Kabanata 60 : Nakaraan

73 10 2
                                    

Eli's POV

“Lavinia, Nate!” Nilapitan ko ang dalawa na patayo pa lang. May sugat na ako sa binti pero hindi ko iniinda 'yun. Malayo sa bituka. “Kailangan ma-distract si Hellia para malapitan ko siya. Magagawan ninyo ba 'yun ng paraan?”

“Sige.” Sagot ni Lavinia. “Kaming dalawa ang bahala sa kanya.”

Muli ay lumusob ang mga ito patungo kay Hellia. Nagtagisan sila ng galing. Si Third naman ay abala sa pagtanggal sa mga bakal na nakatali sa kaibigan nito. Mabilis na nagtungo ako sa likudad ni Hellia. Sana'y magtagumpay akong mapasok ang isipan niya. Hanggang nakarating ako sa kanyang likod na hindi niya napapansin. Doon ay nagawa ko siyang mahawakan sa kanyang magkibalang sentido.

“Stop!” Utos ko sa kanya.

Napunta sa hangin ang ginawa nitong enerhiya na sana'y ibabato sa dalawang nasa harap. Na-estatwa sa kinatatayuan si Hellia at hindi ito makagalaw. Binalingan ko sila Lavinia at Nate. “Ngayon na!”

Nagpakawala ang mga ito ng enerhiya at ipinatama iyon kay Hellia. Malakas talaga siya. Ramdam ko ang pagpupumiglas niya sa aking isipan. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kalakas na kapangyarihan. Sumasakit ang ulo ko habang pinipigilan ito. Parang binibiyak iyon. Pinilit ko pang pumasok sa utak nito hanggang sa isang alaala ang nakita ko doon.

“My majesty, ipinatawag ninyo daw po ako?”

Ang nagsalitang iyon. Malinaw ang nakikita kong wangis niya. Siya din ang babaylan na nandito kanina! Hindi ako maaring magkamali. Siya talaga 'yun. Walang nagbago sa kanyang itsura.

Binitawan ng babae ang iniinom nitong alak at tinignan ang bagong dating na nilalang. Nababanaag ko din ang kanyang mukha kahit madilim sa pinangyayarihan niyon. Walang duda, si Hellia.

Basang basa ang damit niya. Para din akong nandoon sa tagpong iyon dahil nadidinig ko ang hagupit ng masungit na panahon.

“Oo.” Sagot ni Hellia. Inabot niya ang palad sa matandang babaylan. “Gusto kong malaman kung paano ako mananatiling buhay magpakailanman.”

Immortality? Iyon ang nais niya.

Pumikit ang babaylan na parang binabasa na ang kapalaran ni Hellia. Pumikit din ito. Wala na akong kakayahan pa para malaman kung anong nakita ng babaylan dito.

Hindi naman iyon nagtagal. Pinaalis niya ang babaylan na siya namang pagdating ng isang lalaki. Si Palestine? Hindi ako sigurado. Iba ang bulto ng katawan niya. Hindi ko kasi masydaong maaninag ang kanyang mukha dahil nasa bandang madilim siya.

“May ipapagawa ako sayo. Siguraduhin mong milinis at walang kalat. Alam mo namang ayoko ng dumi.” Sabi ni Hellia.

Ano 'yun? Sinubukan kong tignan ng mabuti ang paligid. Ang lugar na pinanggalingan namin kanina kung saan kami dinala ni Walker. Iyon din ang nakikita ko ngayon sa isipan ni Hellia. Iba pa ang ayos doon pero sigurado akong pareho lamang ang lugar kung ang pagbabasehan ay ang mga haligi at ilang rebulto. Isang orasan ang nahagip ko sa kanyang balintataw. Ala-una ng madaling araw. Ala-una nangyari ang tagpong iyon. Sa ibaba ng antigong orasan ay parang isang kalendaryong nakapinta sa mamahaling tela. Buti na lamang at malinaw ang mga numerong nakasulat doon. Kung titignan ang panahon ngayon ay limang taon na ang nakakaraan. Anong nangyari five years ago?

