Kabanata 12 : Simula Ng Paghahanap

118 14 0
                                    

Eli's POV

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na nasa bedside table. Kinapa ko iyon at ibinato para tumigil sa pag-iingay. Alas-sais na ng umaga. Inaaantok pa ako. Nais ko lamang matulog maghapon. Pero gustuhin ko man ay hindi pwede dahil hindi naman iyon ang ipinunta namin dito. Napipilitang iminulat ko ang aking mga mata. Ang mga kasama ko agad ang unang pumasok sa isipan ko. Nasaan na kaya ang mga ito? Sana naman ay magkakasama sila at ligtas pa din. Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na ako ng silid. Bago lisanin ang lugar na ito ay kumain muna ako. Syempre, kailangan ko ng lakas.

Ngayon, anong plano mo Eliazar? Nandito lamang ako sa labas. Nakatayo habang nakatingin sa mga taong nagdaraan. Saan ba ako unang magpupunta? Hindi ko alam kung nasaang bahagi ako ng mundo. Saan ko naman hahanapin ang babaeng iyon? Tanda ko pa naman ang istura niya. Alam ko na. Tutal, madali lang naman pasukin ang isip ng mga taong naririto ay iyon na lamang ang gagawin ko. Kahit isa-isahin ko pa sila makakuha lang ako ng lead. Malay mo may isa pala sa mga itong nakakita sa babaeng kailangan namin? Buti na lamang at natatandaan ko pa ang pagmumukha miya. Okay, umpisahan na natin.

Isang babaeng sa tingin ko nasa trenta na ang eded ang una kong napasok ang isipan. Pero walang bakas ng hinahanap namin ang kanyang utak. Sa halip ay pakikipag-away sa kapitbahay dahil sa hindi naisauling plato ang nandoon. Iba din. Pati plato pinag-aawayan? Ang bababaw nila. Baka nga naman kasi hindi marunong magbalik yung nanghiram. Marahil ay ilang plato na ang nakuha niya. Ipinilig ko ang ulo. Ano ba ang pakielam ko sa kanila?

Lalaki naman ang pangalawang pinasok ko. Ay, shete. Napapikit ako sa nabasa ko dito. May pinasok din ito. Literal na pinasok. Katatapos lamang niyang makipagtalik sa isang babaeng hindi naman kagandahan. Mukhang kabayo. Ayan ka na naman, Eli. Bawal judgemental. Napailing na lang ako. Tama ba itong ginagawa ko? Nanghihimasok na ako sa sarili nilang mga buhay. Pero ito lang kasi ang naiisip kong paraan, eh.

Sa pangtalo naman ay wala akong masyadong nakita. Galing lang siya sa bangko at nag-withdraw ng maraming pera. Sundan ko kaya siya? Gago ka, Eli. Magho-holdap na ba ako ngayon? Kahit wala namang pera ay kaya kong maka-survive dito. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko.

Hanggang sa umabot na ng lima... labing-anim... at dalawmpu't-pito. Sa pang 28 ko nakita ang hinahanap. Sa isipan ng isang matanda. Nakita kong nagpunta siya sa lugar na maingay, magulo at nagsisigawan ang lahat. Isang palengke. Napakaraming nagbebenta at nagsasabay-sabay ang boses ng mga ito sa pag-aalok ng kanilang mga paninda. Kanya-kanyang hatak at kuha ng costumer. Pinilit kong masilip kung saang lugar iyon. Ang dami kayang pamalihan dito. Tondo Market. Iyon ang nakasulat sa isang karatulang nakita ko sa kanyang isipan. Pagkatapos mamili ng matanda ng karne ay nagpunta siya sa isang babae na nagtitinda ng almusal. Bumili siya ng tatlong spaghetti at dalawang sopas para sa kanyang mga apo. Bago umuwi ay dumaan muna ito sa isang ospital at dito ko na nga siya nakita. Marahil ay pauwi na ito sa kung saan. Binggo. Ang babaeng binilhan ng matanda ng almusal ay ang babaeng hinahanap namin! Wow. Hindi ko inaasahan na ganito lang pala magiging kadali ang lahat. Kailangan ko ng kumilos. Ang babaeng iyon. Ang sabi ni Head Master ay kakamabal daw niya ang kailangan naming kuhanin. May sakit daw iyon. Noted. Siya mismo ang magdadala sa akin patungo sa kanyang kakambal. Paano? Madali na 'yun kapag nagkita kami.

