Bella's POV
Hindi ako naniniwala sa magic-magic na 'yan pero kung susuriin ang ginawa ng babaeng nasa harap ko ay parang nais ko ng maniwala sa mga napapanood ko sa TV. May kung anong ginawa siya para magsara ang bibig ko. Pagkatapos ay tinanggal din niya iyon bago naman naglabas ng kutsilyo sa hangin. Nakalutang iyon habang nakatutok sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Ang takot na nararamdaman kanina ay napalitan ng kilabot. Para siyang isang mangkukulam.
Inilapit niya ang patalim sa aking leeg. Isang hibla na lang ng buhok ang layo niyon. Diyos ko po.“Hindi ka ba talaga sasagot?”
“A-ako si B-bella. Be-l-la Custodio.” Nanginginig na sabi ko. Mahal ko pa naman ang buhay ko, no? Panginoon, iligtas Mo po ako sa mangkumulam na ito na padala ni Satanas. Kung isa lamang itong panaginip ay gusto ko ng magising. Natatakot na talaga ako.
“May kakambal ka, hindi ba?”
Napatingin ako sa kanya. “Paano mo nalaman iyon?”
“Wala akong hindi nalalaman.” Sagot niya.
Eh, bakit tinatanong mo kung sino ako? Gusto ko sanang isagot iyon pero pinigilan ko ang sarili. Baka kasi tuluyan na nitong ilaslas ang kutsilyo sa leeg ko. Tumango ako. “Oo. May kakambal ako. Si Camilla. Pero wala kayong mapapala sa kanya dahil may malubha na siyang sakit. Huwag ninyo na siyang pag-interesan pa.” Paano kaya niya nalaman ang bagay na iyon? Bigla kong naalala si Third. Baka siya ang nagsabi niyon? Isa din ba siyang mangkukulam? Diyos ko, gisingin Mo na ako sa kahibangang ito.
“Hindi ikaw ang may sakit?” Tanong pa nito.
Tinawanan ko ito na halong may pang-aasar. Hindi ko na mapigilan, eh. “Makukuha ninyo ba ako kung may sakit ako? Pero tama ka. Maaring magkasakit na ako dahil sa mga ginagawa ninyo. Sakit sa utak.”
Inihulog niya ang kutsilyo sa sahig at bigla akong sinakal. “Sumagot ka ng maayos.”
Ramdam na ramdam ko ang kanyang matitilos na kuko. Agad din naman niya iyong tinanggal. Sunod-sunod na napaubo ako. Paniguradong akong nagmarka na agad ang mga kuko nito sa aking leeg sa sobrang tilos ng mga iyon. “Ano bang kailangan mo sa akin?!” Sigaw ko sa kanya.
Hindi ito sumagot at muling ipinagdikit ang mga labi ko. Dahil doon kaya hindi na ako nakapagsalita. Putek. Ano ito? Isa nga siyang mangkukulam. Kumpirmado.
Sumigaw ito ng malakas. Halatang galit na galit. Dahil lang ba iyon sa hindi pag-iilaw ng bolang kristal? Abnormal lang? Bata?Maraming ganyan sa Tondo. Iba-iba pa ang kulay. Marami siyang mahahanap na mas maganda pa doon. Ano bang pinaggagagawa ng mga ito? Ritwal daw? Anong ritwal? Ano ang kinalaman ko doon?
“Nalinlang nila akong lahat!” Malakas na sabi nito habang galit na galit pa din bago tumingin sa akin. “Ikaw ang unang magbabayad sa kalapastanganan na iyon.”
Ito na ba ang katapusan ko? Huwag po Ninyo akong pababayan. Isang kung anong bagay ang ipinatama niya sa akin dahilan para mawalam ako ng ulirat.
*********
Lavinia's POV
Napuno ng sigaw ang buong lugar habang palalapit kami ng papalapit sa kinaroroonan ng pekeng reyna.
“Galing ang tinig na iyon kay Hellia.” Sabi ni Third.
“Paano mo nalaman?” Tanong sa kanya ni Eli.
“Palagay ko lang.”
Hanggang sa nakarating nga kami sa kinalalagyan niya. Doon ay nasaksihan naming tatlo ang kung anong seremonya na ginagawa nito. Isang babae ang nasa gitna ng walo pang babaeng nakapalibot sa mga ito. Wala iyong malay. Hindi ko tiyak kung buhay pa ito o kung ano man. Ang walong babaeng nakapalibot dito ay parang mga wala sa sarili. Baka nasa ilalim na sila ng kapangyarihan ni Hellia.
“Si Bella.” Sabi ni Third.
Nagkubli kami sa malaking poste. Saka na kami lulusob kapag kalkulado na namin ang lahat. Sa gitna ay nakatayo si Hellia. Walang ipinagkaiba ang kanyang wangis sa totoong reyna. Magkamukhang-magkamukha ang mga ito. Mukhang galit ito at ano mang sandali'y parang bubuga na ng apoy. Marahil ay nalaman na nito ang ginawang pamemeke ni Third.
“Sila ang walong babaeng galing sa iba't-ibang nasyon.” Sabi naman ni Eli ng mapagmasdan ang mga babaeng nakapaligid kay Bella.
“Anong plano natin?” -Third. “Ako na ang mauunang susugod.”
Pinigilan ko siya. “Sandali.”
“Hindi ako papayag na lokohin na lang nila!” Sigaw ni Hellia. Nakasuot ito ng itim. Mula korona hanggang kuko. Sa pabilog na porma ng ritwal ay may nakapalibot din na hindi mabilang na mga kandila. Parang orasyon ang nangyayari. Napakabagis ng aura nito. Sa tabi niya ay may isang babaylan. Anong ginagawa niya dito? Baka siya ang tumutulong kay Hellia para maisakatuparan ang mga plano nito. Nilapitan ng demonyo si Bella at hinawakan sa pisngi. “Mamaya na tayo magtutuos.” Sabay baling sa aming direksiyon. Siya namang ginawa naming pagtago.
“Huwag na kayong magkubli dahil walang makakapagtago sa aking kapangyarihan.” Nadinig kong sabi niya.
Kami ang tinutukoy niya. Ito ang unang paghaharap namin at makikita na namin siya ng malapitan, mata sa mata. “Humanda kayo.” Sabi ko sa mga kasama. “Hindi biro ang nararamdaman kong enerhiyang nagmumula sa kanya. Hindi pwedeng tayo ang matalo sa oras na ito.”
“'Yan ang sinisugurado ko sa iyo, Lavinia.” Sabi ni Eli. “Ito na ang matagal kong pinakahihintay. Magbabayad na din ang totoong may kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang ko. Mabibigyan ko na sila ng hustisya.”
“Hindi ako aalis dito hanggang hindi natin nababawi si Bella.” Sabi naman ni Third.
"Hindi din ako makakapayag na hindi makabalik sa Head Quarters.” Sabi ko sa kanilang dalawa. Sinenyasan ko ang mga ito at sabay-sabay kaming umalis sa pinagkukublihan at hinarap ang tunay na kalaban.
Isang nakakabwiset na ngiti ang isinalubing niya sa amin. “Maligayang pagdating sa aking kaharian. Nalulugod ako na nakuha ninyo akong bisitahin.” Unti-unti siyang lumalapit sa amin. Naka-handa ako ano mang oras. “Bakit hindi muna tayo magkaroon ng kaunting salo-salo?”
“Hindi 'yan ang ipinunta namin dito.” Madiing sabi ko sa kanya.
Imbes na magalit ay mas lalo pang lumawak ang kanyang pagkakangiti. Ako naman ang binalingan niya. Sa tantiya ko'y dalawang metro na lamang ang layo niya sa amin. “Lavinia, ang nag-iisang tagapangalaga ng elemento ng apoy. Napakapalad mo.” Inilahad niya ang dalawang kamay sa akin. “Bakit hindi natin sabay na pamunuan ang mundo? Bibigyan kita ng alyansang kakatakutan ng lahat.”
Galit na tinignan ko siya. Siya din ang dahilan ng pagkamatay ni Marina. Ikinuyom ko ang aking mga kamao. “Hindi mo ako nanaising maging kaalyado.” Sabi ko sa kanya. Nilabanan ko ang bawat pagtitig niya sa amin. “Ngunit mas hindi mo gugustuhing maging kalaban ako.”
Ngayon, alam na namin ang kanyang tunay na kulay. Magbabayad siya sa lahat ng kasalanang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantastik"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...