Isa... Dalawa... Tatlo... Hanggang sa umabot na ng lima ang pagbibilang ko pero wala pang ispadang tumatama sa akin. Napamulat ako ng mga mata ng isang malakas na pagsabog ang naganap.
.
.
.
.
.
.
.
Si Lavinia! Nasa tabi ko na siya at siya siguro ang may dahilan kaya humagis ang kalaban ko sa pinakadulo. Nagkahiwa-hiwalay na ang mga ito. May ilang apoy sa paligid at nakakatiyak akong siya ang mga gawa niyon.
Nilapitan niya ako. “Kaya mo bang tumayo?”
Kahit hindi ko pa lubos maisip kung bakit niya ginawa iyon ay tumango na lamang ako. Inakay niya akong tumindig.
“Akala mo ba'y papabayaan na lang kita?” Tanong pa nito.
Napangiti ako sa sinabi nito. Eli, huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pero tiyak na ikagagalit ni Hestia ang ginawa nito.
“Hindi ako papayag na paslangin ninyo siya!” Sigaw ni Lavinia sa entablado.
Kita ko ang galit sa mukha ng masamang reyna. “Isang kalapastanganan!” Tumayo na ito. Nagpalabas siya ng itim na enerhiya at ibinato sa direksiyon naming dalawa. Gamit lamang ang kaliwang kamay ay nagawang salagin iyon ni Lavinia at sa bandang malapit sa amin iyon tumama.
“Hindi mo na dapat ginawa ito.” Sabi ko sa kanya. “Madadamay ka pa sa galit niya.”
Tumingin siya sa akin. “Matagal na tayong damay sa mga balak niya. Ano pa bang ipinagkaiba 'non sa ngayon? Isa-isahin niya tayo at hinding pwedeng mangyari 'yon.”
Napakatapang talaga nito. Parang walang kinatatakutan.
“Papatayin ninyo muna ako bago ninyo siya mapaslang!” Muli niyang sigaw.
Mas napuno ng sigawan ang paligid.
“Dakpin ang dalawang 'yan!” Sigaw ni Palestine at nagsimulang lumapit sa amin ang limang nakalaban ko at mga kawal.
Nagkatinginan kami ni Lavinia. Anong gagawin namin?
*******
Charlie's POV
“Damn.” Sinabi ko na sa mga ito na huwag magpadalos-dalos pero ngayon ay nandiyan na din sa gitna si Lavinia. Ano bang iniisip ng isang 'yan? Papalapit na sa dalawa ang mga huhuli sa kanila. Oras na maipasok sila sa palasyo ay tiyak akong hindi na sila makakalabas ng buhay doon. Hindi maari. Hindi pwede. Hindi ko pa naisakakatuparan ang mga plano ko.
Tinignan ko si Third. “Alam mo na ang gagawin mo.”
Tumango ito.
*******
Lavinia's POV
Handa na akong kalabanin ang mga ito ng biglang napuno ng makapal na usok ang paligid kasabay ng pagtigil ng malakas na ulan at pagsikat ng araw.
“What the fvck?” Anong nangyayari? Halos si Eli na lamang ang nakikita ko na siyang katabi ko.
Nagulat ako ng walang ano-ano'y sumulpot sa harap namin si Thrid.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.
Inilahad nito ang dalawang kamay. “Ano pa ba? Tinutulungan kayo. Kailangan na nating makaalis. Hindi pang-habang buhay ang usok na 'yan.”
“Ano?” Ito ang may kakagagawan niyon? Tinitigan ko siya. “No. Hindi ako aalis dito na parang pugante. Lalabanan ko sila hanggang sa huling patak ng dugo ko kaya kung ayaw mong madamay din ay bumalik ka na sa pwesto mo.” Madiing sabi ko sa kanya.
“I admire your courage. Sa tingin mo ba'y matatalo mo silang lahat?”
“Iyon ang gagawin ko.”
“Sige, sabihin na nating kaya mo. Pero tignan mo si Eliazar. Mas uunahin mo pa bang makipaglaban dito kaysa ang iligtas siya at panatiliing buhay? Marami ng dugo ang nawawala sa kanya. Alam mo naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin.”
May punto ito. Napatingin ako kay Eli. Hirap na hirap na itong makatayo pero ramdam ko ang pagpipilit niya na maipakita sa amin na kaya niya pa. Nawala na si Marina. Hindi pwedeng may sumunod pa doon. Ayoko na muling makasaksi pa ng isa na namang kamatayan.
“Ikaw ang masusunod.” Sabi niya.
Iyon lang ang hinihintay ko. Tumingin ako kay Third. “Umalis na tayo dito.”
Tumango ito. “Kumapit kayong dalawa sa akin.”
Ganoon nga ang ginawa namin. Hindi ko alam kung paano niya kami maiaalis sa luga na ito ngunti magtitiwala na lamang ako dahil kaibigan siya ni Charlie.
*********
Lily's POV
Alam mo ba na ang kopiko blanca ay creamiest na naging creamier pa? Kung hindi mo alam, kwento mo kay Marian.
Tiniklop ko ang payong ng tumigil ang pagbuhos ng ulan at muli na namang uminit. Nagkagulo ang paligid dahil nang mawala ang usok ay nawala na din sila Lavinia at Eli sa gitna. Kagagawan na naman siguro 'to ng isang yokai. Charaught. Baka dahil kay Third. Nakita ko kasi siyang inutusan ni Head Master. Alam ninyo ang gwapo din niya, ha? Pasado sa taste ko. Great taste white caramel. Pwedeng manyakin. Bwiset talaga 'yan si Lavinia kahit kailan. Lagi na lang pabida. Lagi na lang umeeksena. Akala mo kung sinong magaling.
“Mga lapastangan!” Sigaw ni Hestia.
Palunukin ko kaya ng jolen ang isang 'yan ng mahimasmasan sa mga pinagsasasabi niya? Akala mo naman kung sinong maganda. Kamukha naman ni Anabelle.
“Dahil sa ginawa nila ay itinuturing na sila Lavinia at Eliazar na taksil hindi lang sa palasyo kundi sa buong Athens! Sino mang tumulong sa kanila ay magiging kaaway din ng lahat.” Tumingin pa siya sa pwesto namin. Dinilaan ko siya. Kwento mo sa pusang vakla. “Ang kung sino mang makapagturo sa kinaroroonan ng dalawa ay makakatanggap ng malaking pabuya!” Pagkatapos 'non ay umalis na ito.
“Tapos na ang palabas.” Sabi ni Palestine.
Nagsimula ng mag-alisan ang mga nanonood. Bigo silang makasaksi ng matinding patayan.
Tinignan ko ang mga dugyot kong kasama. Si King na mukha gorilya. Si Nate na kumakain ng tira-tira at si Charlie na hindi naman mukhang angel.
“Saan kaya napunta sila Eli at Lavinia?” Tanong ko sa mga ito. Binalingan ko si Head Master. “Kasama nila si Third, no? Nakita kong inutusan mo siya.”
Tinakpan ni Nate ang bibig ko. “Pwede bang tumahimik ka at baka may makadinig sayo?”
Tinampal ko ang kamay nito. “Ang baho, ha? Katatapos mo lang 'atang magpalabas. Amoy zonrox.”
“Kadiri ka talaga.” Singit ni King na talagang kinarir na ang pagpapapapel bilang The Four.
“Mas kadiri ka. Buhay ka pa pero inaagnas na 'yang mukha mo. Titigil lang ako kapag sinabi ninyo na sa akin kung saan sila nagpunta.”
“Bakit ba gusto mong malaman?” Tanong ni Charile.
“Dahil concern ako.” Sagot ko.
“O dahil sa pabuya na sinabi ng reyna?” -King.
Ang galing niyang manghula. “Pwede both?”
Ako na ang unang naglakad pabalik sa HQ ng tignan nila akong lahat ng masama. Ang seryoso talaga ng mga vakla. Hindi na mabiro. Mayaman ako, remember? Hindi ko kailangan ng salapi. Lalaki ang kailangan ko. Isang gabi ng sarap at ligaya. Oh, shiiiiit. Cum to mama. I'm cummmmmmmingggggg.
Sumakay na kami sa sasakyan. Habang binabagtas ang mahabang daan ay busy ang mga ito sa pag-uusap. Ako naman ay may biglang naisip. Bakit kaya walang commercial ang asin?
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...