Tatawag na sana ako ng taxi papunta sa Tondo Market na iyon ng isang babae ang walang ano-ano'y humarang sa harap ko. Naka-itim siya na jacket. May mask sa mukha. Sa gitna niyon ay nakatatak ang logo na nakita ko din sa mga nilalang na pumana kay Marina. Napaatras ako. Sh!t. Tauhan siya ng reyna! Nasundan na ba nila kami? Alam kong hindi siya tao dahil nararamdaman ko ang kanyang enerhiya. Malakas iyon at hindi basta-basta. Nang maisip na pakawala ito ng masamang si Hestia ay nanumbalik sa aking puso ang sakit ng pagkawala ng aking mga magulang.

Bago pa man ako makagawa ng kung anong aksyon ay naitulak na niya ako ng malakas. Tumalsik ako sa maindoor ng hotel. Pumaligo sa akin ang basag na salamin. Swerte na lamang at wala ni isang sumugat sa akin. Naka-isa agad ang babae na 'yan. Tumayo ako. Dinig ko sa paligid ang pagkakagulo ng mga staff ng hotel at ilang mga naka-check in na nandito sa ground floor.

Lalapitan sana ng dalawang guard na nagbabantay dito ang babaeng nakatayo pero basta na lamang din tumalsik ang mga ito. Napuno ng sigawan ang paligid. Kanya-kanyang takbo ang mga taong naririto palabas. Shit. Hindi pwedeng may madamay. Tumakbo ako sa hagdan at mabilis na umakyat sa rooftop. Ilang floor lang naman 'to. Wala pang dalawampu. Doon. Doon sa taas. Iyon lang ang lugar na naiisip kong walang madadamay. Tulad nga ng inaasahan ko ay sinundan niya ako hanggang sa makarating ako sa pinakataas. Sakto, walang tao. Mabuti naman.

Hindi na ito nagbigay ng hudyat bago lumusob. Namalayan ko na lamang na patungo na siya sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa aking likod. Napakataas ng babagsakan ko kung magkataon na mahulog ako. Ramdam ko dito ang malakas na hangin. Naglabas siya ng dalawang ispada. Edi ginaya ko din siya. Isa nga lang. Hindi naman ako gahaman sa armas. May iba pang nangangailangan kaysa sa akin. Hindi gahaman o sadyang isa lang ang ibinigay sayo noong mga panahong magsisimula pa lang ang The Four?

Tumalon siya ng sobrang taas patungo sa ako habang naka-amba ang kanyang sandata. Mabilis na umalis ako sa kinatatayuan. Naiwasan ko ang kanyang matutulis na ispada. Nangniningning pa ang talim niyon sa sinag ng araw. Hindi pwedeng madungisan ang gwapo kong mukha. Naka-puti pa akong damit at sapatos. Hinubad ko mula sa pagkakasabit sa aking likod ang bag pati na ang suot na sumbrero. Mukhang mapapalaban na naman ako. Nakakainis ang babae na ito. Paalis na ako saka naman dumating. Hindi ba pwedeng bukas na lamang siya mang abala? May kailangan pa akong gawin, eh. Baka makaalis na ang kailangan kong puntahan. Pero, hindi bale. Ang mahalaga ay may alam na akong lugar kung saan ako maaring magsimulang tuntunin ang kinalalagyan niya. Sana lamang ay walang ibang magtungo dito dahil baka mapabilis ang buhay niya. Panigurado akong sa mga oras na ito ay maari ding may mga nakalaban na ang mga kasama ko. Sana naman ay ligtas sila. Knowing them, hindi basta-basta magpapatalo ang mga ito lalo na si Lavinia. Sa isiping iyon ay gumaan ang pakiramdam ko. Binalingan ko ang babae. Magsimula na tayo.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon