Kabanata 51 : Halik

109 11 3
                                    

Tinawanan ko lang ang sinabi ni Nate. “Nagmamahal? Ilang babae na ba ang nasabihan mo ng ganyan? Ang galing mong bumanat, ah. Sigurado akong marami ka ng napaiyak.”

Ngumiti ito. “Ikaw pa lang. Ikaw ang una.”

“Hindi ako naniniwala.” Sabi ko.

“Oh,  sige na. Ikaw ang pangalawa at ang huli”

“Hindi pa din ako naniniwala.

“Ikaw ang pangatlo.”

“Hindi pa din ako naniniwala.”

“Ginagawa mo naman akong babaero.” Biro nito na kunwari ay nasaktan. “Ang sakit non, ha? Sa sinabi mo kanina wala pa akong pinapaiyak. Ako ang pinapaiyak nila. Naisip ko nga na huwag ng mag-asawa at magpakatandang lalaki na lang pero noong nakita kita biglang nagbago ang isip ko. Gusto kong buuin ang buhay at pagkatao ko na kasama ko.”

Ibinato ko sa kanya ang maliit na unan na nasa tabi ko. “Ang corny mo. Para sabihin ko lang sayo hindi mo ako madadala sa mga ganyang padali mo. Try harder.”

“So, tell me. Ano ngang first impression mo sa akin noong una mo akong nakita?

Huminga ako ng malalim. Ano nga ba? Kailan ko ba ito unang nakita? O napansin?  Day 2 'ata. “Easy-go-lucky? Care free lang. 'Yun bang parang walang pakielam sa mundo.”

“That's my other side. Ikaw? Alam mo ba kung anong first impression ko sayo?”

Napatingin ako dito. “Ano?”

“A fighter. A fighter who don't give up easily. I saw it in your eyes the moment I looked at you. Unang tingin ko pa lang alam ko ng hindi ka basta isang babae lang. You're more than anyting. Ikaw yung tipong ipinaglalaban kung anong nararapat sayo at may sariling paninindigan. Tama naman ang lahat ng iyon, hindi ba?”

“Siguro” Sagot ko. “If i believe in something, I stand up for it.”

Hindi ako nakapag-react ng hawakan niya ang kamay ko. “Doon mo ako lalong napahanga.”

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa hanggang sa magtama ang aming paningin. Isa. Dalawa. Tatlo. Jusko. Hindi pa din ito nagbabawi ng tingin at ganoon din naman ang ginawa ko. Para akong matutunaw sa bawat pagtitig nito. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. Ano ba ang nangyayari na ito?

“You're so beautiful.” Bulong niya at kasabay niyon ang paghawi niya sa ilang hibla ng aking buhok na humarang sa aking mukha. Inilagay niya iyon sa likod ng aking tainga. Pinagapang niya ang kanyang isang kamay sa aking pisngi. Ramdam ko doon ang kuryenteng mabilis na gumapang. Normal na reaction lang ba ang ganito?

Kita ko ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Anong gagawin nito? Isang pulgada na lang ang layo niya. Hindi ko alam ang gagawin. Imbes na kumilos ay parang may buhay ang aking mga mata ng kusang pumikit. Ramdam ko na sa aking mukha ang bawat paghinga nito. Ganoon na siya kalapit. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang binabalak nito. Pero bakit ganon? Bakit wala akong ginagawa? Bakit hindi pa ako umaalis? Dahil gusto mo din. Nagsalita na naman ang isang bahagi ng utak ko.

Pakiramdam ko'y biglang naglaho ang antok na nagsisimula  ng dumalaw sa akin ng walang pasabing naramdaman ko ang labi nito. Parang tumigil ang mundo at nawala ang lahat ng alalahanin ko ng lumapat ang halik na iyon. The time automatically stopped when his lips met mine at nagsimula iyong gumalaw na parang nais tuklasin ang lahat ng parte niyon. Tuluyan akong napasandal sa sofa. Pakiramdam ko'y nanghihina ako. Ramdam ko ang pangangatog ng aking mga tuhod. Hindi ko yata kayang makatayo ngayon.

Ang kanyang dalawang kamay ay nakalapat na sa aking magkabilang pisngi habang patuloy nitong ginagalugad ang bawat sulok ng aking labi. Lavinia, ano 'to? Bakit hinahayaan mo lang ang isang 'yan na gawin ang bagay na ito? Shit. Wala akong magawa. Nanghihina ako sa bawat alon na ginagawa ng napakalambot nitong labi. Nadi-distract ako niyon. Hindi ako makapag-isip ng ayos. I could only focus on how soft he felt against my mouth. Marahan na marahan ang paghalik nito na para bang takot na takot makasakit. Sobrang lambot talaga ng labi niya. Parang sa isang sanggol. Idagdag pa ang kakaibang lasa niyon. Parang agad nitong napasuko ang lahat ng senses at mga pagtutol sa aking katawan. Dinig ko ang mahinang pagpapakawala nito ng ungol that totally stopped my heart from beating. Naghatid iyon ng kakaibang sensasyon sa aking kaibuturan.

Panaginip ba ito? Pakiramdam ko'y nakalutang ako sa ibabaw ng alapaap. Ito ang kauna-unahang naramdama ko ito sa aking sarili. Everthing still wasn’t clear. Ang malinaw lamang ay ang nakakakiliting pakiramdam dulot ng mga labi ni Nathan. There was mixed emotion taking my whole body where his hands starts exploring my neck. Ramdam ko ang paggapang ng mga daliri nito sa aking leeg hanggang sa aking batok. Nakakakiliti iyon pero hindi ako natatawa. Iba ang pakiramdam na naidudulot niyon na ngayon ko lamang naranasan.

Para siguraduhing hindi ito isang panaginip lamang ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kitang-kita ko ko ito. Napaka-aliwalas ng mukha niya. Ang sarap niya palang titigan ng mas malapitan. 'Yun bang walang espasyong namamagitan. Ikinawit ko ang aking kamay sa balikat nito. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Simula ng halikan niya ako ay nagkaroon na ng sariling buhay ang lahat ng parte ng aking katawan. Dinig ko ang bawat paghinga nito. Ang kaninang mahinahong paghalik ay unti-unting bumibilis. Parang mas nagiging mapusok na ito. Nagbukas din ito ng mga mata na siyang hindi ko inaasahan. Tumigil ito sa paghalik at tinaggal ang pagkakalapat ng aming mga labi. Tumingin siya sa akin at nginitian ako pagkatapos ay muli akong hinalikan. Kumuha lang pala ito ng hangin. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. He made a throaty sound. Dinig na dinig ko iyon dahil sobrang tahimik ng paligid. Dama ko ang dila nito na nagsimulang pasukin na ang aking bibig. Oh myyyyyyy gooooossssh. Jusko po. Bigyan po Ninyo ako ng lakas para gumising sa masarap na  panaginip na ito. Amoy na amoy ko siya. Ganoon pa din. Amoy chocolate. Pinipigilan ko ang sariling kagatin ito. Jusko, Lavinia. Ano ba ang mga naiisip mo? Higit sa lahat, bakit hinayaan mo na mangyari ang bagay na ito?

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon