Lavinia's POV
Tatayo na sana ako para kastiguhin ang mga pesteng nambato ng kung ano-ano kay Eli ng pigilan ako ni Charlie. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Ano ang gusto nitong gawin ko? Ang tumunganga lamang dito? Napa-iling na lang ako.
“Kamatayan ang nararapat para sa isang taksil!” Sigaw ni Hestia.
Kasunod niyon ay tinanggal ng mga kawal ang itim na telang nakatakip sa mga bagay na nasa unahan.
“Ano ang mga 'yan?” Tanong ni King. Napuno ng palakpakan ang paligid.
Nakakapangilabot na mga kagamitan ang bumungad sa amin. Isang malaking gilingan na kaya siguro kahit limang buhay na kalabaw ang ilagay doon. Katabi niyon ay isang kahoy na upuan na napapalibutan naman ng gabundok din na kahoy. Apoy na lamang ang kulang ay magliliyab na iyon. Ang panghuli naman ay isang tali lamang naka-kabit sa dalawang bakal na nakasuporta doon. Umiilaw pa iyon na parang laser. Konting dikit lamang ay panigurado akong mahahati na niyon ang kahit anong bagay. Ano ang pinaplano ng masamang reyna? Ano mang piliin doon ay tiyak na kamatayan ang haharapin.
Napatingin ako kay Eli. Sakto at nakatingin din siya sa amin. Nagtama ang aming mga paningin. Wala akong nababasa sa mga mata nito kundi galit. Huwag kang mag-alala, Eli. Nandito lang kami at hindi kami papayag sa kung ano mang nais gawin ni Hestia.
*********
Eli's POV
Kita ko ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama ko. Nandito sila. Hindi ko alam ang kanilang plano. Sana'y huwag ng madamay ang mga ito. Mahirap kung lahat kami ay maituturing na kaaway. Mas imposibleng mapabagsak sila kapag nagkatakon. Don't worry, guys. Hindi ako papayag na mapaslang sa araw na ito. Paano ko magagawa iyon? Hindi ko din alam. Ang alam ko lang ay hindi ako makakapayag na mamatay ngayon.
“Kahindik-hindik na kaparusahan ang nararapat para sa mga magtatangkang kumalaban sa palasyo at sa buong Athens.” Sabi pa ng bwiset. Tumingin siya sa akin.
Nilabanan ko ang titig niya. Hindi ako natatakot sayo.
Pumunta siya sa magandang upuan niya at si Palestine naman ang tumayo sa gitna. Mukhang ito naman ang magbibigay na makabagbag-damdaming speech.
“Siya si Eliazar.” Itinuro niya ako. “Nanalo siya sa The Four at itinuring na idolo at bayani ng buong bayan. Hindi ko lubos akalain na magagawa niya ang kapalastanganang ito. Pinagtangkaan niya ang buhay ng ating minamahal ng reyna sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Hindi ba't tunay na kalapastanganan ang bagay na iyon?”
Naupo ako sa lupa at hindi pinansin ang sinasabi nito. Hanapin niya ang pake ko. Tinakpan ko ang aking tainga. Hangin na lang ang kausapin mo. Ayokong makarinig ng isa na namang kasinungalingan. Pero parang pilit nagsusumiksik ang tinig nito sa aking pandinig.
“Kaya ngayon ay haharap siya kaparusahang nararapat lamang sa mga kagaya niyang taksil sa Athens. Ito ay nagpapakita lamang na mataas o mababa ka man, malaki o maliit, mayaman o mahirap, lalaki o babae ay nasa tamang panig pa din ang hustisya at katotohanan. Ngayon, sa inyo ko ibibigay ang pagpili sa parusang ihahatol natin sa kanya.”
“Sunugin siya ng buhay!” Sigaw ng babaeng malapait sa akin.
Mapait na napangiti ako. Ito ba? Ganito ba? Sila ba ang karapat-dapat iligtas namin sa masamang reyna? Mukhang nag-aaksaya lamang kami ng pagod at lakas para sa wala. Mga bobo.
“Gilingin!” Sigaw naman ng ilan.
“Hatiin!”
“Patayin!”
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...