Kabanata 14 : Si Eliazar Laban Sa Babae

97 18 0
                                    

Kahit bugbog sarado na ito sa akin ay nagawa pa din niyang masuntok ako sa muka. Gumanti ako. Nagbuno kaming dalawa hanggang sa parehas na kaming napahiga sa semento. Sorry na lamang at siya ang napailalim. Sinuntok ko ng ilang beses ang kanyang mukha habang nakaupo ako sa kanya. Ang sakit na ng kamay ko. Sumuko ka na, please. Pagod na ako. Hindi ito ang almusal na gusto ko! Tinadyakan ko pa siya ng dalawa bago lumayo sa kanya. Pinahid ko ang pawis sa mukha. Habol ko ang aking paghinga. Panira sa porma ang isang 'to.

Sabay kaming dumampot ng tig-isang ispada. Nagtagisan kami ng galing sa paggamit niyon. Mabilis ang kanyang mga kilos. Lahat ng iyon ay sinsabayan ko. Hindi na ako makakapayag na muli ay makapuntos siya. Pero mukhang hindi umaayon sa akin ang kapalaran. Muli ay nasuntok niya ako dahilan para mapaatras akong ng ilang hakbang. Nagawa pa niya akong masipa. Daplis lang naman dahil naiwasan ko agad. Ang tibay ng sikmura ng isang 'to. Dalawang suntok pa ang nakuha ko mula sa kanya bago siya nagpakawala ng isang nalakas na enerhiyang itim. Sapul ako niyon at ako naman ang humagis patungo sa pintuan. Labanan na ba ito ng kapangyarihan?Huwag kang mag-alala dahil hindi kita aatrasan. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking katawan hindi dahil sa libog kundi dahil sa pinakawalan niyang enerhiya. Parang apoy iyon sa init. Nakakapaso.

Nilapitan niya ako at siya naman ang gumanti. Maka-ilang beses na sinuntok din niya ako. Nang makakuha ng tiyempo ay hinawakan ko ang kanyang sentido. Napangiti ako. Huli ka balbon. “Stop!” Naestatwa sa hangin ang kamao nitong patama na sana sa akin. Yes. Nagawa kong mapasok ang isipan niya. Pero hindi ko mabasa ang nasa loob niyon. Ang tanging nagawa ko lamang ay pigilan ito. Sapat na iyon para makaganti.

Buong lakas na sinuntok ko siya. Iyon na marahil ang pinakamakalas na suntok na pibakawalan ko sa buong buhay ko. Tumalsik siya palayo sa akin. Ilang suntok at tadyak pa ang natanggap niya sa akin. Tulo na ang pawis ko bago ko siya tigilan at bago ito nakawala sa aking kapangyarihan.

Tumakbo siya patungo sa akin. Ayan na naman siya. Walang kapaguran, ha? Nagpalitan kami ng suntok at sipa patungo sa isa't-isa. Matira ang matibay sa aming nito. Alam ko namang ako ang matitira sa bandang huli. Mas nakakalamang ito sa bawat atakeng pinagkakaloob niya sa akin. Hindi maikakailang mabilis siyang kumilos at sadyang malakas siya. Hindi dahilan ang mga bagay na iyon para panghinaan ako ng loob. Sa totoo nga 'yan ay kating-kati na ang mga palad ko na paslangin siya. Makakuha lang talaga ako ng tiyempo ay iyon talaga ang gagawin ko. Nagawa niya akong masuntok muli sa aking pisngi. Umikot siya at sa pagharap niya sa akin ay ang kanyang lumilipad na paa ang tumama sa aking bibig. Napakasakit niyon. Parang malalagas ang mga ngipin ko. Humanda talaga ang babaeng ito. Ramdam ko ang pagdudugo muli niyon. Umikot siya at iyon ang malaking pagkakamaling ginawa niya. Mabilis na sinalubong ko siya ng suntok at tadyak. Napuruhan ito sa ginawa kong iyon. Hindi pa ako diyan natatapos. Maghintay ka lang.

Isang sipa na naman ang natamo ko sa kanya pagkatapos niyon. Napakabilis niyang makabawi. Ganoon din ako kahit na ilang sugat na ang natamo ko sa kanya. Pilit kong iniwasan lahat ng pag-atakeng pinapakawalan niya. Nagawa kong mabigyan siya ng upper-cut. Magaling, Eli. Mukhang nahilo ito dahil doon na siyang sinamantala ko. Sinipa ko ito ng malakas hanggang sa nagpalitan na ulit kami ng atake sa isa't-isa.

Lumayo siya sa akin at naglabas ng enerhiya. Ibinato niya iyon sa akin. Salamat at nagawa ko iyong maiwasan. Naglabas siya ng malalakas na kapangyarihan. Limang beses pa nitong ginawa iyon pero lahat ng iyon ay matagumpay kong naiwasan. Sunod-sunod na pagsabog ang nagananap sa paligid. Napuno ng usok ang boong roofrop. Sigurado akong may mga makakapansin na sa amin dito sa ayaw o sa gusto ko man. Dapat ko na talagang madaliin ang pagtapos sa kanya.

Nang mawala ang usok ay tinakbo ko ang kitatayuan ng babae. Dapat ng matapos ang palabas na ito. Hawak na muli naming ang aming mga sandata. Nagpalitan kami ng atake sa bawat isa. Walang nais tumigil at magpatalo. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya ako nagawang madaplisan sa may bandang tagiliran. Shit. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula doon. Hindi ko dapat iyon indahin. Hindi ito ang papatay sa akin. Muli naming iwinasiwas ang aming mga ispada patungo sa isa't-isa. Isang maling kilos ko lang ay matatamaan ako muli niyon at baka sa pagkakataong iyon ay matuluyan na ako. Umikot ako para iwasan ang sunod niyang atake. Iyon din ang ginawa niya ng ako naman ang nagwasiwas ng ispada patungo sa kanyang direksiyon. Ganoon at ganoon lamang ang ginawa namin hanggang sa lumipas na ang ilang minuto. Nangangalay na ako pero kapag tumigil naman ako ay mapupuruhan na naman ako nito. Hindi pwede 'yon. Pareho na ang lahat ng kilos na ginagawa namin. Nagawa kong mahawakan ang kanyang kamay na may hawak ng ispada. Ang isa naman ang ginamit niya pero buti na lamang at nahawakan ko din iyon. Ngayon ay pareho ko ng hawak ang kanyang mga braso. Ito ang pagkakataon na hinihintay ko. Tinuhod ko siya kaya naman natumba siya sa semento. Dinaganan ko na naman siya at sa pagkakataong iyon ay sinakal ko na siya ng sobrang higpit sa kanyang leeg.

Hinigpitan ko iyon ng sobra-sobra hanggang sa mangisay-ngisay na siya. “Ano, ha?” Nang-uuyam na tanong ko sa kanya habang hinahabol ko ang aking paghinga. “May sasabihin ka ba?” Kita ko ang paghihirap sa mga mata nito. Alam kong ilang sandali na lang ay mauubusan na ito ng hininga na siyang papatay sa kanya. Hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataong makawala pa. Diniinan ko pa ang pagkakasakal sa kanya. Nagpupumiglas ito pero bigo siyang makawala sa akin. Pagod na ako at ayoko ng makipaglaban pa sayo. Tinuhod ko siya sa kanyang tiyan ng ilang beses habang hindi pa din inaalis ang dalawang kamay sa kanyang leeg. Pagkatapos ay mabilis na dinampot ko sa tabi ang kanyang ispada at walang pagdadawang isip na itinusok iyon sa kanyang tiyan.

Nakaupong pinanood ko siyang unti-unting maging abo at lipadin iyon ng malakas na hangin. Haaaayyyyy.  Patihayang napahiga ako sa sahig. Nakakapagod. Bakit ito ang isinalubong sa umaga ko? Nakakasira ng araw.

*******

Grabe. Ang haba ng fight scene ni Eli. Nahirapan ako ng slight dito. Mas mahaba pa kay Lavina. 😅 Pero ang galing niya. Clap, clap, clap.

Up next: Lily Cruz 😂😂😂 Bukas po ito.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon