Kabanata 23 : Ang Plano Ni Third

100 15 0
                                    


Bago pa lang kami hahakbang ng mga kasama ko ng isang malakas na pagsabog ang naganap sa paligid. Nagsitakbuhan agad ang lahat ng naririto. Nagkagulo na sila. Napuno ng usok ang kabuuan ng palengke. Ang ilan ay sumisigaw pa.

“Humanda kayo.” Sabi ko sa mga ito. “Isang nilalang ang nararamdaman kong naririto.”

“Mapapalaban tayo.” Sabi ni Nate.

“Bring it on.” -Lily

“Kahit ilan pang kampon ang ipadala ni Hestia ay mabibigo lamang siyang pigilan tayo.” -Eli.

“Laban na.” -King.

"Iyan lang ang entry mo?” Sabi dito ni Lily. “Walang kakwenta-kwenta.”

Hindi ko pinansin ang mga ito. Nang mawala ang makapal na usok ay bumungad sa aming harapan ang isang nilalang na gawa sa bato. Hindi naman siya higante. Kasinlaki lang din namin. Pero nararamdaman ko ang kanyang enerhiya. Malakas iyon. Hindi naman ako nangangamba sa kung anong taglay niya. Gaano mam siya kalakas ay alam kong hinding-hindi mananalo ang kahit sino o ano man sa amin hangga't magkakasama kami at hindi maghihiwalay. Mas nagkagulo sa paligid at lahat ng tao ay nagtago na kung saan-saan. Sana lamang ay nakalayo na silang lahat. Ayokong may inosenteng madadamay sa mangyayari na ito. Hindi nila kayang protektahan ang kanilang sarili laban sa isang 'to. Wala silang magagawa. Kami lamang ang makakalaban sa kanya. Kapangyarihan laban sa kapangyarihan.

“Anong klaseng nilalang 'yan?” Tanong ni Eli.

“Siya si Android 17.”

Napatingin ako kay Lily. Ano daw?

“Android 17?” -King

“Yes. Kapatid siya ni Dende at Master Pogi. Nandito siya para sakupin ang buong sanlibutan at tayo lamang ang makakapagligtas sa planet earth. Bilang ako ang nag-iisang anak ni Vegetta tungkulin kong sumunod sa kanyang mga yapak. Sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay sa kanyang mga plano.”

“Lily, tigil-tigilan mo na ang panonood ng anime at ng kung ano-ano pa. Baka diyan ka mabaliw.” Sabi sa kanya ni King.

“Lily. May nakita akong puting van kanina.” Sabi ni Nate.

“Anong gusto mong gawin ko?”

“Gusto niya lang iparating na mag-ingat ka. Nangunguha 'yun ng mema lang. Memasabi.” Segunda pa ni Eli.

“Ikaw ang mag-ingat. Nangunguha 'yun ng mga sunog.”

“Kaya dapat ka din talagang mag-ingat 'don. Nangunuha talaga sila ng sunog. Sunog ang kaluluwa.”

“Kapag hindi pa kayo tumigil ay kayong apat ang susunugin ko.” Sabi ko sa mga ito. “Nakuha ninyo pang mag-asaran ng ganito. Alam kong namiss natin ang isa't-isa pero may tamang oras diyan.”

“Kahit kailan killjoy ka talaga.” -Lily. “Okay. Labanan na natin ang halimaw na 'yan.” Hinawakan niya pa ang kamay ni King.

Agad naman bumitaw ang lalaki. “Kadiri. Bakit nagpapawis ang kamay mo?”

“Water bender kasi ako. Bobo.”

“Kailan ka pa naging water keeper?” -Eli.

“Tanong mo sa pagong. Ay, yay, yay, kinalikot ang kipay. 🎵🎶🎻Ay, yay, yay, kinalikot ang kipay. 🎶🎵🎧” Pakanta-kanta pa siya ng kung ano-ano.

Napakabastos talaga ng isang 'yan. Hanggang sa nakarinig kami ng sunod-sunod na tunog na nagmumula sa kung saan. Parang wang-wang. Maya-maya may mga nagsilapitan sa aming maraming pulis.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon