Kabanata 63 : Ang Matalinong Si Eliazar

78 9 2
                                    

Eli's POV

Kawawa naman si Lily. Naiwan siya doon. Kaya niya naman siguro 'yon. Matigas ang apog ng isang 'yun, eh. Sisiw lang sa kanya ang reyna. Pagkatapos maligo ay dumiretso na ako sa higaan. Saglit akong sumilip sa bintana. Madilim pa din. Umuulan. Kumukulog. Kumikidlat. Malakas din ang hangin. Hmmmmm.

Kinuha ko ang notebook at ballpen bago tumabi sa bedside table. Pag-aaralan ko ang lahat ng ito. Isinulat ko sa pinakataas at pinakagitna ng papel ang pangalang 'Nathan'. Siya ang una sa lahat. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya pumasok sa opisina ni Head Master? Sa ibaba ng pangalan ni Nathan ay inilagay ko naman si Charlie. Ano kayang koneksiyon ni Nathan kay Head Master? Pumasok siya doon at siguradong akong may hinahanap siya. Mula sa pangalan ni Nate ay gumuhit ako ng arrow papunta sa kabilang side at isinulat doon ang, ‘Lavinia's Mother.’ Nakita ko ang litrato ng nanay ni Lavinia sa pantalong hinubad ni Nathan noong gabing iyon para hindi siya makilala ni Lavinia. Ano kayang kaugnayan ng tatlong ito? Isa lang ang alam ko, konektado sila sa isa't-isa.

Kay Nate nga kaya galing ang litratong iyon o baka isa iyon sa mga bagay na nakita niya sa silid ni Head Master? Pwede. Pwedeng mangyari 'yon. Sa ibaba ng pangalan ni Charlie ay gumuhit ulit ako ng arrow paibaba at inilagay doon ang pangalan ni Third. Tama naman, hindi ba? Konektado ang dalawang ito. Walang duda.  Then, sa ibaba ng pangalan ni Third ay inilagay ko ang pangalan ni Hellia. Ipinagtapat naman na niya ang kaugnayan niya dito. Si Hellia. Ano bang itinatago niya? Nalaman na namin ang lihim niya.

Oh, teka lang. Ang alaalang nahagip ko sa kanyang isipan. Ang tagpong iyon na limang taon na ang nakakalipas. Masungit na panahon. Ang babaylan. Naalala ko pa ang sinabi ni Hellia. Paano daw siya mananatiling buhay? Mabilis na gumana ang utak ko para masagot ang bagay na iyon. Hindi kaya may kinalaman doon ang kambal? Ang seremonyang nais niyang gawin? Maaring si Camilla ang magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan at makakatanggal ng sumpa. Shit. Unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat. Limang taon na din ang nakakaraan simula noong bantayan ni Third ang kambal at si Hellia ang nag-utos sa kanya.

Isinulat ko sa papel ang mga salitang ‘Five Years Ago’. Ang nangyaring iyon limang taon na ang nakakaraan. Pero ang kasunod nito? Isip, Eli. Isip. Ang lalaking sumunod na dumating pagkatapos ng babaylan. Sino iyon? Hindi siya si Third, alam ko. Pero sino siya? May inutos sa kanya si Hellia at ang sabi pa nito ay kailangan daw na malinis ang pagkakatrabaho niya at walang dumi. Maaring ang ipinagawa ni Hellia sa lalaking iyon ay ang pagdakip sa kambal o sa pamilya nito. Doon naman sa eksenang iyon sumingit si Third para bantayan ang kambal at ibigay sa oras na kakailanganin na ni Hellia. Galing mismo iyon sa bibig ni Third noong umamin siya sa amin.

Tumingin ako sa kawalan. Maaring ang nakita kong tagpong iyon na limang taon na ang nakakaraan ay ang pagkuha o pagdakip sa kambal. Sa masungit na panahon na iyon nangyari ang lahat. Pero ano namang kaugnayan niyon kay Nathan o kay Charlie? Haysss. Bwiset. Naguguluhan na ako. Kailangan kong makalanghap ng fresh air.

Lumabas muna ng silid ako ng silid. Pagkatapos kumuha ng can beer sa ref ay nagpagdesisyunan kong magtungo sa veranda para magpahangin doon. Sumasakit na ang utak ko kakaisip. Nagulat ako ng isang bulto ang nakita ko doon. Akala ko multo, si Lavinia lang pala. Nilapitan ko siya. Ang ganda naman niyang multo.

“Hindi ka makatulog?” Tanong ko sa kanya paglapit sa kanya.

“Eli.” Sabi niya. Hindi siya nagulat. Alam kong naramdaman niya ang paglapit ko. “Saglit nga akong nakatulog habang hinihintay ang tawag ni Walker.”

“Wala pa ring balita?”

Umiling ito. “Sana mahanap niya si Lily. Ilang oras na ang nakakalipas. Habang tumatagal ay mas lalong nalalagay siya sa kapahamakan. Hindi ako mapalagay na wala man lang tayong ginagawa.”

Tinapik ko ang kanyang balikat. “Huwag ka ng masyadong mag-alala. Kilala mo naman ang babaeng iyon, walang inaatrasan. Si Hellia ang dapat matakot sa kanya.”

“Sana nga.”

“Bakit ka nga pala nagising?” Tanong ko. Wala na akong masabi, eh.

Dinig ko ang malalim na buntong-hininga nito habang nakatigin sa labas at pinapanood ang pagsasayaw ng mga puno sa hangin. “Napanaginipan ko kasi ang mga magulang ko.”

“Ah, ganoon? Buti ka pa.” Sabi ko. “Kahit paano'y nakita at nakasama mo sila sa panaginip. Pero bakit parang malungkot ka pa?”

“Hindi iyon ang panaginip na nais ko.”

Napatingin ako sa kanya. Sa maaliwalas nitong mukha ay mababaanag ang lungkot. “Anong ibig mong sabihin?”

“Humihingi sila ng tulong sa akin.” Diretsong sabi nito. “Matagal ko na din itong napapanaginipan. Laging ganito. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili dahil sa ngayari sa kanila. Anong silbi ng kapangyarihan ko kung hindi ko naman sila nagawang mailigtas?”

“'Yan din ang naisip ko noong nawala ang mga magulang ko.” Pagtatapat ko sa kanya. “Pero naisip ko din na hindi nila magugustuhan kung isisisi natin sa ating sarili ang kanilang pagkawala.”

Tumango ito. “Tama ka naman. Ganitong-ganito ang panahon noon. Nakakapangilabot na kidlat, dumadagundong na kulog, nagngangalit na ulan na sinabayan pa ng nag-aalimpuyong hangin. Masungit ang panahon noong nilamon ng karagatan ang kanilang buhay sa gitna ng kawalan.”

Masungit na panahon. Kanina lamang ay naisip ko iyon at ang nangyari limang taon na ang nakakaraan. Isang idea ang agad na pumasok sa isipan ko gustuhin ko man o hindi.

“Ganitong panahon din?” Ulit ko. Tumango ito. Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para mag-usisa pa. Mukhang bukas naman siya para mag-kwento. “Hindi ba't limang taon na ang nakakaraan simula noong mawala sila?” Pagkumpirma ko ayon na din sa nasabi niya dati.

Masungit na panahon. Limang taon. Konektado ba iyon sa lahat ng naiisip ko o nagkataon lang? Binggo. Isa ito sa mga nakalimutan kong isulat sa papel. Hindi pwedeng nagkataon lang dahil bakit na kay Nate o Charlie ang litrato ng ina ni Lavinia?

“Oo.” Sagot nito.

Pagkatapos naming mag-usap ay ako na ang unang nagpaalam at muling pumasok sa aking silid. Ang isang malaking tanong, may kaugnayan ba ang pagkawala ng mga magulang ni Lavinia sa tagpong nangyari limang taon na ang nakakalipas? Si Charlie, si Nate, si Third, si Hellia, ang nanay ni Lavinia at si Lavinia mismo. Ano ang kaugnayan nila sa isa't-isa? Hhhhhmmmmmmmmm. Alam ko na. Alam ko na kung kanino ako unang magsisimula.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon