Bella's POV
“Nay, sigurado ba talaga kayo na babalik kayo sa pagtitinda sa palengke?” Tinignan ko ang aking ina na abala sa pag-aayos ng mga kakanin na inangkat niya pa sa may kanto.
“Oo, anak. Hindi ako sanay na walang ginagawa.”
Nilapitan ko siya at inabot dito ang tinimpla kong kape. Buti na lang at maaga akong nagising. Alas-singko pa lang ng umaga. Paniguradong maraming ng tao sa palengke sa ganitong oras. Malapit lang naman iyon sa amin.
“Baka mahuli ho kayo.” Sabi ko dito. Ayoko na kasi sanang nagtitinda pa ito. Kaya ko naman silang suporthan. Dalawa ang trabaho ko. Pang-umaga at panggabi. Buti nga at nakahanap pa ako pagkatapos kong masisante sa bwiset na kainan na 'yun. Kailan kong kumayod ng matindi para sa mga gastusin ng kakambal ko sa ospital. Hindi pa din kami nawawalan ng pag-asa na balang araw ay gigising na ito at mawawala na ang kung ano mang sakit na mayroon siya. Ilalaban namin siya. Ilalaban ko siya ano man ang mangyari. 'Yan ang pangako namin sa isa't-isa noong mga bata pa kami.
Ang aking ama naman ngayon ang nakatokang magbantay sa kapatid. Hati-hati kami ng araw. Hindi pwedeng walang nasa labas para kumayod. Ako na ang umako sa responsibilidad na iyon dahil hindi ko magawang makitang nahihirapan ang aking mga magulang. Matatanda na ang mga ito kaya hindi na dapat sila gumagawa ng mabibigat na trabaho.
Hinawakan ko ang kartong-de-tulak ng aking ina. “Ayoko lang hong mahuli o mapahamak kayo.”
Nginitian niya ako bagi hinawakan sa aking pisngi. “Ikaw na bata ka talaga. Kailan ba ako nahuli? Hindi ka pa nasanay. Mabilis pang tumakbo 'tong nanay mo kaya wala ka dapat alalahanin.”
“Pero, Inay ----” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng inilapit nito ang daliri sa aking bibig.
“Huwag ka ng tumutol. Hindi naman 'to nakakapagod. Mas nakakapagod pa nga ang walang ginagawa. Mas maaga akong mamatay niyan. Hayaan mo na ako para kahit papaano ay makatulong naman ako sa gastusin natin dito sa bahay. Pagbigyan mo na ako sa isang 'to, anak.”
Napabuntong-hininga ako. Alam kong buo na ang desisyon niya kapag ganyan na ang mga linyahan niya. Kinuha ko ang pulang jacket na nakasabit sa harapan ng barong-barong namin at isinuot iyon. Pati na ang sumbrerong itim. “Kung gayon ay hayaan ninyo na lamang akong samahan kayo sa pagtitinda. Day-off ko naman po sa isang trabaho ko at mamaya pang gabi naman ang pasok ko sa isa pa. Linggo ngayon kaya malamang sa malamang ay maraming nanghuhuli.” Pinanlakihan ko ng mata ang aking ina at nginitian. “At huwag na din po kayong tumutol.”
Napapailing na lamang ito. Ako na ang nagtulak ng karton na naglalaman ng mga paninda namin. Sari-sari iyon. Basta karamihan ay pang-almusal. Mabilis na nakarating kami sa palengke at humanap ng magandang pwesto. Bukod sa mga kakanin ay may dala din kaming ilang gulay at isda. Pati na mga prutas. Mabili kasi ang mga iyon. Napakadaming tao na dito. Simula na naman ng isang araw. Sana'y maubos ang mga paninda namin.
*******
Lavinia's POV
Inayos ko ang sarili at tumayo ng tuwid. Ang isang peste naman ang binalingan ko. Sakto't patungo siya sa aking direksyon. Nang makalapit sa akin ay iniwasan ko ang kanyang sipa at sa halip ay malakas na sinuntok ko siya sa kanyang tiyan. Hinawakan ko ang kanyang mukha at inginudngod ng ilang beses sa lupa. Pagkatapos ay tinadyakan ko siya sa kanyang tagiliran.
Nakita ko ang pagsugod ng isa na naman sa akin. Gusto pa 'atang makatikim. Nagawa kong maiwasan ang sipa niya. Nagpalitan kami ng hindi mabilang na suntok. Wala sa amin ang nais magpatalo. Lalo na ako. Kahit magtulong pa silang dalawa. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nito. Natuhod niya ako sa aking sikmura. Napaluhod ako sa sobrang sakit niyon. Tinignan ko siya ng masama. Sisipain niya sana ako pero mas mabilis pa sa kidlat na nahawak ko ang kanyang isang binti. Hindi mo na ako maiisahan pa. Gamit ang buong lakas ay ibinato ko siya sa pader. Gumawa iyon ng malakas na ingay. Sana naman ay walang makapansin sa amin dito dahil mas malaking gulo iyon kapag nagkataon. Nilapitan ko siya habang hindi pa siya nakakatayo. Limang suntok ang ipinagkaloob ko sa kanya.
Napailing ako ng makitang tumayo naman mula sa pinaghagisan niya kanina ang isang lalaki. Jusko. Hindi pa ba talaga babagsak ang mga ito? Talagang plano nilang pahirapan ako. Lumusob siya patungo sa akin. Nasipa niya ako sa mukha. Pakiramdam ko'y malalagas ang mga ngipin ko. Hindi basta-basta ang mga lalaking ito. Nagawa pa niya akong masuntok ng tatlong beses. Ayaw ko man gawin ito dahil hindi ko nais makatawag ng atensiyon pero napapagod na ako sa mga ito kaya isang fire ball ang pinakawalan ko patungo dito. Tumalsik ito sa malayo palabas ng eskinita.
Ang isa naman ang binalingan ko. Gamit ang air element ay pinalutang ko ang ilang mga kahoy at ibinato dito. Lahat ng iyon ay nasalag niya. Kailangan ko pa talagang sanayin ang sarili ko sa bagong kapangyarihan. May oras para doon. Ang mahalaga ngayon ay matapos ko na ang dalawang ito bago pa may makakita sa amin. Isang sipa na naman ang pinakawalan nito. Buti na lamang at mabilis kong nahawakan ang binti nito dahil kung hindi ay mukha ko na naman ang mapupuruhan. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nagpalitan kami ng pag-atake sa bawat isa. Malalakas at matitibay din ang mga ito. Mukhang hindi basta-basta lamang ang mga alagad ng reyna. Nakita kong naglabas siya ng isang itim na enerhiya. Wala akong pagpililiian kundi gayahin din ito. Sabay naming pinakawalan iyon. Isang hindi kalakasang pagsabog ang naganap dahilan para lumikha iyon ng makapal na usok. Sana lamang ay wala talagang makapansin sa amin. Kahit makapal pa ang usok ay kitang-kita ko ang pagsugod niya sa akin. Akala ba nito ay hindi ko siya mapapansin? Nagawa kong mapigilan ang kamao niya sa paglapit sa aking mukha. Nginitian ko ito ng magtama ang aming paningin. Gumawa ako ng fire ball at itinaman sa tiyan nito. Talsik siya sa pader na nasa unahan. Nawasak iyon sa sobrang lakas ng impact. Nagsigawan ang mga taong naroroon. Jusko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kanya-kanya silang takbuhan at sigawan na akala mo'y kung anong nagaganap. Nagtabi ang dalawa. Sabay na tumayo ang mga ito habang nakatingin sa akin.
Nasa ganoon kaming ayos ng makarinig ako ng mga yabag. Hanggang sa...
“Taas ang mga kamay!”
Napalingon ako sa aking likod. Limang pulis ang naririto at lahat sila'y nakatutok ang baril sa amin. Nakaagaw na kami ng pansin. Marami ng tao ang nakatigin sa amin.
“Walang kikilos ng masama!” Sigaw ng isa.
Tinignan ko ang dalawa. Sila ang dapat kong bantayan hindi ang mga pakielamerong mga pulis na ito. Baka gumawa pa ng kung ano mga ito na ikapahamak ng ilang taong naririto.
“Hindi pa tayo tapos!” Sigaw ng isang lalaki bago tumakbo ang mga ito palayo.
Tatlong pulis ang humabol sa mga ito. Paniguradong babalikan nila ako ano mang oras na makakita sila ng pagkakataon. Kung ganoon ay hihintayin ko sila anong man ding sandali. Hindi pa talaga kami tapos dahil ako ang tatapos sa kanila. May mga nakatingin pa din sa akin pero karamihan ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa na parang walang nangyari. Parang normal na ang ganitong bagay sa mundo ito.
“Taas ang kamay!” Muling sigaw ng isang pulis sa akin. Dalawa na lamang silang naiwan sa akin.
Talaga ba? Tig-isang sipa ang ipinagkaloob ko sa dalawang pulis. Tumba ang mga ito. Sinamantala ko ang pagkakataon para tumakbo ng mabilis palayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...