Kabanata 22 : Pagkakabuo

90 16 1
                                    

Eli's POV

“Nathan?” Napatayo ako ng mamukhaan siya. Ito nga! Hindi pa man ako nakaka-move-on sa galak ng makita ang babaeng baliw ay siya namang pagdating niya. “Wow. Ito na 'ata ang araw na muli nating pagkakabuo-buo.”

“Ako nga. Nandito lang ako simula kahapon. Nasa isang sulok lang ako ng madinig ang malakas na boses ni Lily. May kasama pang pagyanig. Malakas ang kutob ko na siya ang may kagagawan niyon kaya naman nagmadaling hinanap ko ang pinanggalingan ng tinig at nandito na nga ako ngayon. Hindi ako nagkamali. Siya nga. Nandito ka na din pala. Magkasama na kayo. Masaya ako na nakita ko na kayo sa wakas.” Mahabang paliwanag nito.

“Pwes ako hindi masayang makita kang peste ka. Kasalanan ninyo ni Lavinia kung bakit tayo nagkahiwa-hiwalay at naranasan ko ang pambihirang paghihirap.” Pasmado na naman ang bibig nito.

“Paano naman naging kasalanan naming dalawa?”

“Huwag ka ng magkaila pa. Ilabas mo ang magaling na babaeng 'yon at kami ang magtutuos.”

“Babae? Si Lavinia ba? Teka lang. Hindi kami magkasama.”

“Akala ko ba ay magkasama kayong dalawa?” Tanong ko dito. Binalingan ko ang babaeng baliw. “Sabi niya.”

“Sabi nung babaeng may putok. Magkasama daw kayong tumakbo. Ano 'to, endless love? Mga pokpok kayo ng taon. Kasalanan ninyo 'to.”

Itinaas ni Nate ang isang kamay nito para pigilan si Lily sa pagkuda. “Let me explain, okay?”

Nasimula kaming tatlong dahan-dahang maglakad-lakad sa palengke. Hindi namin alintana ang ingay. Ang importante ngayon ay magkakasama na kami. Hindi niya pala kasama si Lavinia. Kung gayon ay saan ito napunta? Nagkahiwa-hiwalay talaga kaming apat.

“May hinabol na magnanakaw si Lavinia. Sinundan ko siya pero ang bilis niyang nawala. Babalik sana ako sa pwesto natin pero hindi ko na matandaan ang pabalik doon sa dami ng eskinitang nilusutan namin.”

“Si Lavinia pala ang may kasalanan kung bakit tayo nagkawatak-watak. Bwiset na babae 'yon. Nagpakabayani pa talaga. Hindi ba niya naisip na maagang namamatay ang mga bayani? Tignan ninyo si Bayani Agbayani. Malapit na din 'yon. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma sa kamatayan niya. Kung hindi sana niya sinundan ang magnanakaw na iyon ay hindi mo din siya susundan at hindi din sana kayo mawawala sa paningin ko. Hindi sana tayo nagkahiwa-hiwalay.”

“Wala ng point para magsisihan pa.” Sabi ko dito. “Ang mahalaga ay magkakasama na tayong tatlo.”

“Tama si Eli.”  Sang-ayon ni Nate. “Huwag ka ng manisi, Lily.”

Nagpoker-face lang ang baliw.

“Ang tanong ngayon ay kung nasaan na si Lavinia.” Sabi ko.

“Iyon din ang naiisip ko. Nag-aalala na ako sa kalagayan niya.”

Talaga lang, ha. “Wala kang dapat alalahanin sa kanya, bro. Double keeper siya. Higit kanino man ay tayo ang nakakaalam kung gaano siya kalakas at kung anong kaya niyang gawin.”

Bumuntong-hininga ito. “Sabagay. You're right.”

Sana lang din ay tama at totoo ang nakikita kong pag-aalala sa kanyang mukha. Ayokong magduda pero hindi ko mapigilan lalo na sa mga bagay na natutuklasan ko. Pasasaan ba at malalaman ko din ang totoong plano ni Nate. Kung may balak man siyang gamitin si Lavinia sa kung ano mang balak nito ay umasa siyang isa ako sa mga nilalang na pipigil doon ano man ang mangyari.

“Amazona ang isang 'yon.” Singit ni Lily. “Halimaw na ang mahihiya sa kanya.” Dagdag pa nito.

“Ano ng plano natin?” Tanong ni Nate.

“Nandito na tayo sa tamang lugar.” Sabi ko sa kanila habang iginagala ang paningin sa paligid. “Dito natin mahahanap ang babaeng kinakailangan natin. Siguro'y inadya na din ng kapalaran na muli tayong magkita-kita at sa lugar na ito pa.”

“Kung ganoon ay magsimula na tayo.” -Nate

*******





Lavinia's POV

“Nakikita mo ba ang nakikita ko? ” Tanong ko kay King.

“Yes, Lavinia.” Tumingin siya sa akin habang nakangiti. “Hindi ba't tama siya? Sabi ko naman sayo na hindi siya nagsisinungaling.”

Tumango ako. Nakikita ko na ang tatlo. Si Eli. Si Lily. Si Nate.

“Guys!” Sigaw ni King para mapukaw ang atensiyon ng mga ito na mukhang abala sa pag-uusap. Sabay-sabay silang lumingon sa amin.

Halata ang pagkagulat sa mukha ng mga ito. Mabilis na naglakad sila patungo sa amin.

“What is the meaning of this?” Tanong agad ng babaeng baliw.

Imbes na patulan ay niyakap ko na lamang ito. “Lily. Mabuti naman at ligtas kayong lahat.” Pagkatapos ay si Eli naman... at si Nate.

“Okay ka lang ba?” Tanong nito habang nakayakap din sa akin.

“Oo. Ikaw?” Ganti ko.

Kumawala siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Oo naman. Lalo na ngayong nakita na kita. I miss you.”

“My gaaaaddd.” React ni Lily. Pinagbitiw niya kaming dalawa. “Pwede bang saka na 'yang landian ninyo?”

“Landian?” Ulit ko. “Natutuwa lang ako na ligtas kayo.” Iyon naman talaga ang totoo. Talaga ba, Lavinia? Bakit kailangan meron pang paghawak sa kamay at eye to eye contact?  Bakit naman? Kontra ng isang bahagi ng utak ko. May masama ba doon?

“Huwag ako, Lavinia. Na-master ko na ang mga galawang ganyan. Bakit kayo magkasama ng kutong-lupa na ito?” Dinuro niya si King.

“Unang-una hindi ako kutong-lupa. Mas mukha ka pang kutong-lupa sa akin.
Atleast ako hindi amoy basura. Pangalawa, nakita ako ni Lavinia dito kaya kami magkasama. Pangatlo, tapos na ang misyon ko dito sa mundo ng mga tao kaya nagdesisyon akong samahan na lang siya sa paghahanap sa inyo. Maliwanag na ba?”

Umirap ito. “Mabuti na 'yung nagkakaintindihan.” Ako naman ang dinuro niya. “At ikaw na babae ka. Kasalanan mo ang lahat ng ito. Masyado ka kasing nagmamagaling. Anong napala mo sa paghabol sa magnanakaw na iyon?”

“I'm sorry.” Sabi ko dito. Aminado naman ako na malaki ang kasalanan ko kung bakit kami nagkahiwa-hiwalay.

“Tama na 'yan.” Singit ni Eli. “Hindi ito ang oras para magsisihan. Alinmang sandali ay maaring may mga kampon na naman ni Hestia ang dumating dito at subukan na naman tayong pigilan. Kailangan na nating magawa ang ating misyon sa lalong madaling panahon.”

“Nasa inyo pa ba ang mga bracelet ninyo?” Tanong ko sa mga ito at ipinakita ang sa akin. Ganoon din ang ginawa nila. Mabuti naman at hindi iyon nawala. Ito lamang ang susi namin pabalik sa Athens. “Kumilos na tayo. Nandito ang babaeng hinahanap natin.”

“Iyon nga ang sabi ni Eli.” -Nate

Tinignan ko ang mga kasama. “Magsimula na tayo.” Sa pagkakabuo naming muli na ito mas lumakas na ulit ang pwersa namin. Paniguradong magiging madali na ang lahat. Ngunti hindi naman namin kailangan ng madali. Posibilidad ang kailangan ko. Posibilidad ng katagumpayan sa misyon na ito. Posibilidad na makabalik muli sa Athens. Alam kong magagawa namin iyon basta't magkakasama kami.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon