ano?” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses sa sinabing iyon ni Charlie.
“Makinig kayo. Wala talaga tayong magagawa ngayon kundi ang pabayaang magpalipas muna doon ng gabi si Eliazar. Maraming naging saksi at dumaan sila sa tamang prosesa para makuha siya. Hindi natin mababali iyon. Bukas ang araw ng paghuhukom. Doon. Doon tayo gagawa ng hakbang. Hindi pwedeng tayo naman ang magpadalos-dalos. Kung plano talaga niyang sirain ang The Four ay titiyakin nating hindi siya magtatagumpay. Hindi natin ibibigay ang kasiyahan na nais niya.”
Hindi ko na kinontra pa ang sinabi nito. Pero bukas sa araw ng paghuhukom kapag nagkagipitan ay tutulungan ko si Eli. Alam kong wala siyang kasalanan at nais niya lamang ng hustisya para sa pagkamatay ng kangyang mga magulang. Kung sa akin man iyon ginawa ay baka higit pa doon ang ginawa ko. Wala akong panahong dumaan sa tamang prosesa dahil alam ko namang kung titignan ang estado ng babanggain ko ay hindi pa man nagsisimula ang laban ay alam kong ng hindi uusad ang kaso at mamumuti lamang ang mga mata ko sa kahihintay ng hustisya. Buhay para sa buhay. Kapangyarihan laban sa kapangyarihan. Utak laban sa armas. Mas may chance pa doon. Naiintindihan ko siya at hindi ako papayag na pagkaisahan ito ng mga masasamang nilalang na tanging nais lamang ay ang kapangyarihan at pamumuno dito sa Athens.
Ibinigay ko kay Charlie ang litrato ng babae.
Tinanggap nito iyon. “Natutuwa ako na nagawa ninyo ang inyong misyon. Nasaan nga pala si Third?”
“I'm here.”
Napatingin ako sa lalaking nagbukas ng pinto. Andon na nga ito. Umupo siya sa pang-isahang sofa na parang at home na at home sa opisina ni Head Master. Totoo pala talagang magkakilala ang mga ito. Dapat ko ng tanggalin ang pagdududa sa kanya.
“King.”
“Ano na naman, Lily? Wala si Eliazar kaya ako ang ginugulo mo?”
“Kapag ba nasa loob ng kulungan ang pabango ko naka cologne na siya 'non?”
“Isa joke na naman ang namatay.” -Nate.
“Ang babaeng ito ang alas natin sa reyna. Itatago ko siya sa ligtas na lugar.” Walang pakielam na sabi ni Charlie sa mga ito.
“Siguraduhin mo lang na hindi na muling makukuha 'yan katulad nung nangyari sa mga babaeng iniligtas namin.” Sabi sa kanya ni Nate.
“Tama siya.” Segunda ko. “Ayokong masayang ang lahat ng pinaghirapan natin.” Hindi ako naninisi sa nangyari habang wala kami sa Head Quarters. Gusto ko lang mas maging maingat at kung maari'y gawing triple ang paghihigpit sa seguridad ng bawat isa.
“Makakaasa kayo.”
“Kapag nalaman niya na nakuha na natin siya ay agad na magpapadala ng mga kampon niya dito ang reyna.” Sabi ni King. “Kailangan nating maging handa.”
“Kami ng bahala doon ni Third. Ang isipin at pagplanuhan ninyo na lamang ay kung paano mapapawalang-bisa bukas si Eliazar sa paghuhukom.”
Mabuti naman kung ganoon. Mas gusto kong unahin ang pagligtas sa kaibigan. Pagkatapos niyon ay pwede na naming isunod ang paniningil sa masamang reyna.
*******
Bella's POV
“Nasaan ako?” Iyon ang unang dalawang salitang namutawi sa bibig ko ng mapagmasdan ang silid na kinalalagyan ko nang magising ako. Parang room sa mga fantaserye na napapanood ko sa tv. Anong pakulo naman ito? Pero ang ganda, ha? Parang talagang totoo.
Tumayo ako habang nakamasid pa din sa paligid. May pa-bulaklak pa kung saan-saan ang lola ninyo. Sosyal. Ano bang nangyari? Sa pagkakatanda ko'y inantok ako ng amuyin ang rose na binigay ni Third. Bwiset na lalaking 'yon. Pakulo niya ba 'to? Gumatos talaga siya para lang dito? Aba, matindi 'yun, ah. Galante. Saan siya kumuha ng pera? Baka madaming nabudol na bakla at matrona. Magkano kaya ginastos niya dito? Kung sana ipinautang niya na lang sa akin edi nakatulong pa siya.
Nasaan na ba ito? Sorry na lang siya dahil hindi ako pwedeng makipag-date ngayon dahil kailangan ko ng magbalik sa trabaho. Ayokong masesante na naman. Tumingin ako sa relong nasa bisig. Hala. Alas-nwebe na ng gabi! Ang tagal ko palang nakatulog. Hindi na din ako nakapasok sa isang trabaho ko. Bwiset na lalaki talaga na 'yon. Babayaran niya talaga ang araw ko. Doble dapat dahil na din sa pang-aabala niya. Matindi kasi ang pangangailangan ko ngayon. Plano ko kasing ipatingin muli si Camilla sa isang espesyalista. Baka sakaling matukoy na talaga kung ano nga ba ang sakit nito.
Haaaayyyyy. Nanalig pa din ako sa Diyos na balang araw mawawala na ang kung ano mang nasa kapatid ko. Gigising din siya at magsasama-sama kaming muli. Masaya at buo ang pamilyang nagmamahalan at handang protektahan ang bawat isa.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...