Isang malakas na enerhiya ang pumutol sa pagpasok ko sa kanyang isipan. Tumalsik ako hindi kalayuan sa mga ito. Ganoon din sila Lavinia at Nate. Nagawa agad niyang makawala sa kapangyarihan ko. Tumayo ako. Ano kaya ang mga nakita ko sa kanyang isipan? Saka ko na iyon aalamin at pag-aaralan. Ang mahalaga ngayon ay mapabagsak namin siya.

*******




Lavinia's POV

Tumayo ako at sinalubong siya dahil patungo siya sa akin. Bago pa lang ako maglalabas ng fire ball pero bigla na lamang siyang lumitaw sa harapan ko na labis na ikinagulat ko. Napakabilis din niya. Isang suntok sa mukha ang pinakawalan niya patungo sa akin. Sobrang sakit niyo pero hindi ito ang oras para manghina. Gumanti ako ng suntok. Mukhang nasaktan naman ito. Pero hindi iyon sasapat para mapatumba siya. Muli siyang umatake. Tumalon siya ng mataas at nagawa akong masipa.

Tumalsik ako paitaas sa kisame. Nabiyak iyon sa paghampas ko doon. Padapang bumagsak ako sa sahig na nalalatagan ng carpet. Lumutang si Hellia at si Nate naman ang binalingan niya. Sinakal niya ang lalaki ay ibinato na lamang sa kung saan. Pagkatapos ay si Eli naman. Sinakal niya ito hanggang pareho na silang nasa itaas.

Nabitiwan lang nito si Eli nang isang boltahe ng kuryente ang tumama kay Hellia. Tumalsik naman ito sa pinakadulo.  Galing kay King ang enerhiyang iyon. Kadadating niya lang.

“Kailangan na nating umalis!”  Sigaw ni Third. Sa wakas ay nagawa na niyang makalagan si Bella mula sa pagkakagapos nito.

Nagtipon-tipon kaming lahat. “Paano ang walong babae?” Tanong ko sa mga ito. “Hindi natin sila pwedeng iwanan.”

“Patayo na si Hellia.” Sabi ni King. “Kailangan na talaga nating umalis.”

“Huwag kayong mag-alala dahil hindi sasaktan ni Hellia ang mga babae.” Sabi ni Eli na hawak ang leeg. Nasobrahan ang pagkakasakal sa kanya. “Bahagi pa sila ng seremonya. Hanggang hindi nagaganap iyon ay mananatili silang buhay. May oras pa tayo para makapagplano. Gustuhin ko mang patayin siya sa sarili kong mga kamay ay parang napaka-imposible niyon. Malakas siya at kailangan natin iyong paghandaan.” Mahabang paliwanang nito.

“Hes's right.” Sang-ayon ni Third. “Kumapit kayo sa akin.”

Ganoon nga ang ginawa namin. Isang bolang itim ang nakita kong paparating galing kay Hellia na nakatayo na at papalapit muli. Bago pa iyon makadating sa amin ay nagawa na naming makaalis doon.

Sa ground floor ng Presidential Building kami napunta. Agad na dinala ni Third sa clinic si Bella para suriin kung may natamo itong pinsala. Binalingan ko si Eli.  “Mas mabuti siguro kung sumunod ka na sa kanila bago pa lumala 'yang sugat mo sa binti.”

Umiling ito. “Hindi na. Daplis lang 'to.”

“Ikaw ang bahala.” Sabi ko sa kanya. Binalingan ko naman ang papalapit na head ng security. “Tiyakin ninyong mahigpit ang seguridad sa buong lugar. Hindi maaring may makapasok kahit isa man lang na kaalyado ni Hellia.”

“Masusunod.” Sabi nito.

Sabay-sabay kaming naglakad sa elevator patungo sa aming tirahan. “Kailangan nating paghandaan ang ganti niya. Siguradong hindi siya titigil hanggang hindi nakukuha ang nais niya.”

“Guys.”

Napatingin ako kay King. “May problema ba?” Bumukas na ang elevator.

“Nasaan si Lily?”

Natigilan kaming lahat sa pagpasok at nagkatinginan. Jusko. Nasaan ang babaeng baliw? Oh, no. Huwag namang sabihing naiwanan namin siya doon?

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon