Third's POV
Pagkaalis ng The Four ay mabilis na kinuha ko sa tricycle si Bella at siya ang ipinalit sa kamang kanina lang ay kinahihigaan ni Camilla. Tama ang kutob ko. Wala pang ilang oras nung nakaalis sila ay siya namang pagdating ng mga kampong isinugo ni Hestia. Kinuha na din nila si Bella.
Napaupo ako sa kama ng matapos ang lahat. Tapos na din ang pakay ko dito. Dapat na akong magbalik sa Athens. Kailangan ko na ding ihanda ang sarili dahil ano mang sandali ay maaring malaman ng reyna ang ginawa ko. Matagal naman na akong handa. Si Queen Hestia, Si Charlie at ang The Four. Sino kaya sa kanila ang magtatagumpay sa bandang huli? Kailangang galingan ko ang pagpili sa kung sino ang dapat panigan. Saka ko na iisipin 'yan. Ang mahalaga ngayon ay makasunod lamang ako sa alon.
******
Lavinia's POV
Sa entrada ng Athens kami sumulpot. Nandito na nga kami sa aming mundo dahil nakikita ko na ang mga kakaibang nilalang na sa lugar ng mga tao'y tanging sa libro lamang makikita. Pumikit ako at hinayaang malanghap ang sariwang hangin. Parang kay tagal naming nawala. Ngumiti ako. Nagbalik na nga talaga kami. Kailangan na naming makarating sa Head Quarters para malaman ang mga kaganapan doon. “Tara na.” Sabi ko sa mga kasama.
Bago pa lang kami hahakban ng ilang pulutong ng mga kawal ang bigla na lamang sumulpot kung saan-saan at pinalibutan kaming lima.
“Ano ang ibig sabihin nito?”Mariing tanong ko sa mga ito. Pakana na naman ba ito ng reyna? Hindi ba kilala ng mga ito kung sino ang hinaharang nila? Wala din bang balak sumagot sa mga ito? Tahimik lamang sila habang nakatutok ang kanilang ispada sa aming lima.
“Pinag-iinit ng mga gagong 'to ang ulo ko.”
“Don't.” Pinigilan ko si Nate ng tangakain niyang maglabas ng enerhiya sa kanyang kamay.
“Huwag nilang ubusin ang pasensiya ko dahil hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ng kanilang reyna sa aking mga magulang.” Ramdam ko ang pagtitimpi sa boses ni Eli. “Hindi ito ang nais kong pagsalubong sa atin.”
“Huwag kayong gagawa ng kung anong aksiyon hangga't wala akong binibigkas. ” Sabi ko sa dalawa. Napukaw ang pansin ko ng limang nilalang na papalapit sa amin. Dalawang babae at tatlong lalaki. Mukha at ayos pa lamang ng ito ay natitiyak ko ng hindi ko sila magugustuhan.
“Maligayang pagbabalik, The Four... or should I say The Five?” Sabi ng babaeng lumapit sa amin. Maganda ito pero hindi ko gusto ang ngiting ipinapakita niya. Plastic. Gusto kong burahin iyon ano mang sandali.
“Hindi ba't anim kayo?” Sabi naman ng lalaki na umakbay pa sa katabi nitong isang babae. “Ano ng nangyari sa isa?”
Naikuyom ko ang aking kamao. Si Marina ang tinutukoy ng mga ito. May kinalaman ba sila sa kamatayan ng kasama namin? Kung gayon ay mga alagad din ng masamang reyna ang mga ito. Kaaway din namin ang mga kasapi niya. Kaya pala unang tingin pa lang ay kumukulo na agad ang dugo ko sa mga ito. Nanginginig na ang mga kamay mo. Gusto ng maglabas ng apoy. Pinigilan ko ang sarili. Hindi pa ito ang oras. Sa halip ay nakipagtitigan lamang ako sa mga ito. Sa tingin ba nila'y matitinag ako? Isang malaking pagkakamali.
Pumunta sa ginta si Lily at pinameywangan ang mga ito. “At sino naman kayo?”
Nilapitan ito ng babae na parang leader nila at hinawakan pa sa pisngi. “Hayaan mo kaming magpakilala, baby girl.”
Nang-iinis ba ang mga ito? Sige, Lily. Binibigyan na kita ng hudyat para patulan ang kung sino mang peste na mga 'yan.
“I'm Harvey.” Sabi ng isang lalaki.
“Sigala.” Sumunod na sabi ng isa pa.
“Sigala?” Ulit ni Lily. “Pangalan pa ba 'yan? Maiintindihan ko kung isusumpa mo talaga ang mga magulang mo. Ang baduy. Pang matanda. Wala man lang class.”
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasía"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...