Eli's POV
Malapit na sa akin si Irano ng dumampot siya ng ilang piraso ng bato at inihagis iyon patungo sa kinatatayuan ko. Malamang patungo sa akin. Isa ang tumama sa akin. Sa noo ko pa. Sh!t. Kailangan kong matanggal ang mga kadenang ito. Tumakbo na siya palapit sa akin habang naka-amba ang kanyang dalang ispada. Imbes na umiwas ay sinalubong ko pa siya. Itinaas ko ang kamay at sa kadena tumama ang sandata nito dahilan para maputol iyon. Napangiti ako. Patas na ang laban ngayon. Inihampas ko sa pagmumukha niya ang kadeang nakatali pa rin sa aking magkabilang kamay. Nabitiwan nito ang ispada. Mabilis na gumulong ako patungo sa kinabagsakan niyon. Ang kadena naman sa paa ko ang pinutol ko ng makuha ang sandata. Hindi ko naiwasan ang sunod na ginawa niya. Nakatayo na pala siya sa likod ko. Ginamit niyang pagsakal ang kanyang braso sa akin at kinaladkad ako paikot sa malawak na arena na 'to. Nagsigawan na naman. Paniguradong may nagpustahan pa sa mga ito. Ganyan din ginagawa ko, eh. Malaki ang kinikita ko dati kapag may ganitong mga labanan na nagaganap. Nagtutungo pa ako dito kasama ang aking Itay. Lagi kaming panalo dahil magaling akong kumilatis. Sa akin dapat sila pumusta dahil nararamdaman ko ngayon pa lang na ako ang mananalo dito.
Nang makawala sa kanya ay isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanyang tiyan. Sinundan ko pa 'yun ng dalawa. Natumba siya pero agad din namang nakatayo. Kung nagagamit ko lamang ngayon ang kapangyarihan ko ay kanina pa ito bumulagta sa lupa. Nagawa ko siyang masipa sa kanyang pagmumukha. Patiyahang tumumba ito. Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon na iyon. Tindyakan ko siya ng ilang beses. Tumigil lang ako ng mangalay ang aking magkabilang-binti. Sa kabila niyon ay nagawa pa din niyang makatayo na parang wala lang lahat ng iyon. Pagsisisihan mo na ako pa ang nakalaban mong bwiset na pangit ka.
Tinakbo niya ang kinatatayuan ko at sabay kaming napahiga sa lupa. Ako ang napailalim. Matigas na kamao nito ang sumalubong sa akin. Isa.. Dalawa... Tatlo hanggang umabot na ng sampu ang suntok niya. Bilang na bilang ko, di ba? Syempre, para alam ko din kung gaano kadami ang sisingilin ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagdugo ng bibig ko pero hindi ko ininda iyon. Sisiw lang 'yan. Shit naman, oh. Hindi ako makawala sa isang 'to. Ang bigat niya, eh. Pakiramdam ko mapipisa ako. Buti na lang at ma-muscle-muscle ang katawan ko. 'Yan ang dahilan kung bakit maraming babaeng nagpapapansin sa akin sa Head Quarters. Dumakot ako ng lupa at ibinato sa mukha niya. Agad na napuwing ito. Itinulak ko siya palayo sa akin. Siya naman ang sinuntok ko ng ilang beses bilang ganti. Sa tingin ko'y pati ang kamao ko ay magdudugo na din sa sobrang tigas ng mukha ng berdugong ito. Lalo siyang pumangit. Itinulak ko siya ulit palayo sa akin ng makontento na sa atakeng ibinigay ko. Ang baho niya, eh. Amoy imburnal. Ka-amoy siya ni Lily nung nakita ko siya sa palengke.
Muli kaming nagtapatan sa pinaka-gitna. Nagtitigan lang kami habang tinatantiya ang magiging atake ng bawat isa.
“Hello.” Sabi ko sa kanya habang nagpapa-ikot-ikot kami sa gitna. Hindi ito umimik. Nagpatuloy ako. “Dalawa lang naman ang pamimilian mo, eh. Mamatay o mamatay?” Tinawanan ko siya. “Actually, wala ka namang mapagpipilian. Hindi namang pwedeng ako ang mamatay. May dapat pa akong gawin. Pasensyahan na lang.”
Mabilis na dinampot ko ang ispadang nahulog nito at ibinato dito. Natamaan siya sa kanyang binti. Kay Lavinia ko nakita ang galawang ganito. Sinukan ko lang gayahin. Effective naman. Susuntukin ko sana siya pero nagawa niyang makaiwas. Siya naman ang sumubok na patamaan ako pero naiwasan ko din iyon.
Sabay kaming dumampot sa ispadang nasa lupa. Sinuntok niya ako kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Nag-agawan kaming dalawa sa ispada. Tinuhod ko siya sa kanyang tiyan kaya nagawa kong tuluyang makuha ang sandata. Nagawa ko siyang mapuruhan sa kanyang tagiliran. Nagawa ko din siyang masugatan sa kaliwang binti. Tumalon ako para maiwasan ang sipa nito. Sa pagbagsak ko'y sa mukha niya tumama ang aking mga paa. Palakpakan ang lahat ng tumilapon ito. Tinignan ko ang mga ito ng masama. Tapos na ang paglalaro. Hindi na ako natutuwa.
Nilapitan ko ang bilanggo at ilang beses na tinadyakan ito sa kanyang tiyan. Sumuka na siya ng dugo. Magkagayon pa man ay nagawa pa din niyang makatayo. Ang kanyang mukha naman ang pinuntirya ko. Hinawaan ko 'yon gamit ang hindi pa ding binibitawan na ispada. Sumuntok at sumipa pa ito pero lahat ng sunod-sunod niyang pag-atake ay matagumpay ko namang naiwasan. Sumadsad ito sa lupa. Tinadyakan ko siya ng ilang beses. Husto na. Isinaksak ko na sa bandang kinatatapatan ng puso niya ang ispada. Ilang sandali lang ay nalagutan na ito ng huling hininga.
Nadinig ko ang palakpakan ng lahat. Sa tingin ba nila'y tapos na ako? Pinunasan ko ang dugong umaagos sa aking labi at kinaladkad ang bilanggo gamit ang paa nito. Buong lakas na binuhat ko siya at inilagay sa gilingan. Natahimik ang lahat habang pinapanood ang ginagawa ko. “Ibibigay ko ang palabas na gusto ninyo!” Sigaw ko sa mga ito. Galit ako? Oo. Galit na galit ako. Hindi sila karapat-dapat ipagtanggol sa kanilang sinasabing reyna. Pare-pareho lamang ang mga ito. Pinindot ko na ang on button ng makina. Tumunog iyon ng malakas. Maraming dugo ang tumalsik sa aking katawan at mukha pero wala akong pakielam doon. Para silang napipi sa ginawa ko.
Tumawa ako ng malakas. “Hindi ba't ito ang gusto ninyo?!” Pasigaw na sabi ko sa kanila sa pagitan ng paghahabol ng hininga. “Natutuwa ba kayo?! Dapat lang nang hindi naman masayang ang pagod ko na bigyan kayo ng nakakabighaning palabas!”
Dinampot ko ang ispada at tumingin kay Hestia. Papatayin ko siya. Papatayin ko siya.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...