Kabanata 41 : Ang Plano Ni Walker

75 11 0
                                    

“Mag-iingat ka.” Sabi ko sa Inang Reyna. Niyakap niya ako bago tuluyang bumaba sa tore. Sana ay magtagumpay itong mahanap ang Amang  Hari.

Parang nanghihinang napasandal ako sa gintong pader. Hindi akalain na maraming nakakagimbal na lihim ang matutuklasan ko ngayon. Alam kong sa pinaplano kong ito'y maaring mapahamak ang aking ama at maging ang Inang Reyna pero wala na akong mapamimilian pa. Hindi naman pwedeng wala akong gagawin. Kung makapangyarihan talaga ito ay dapat maging maingat at sigurado ang lahat ng hakbang gagawin ko. Kailangan ko ng kumilos.

Naglaho ako at pumunta sa entrada ng palasyo. Naabutan ko doon ang mga kawal na nagbabantay. Pati na ang mukhang kapapasok lamang na si Palestine. Kanang  kamay ito ng reyna, hindi ba? Hindi. Kanang kamay ito ni Hellia. Baka makakuha ako ng impormasyon mula sa kanya. Limang taon na itong nagsisilbi sa palasyo. Ang taon din na iyon kung saan nagsimulang nakihati sa pagkatao ng Inang Reyna si Hellia. Sigurado akong magkasabwat ang dalawang ito. Siya ang nagsasagawa ng plano sa labas. Kung ganoon ay alam din niya na dalawa ang reynang nasa loob ng palasyo. Isa lang ang tunay doon at iyon ang aking ina.

Tumungo siya sa harap ko ng makita ako bilang pagbibigay galang. “Saan ka nagtungo?” Pasinpleng tanong ko dito.

Napatingin siya sa akin. Marahil ay nagtaka ito kung bakit ko siya tinanong ng ganoon dahil sa tuwing magkikita o magkakasulubong kami ay hindi ko naman siya tinitignan o binibigyang pansin man lang. Wala naman kasi akong pakielam dito. Pero noon iyon.

Ngumiti ito. “Nagpahangin lamang ako sa labas, Mahal Na Prinsipe. Kung iyong mamarapatin ay nais ko na sanang magpahinga.”

Tinanguan ko siya. Naglakad na ito palayo.   Palihim ko siyang sinundan. Akala ko'y sa silid siya ni Hellia pupunta pero nagtungo na nga siya sa kanyang pahingahan. Galingan ninyong magtago. Malalaman ko din ang lahat ng mga plano ninyo.

Bigla kong naalala ang mga babaeng ipinakuha ni Hellia. Masisira ko ang seremonyang gagawin nito kung mahahanap ko sila. Napangiti ako. 'Yun nga ang ginawa ko. Ngunit nalibot ko na ang buong palasyo pero kahit anino ng mga ito ay wala akong nakita. Saan sila itinatago? Buhay pa kaya ang mga ito?

Malalim na ang gabi ng palihim na bisitahin ako ng aking ina sa silid.

“Hindi ko talaga makita kung saan itinatago ni Hellia ang iyong ama.” Bungad nito.

“Maging ang mga babaeng kinuha niya ay sinubukan kong hanapin pero bigo din akong makita.” Sandali akong nag-isip. “Hindi natin ito magagawa ng tayo lang. Kailangan natin ng tulong.”

“Hindi.” Tutol nito. “Mas lalong malalagay sa kapahamakan ang inyong ama kapag maraming nakaalam nito.”

“Magtiwala lang kayo sa akin. Alam ko amg ginawa ko.” Sabi ko.

“Pero---”

“Sa mga oras na ito'y wala na kayong karapatang tumutol. Hindi ko pa din nalilimutan ang ginawa ninyong paglilihim at pagsasawalang-bahala sa mga ginawa niya sa loob ng nakapatagal na panahon. Pasalamat na lamang kayo at wala na muna akong balak sabihin ito sa ngayon sa aking mga kapatid dahil alam kong magiging padalos-dalos ang mga kilos nila. Baka kamuhian pa nila kayo kapag nalaman pa nila ito. Hindi pa ito ang oras. ”

“Ikaw ang masusunod.” Nasabi na lamang nito.

Matagal bago ako nagsalita. “May mga alam akong makakatulong sa atin para mapabagsak si Hellia. Sa tingin ko'y dapat din nilang malaman ito.” Saan ko kaya makikita ang mga ito? Tinignan ko ang reyna ng may maalala. “May babae akong nakita sa lugar kung saan ko din kayong nakitang dalawa na nag-uusap. Tiyak akong nasaksihan din niya ng malinaw ang mga nakita ko. Nandoon siya sa katabing silid. Kayo na muna ang bahala sa kanya. Puntahan ninyo na siya ngayon bago pa may ibang makakita sa kanya. Problema pa kapag may mga nakaalam sa mga nasaksihan ninya.”

“Gagawin ko ang sinabi mo. Pupuntahan mo ba ang The Four?”

Nahulaan agad nito kung sino ang mga nilalang na hihingan ko ng tulong. Tumango ako. “Sila lang ang alam kong makakatulong sa atin para magapi si Hellia. Sa tingin ko din ay karapatan nilang malaman ang lahat ng ito. Ayoko tuluyang isipin nila na ikaw at tayong buong pamilya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi si Hellia ang sisira sa pangalang iningatan ng angkan natin. Hindi din siya ang sisira sa pamilyang ito.”

“Mag-iingat ka.” Sabi ng Inang Reyna.

Matapos niya akong yakapin ay tuluyan ko ng nilisan ang aking silid. Habang palabas sa palasyo ay nadaanan ko ang bilangguang pinaglagakan kay Eliazar ng akusahan itong pinagtangkaan ang buhay ng Inang Reyna. Totoo pala ang lahat ng bintang nito. Pero hindi ang aking ina ang nag-utos niyon kundi si Hellia. Isang jacket ang nakita ko doon. Suot niya iyon ng dalhin siya dito sa palasyo noong nakaraang araw. Mabilis na kinuha ko iyon. Nakatakas siya sa paghuhukom kasama si Lavinia. Buti na lamang at hindi ito tuluyang napaslang dahil kung nagkagayon ay may inosenteng buhay na naman ang madadamay.

Matagumpay na nakalabas ako sa palasyo ng wala man lang nakakapansin. Nang makatawid sa kabilang dako ay inilabas ko si Habagat, ang malaking agilang bahagi ng aking kapangyarihan. Lahat ng nakakasaling elemental keeper sa competition ng The Four ay nagkakaroon ng ganito. Ipinaamoy ko sa kanya ang jacket ni Eliazar. “Nais kong dalhin mo ako sa nilalang na nagmamay-ari sa kasuotang ito.”

Ipinagaspas nito ang malaking pakpak tanda na nalaman na agad nito kung saan matatagpuan ang hinahanap ko. Magaling. Sumampa na ako sa kanyang likod. “Puntahan na natin sila.”

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon