Walker's POV
"Mag-iingat ka. Siguraduhin mong hindi ka niya makikita. Ayokong malagay sa alanganin ang buhay mo." Sabi sa akin ng Inang Reyna.
Tumango ako. "Makakaasa kayo." Iniwan ko na ito sa kanyang silid.
Bumaba ako at nagtungo sa entrada ng palasyo. Wala dito si Palestine at ang limang alagad ni Hellia. Sigurado akong sinisumulan na ng mga ito ang seremonya.
Nilapitan ko ang mga mandirigmang nagbabantay sa tarangkahan. Lima sila. "Doon na muna kayo sa hilagang tore. Mas kailangan ang seguridad doon lalo na ngayong masama ang panahon." Sabi ko sa mga ito.
"Ipagpaumanhin mo sana, Mahal Na Prinsipe pero kabilin-bilinan ng reyna na huwag kaming aalis dito." Sagot ng isa.
Reyna o baka ni Hellia? "Ah, ganoon ba? Ano ba ako sa palasyong ito?"
"Prinsipe po." Sagot naman ng nasa kaliwa.
"At tagapagmana ng trono dahil ako ang panganay. Sooner o later ay ako na ang magiging hari. Susundin ninyo ba ako o nais ninyo pang sabihin ko pa ito sa aking Inang Reyna? Tiyak na hindi niya ito magugustuhan dahil alam niyang hindi ako gagawa ng kahit anong hakbang na makakasama sa palasyo."
Nagkatinginan ang mga ito bago tumango. "Sige. Doon na po kami magbabantay."
"Mag-iingat kayo."
Nginitian ko ang mga ito bago sila mawala sa aking paningin. Susunod din naman pala. Binuksan ko ang tarangkahan. Bumungad agad sa akin ang nagngangalit na alon ng dagat dulot ng malakas na pag-ulan at hangin. Tuluyan ng nilalamon ng dilim ang liwanag. Nasabihan na ako ng aking ina kung bakit nagaganap ang mga ito. Kasabay niyon ang pagsulpot sa harapan ko ng anim na nilalang.
Tinignan ko si Lavinia. "Bakit kasama ninyo ang isang 'yan?" Si Third ang tinutukoy ko.
********
Lavinia's POV
"May kakayahan siyang maglaho." Sagot ko sa tanong ni Walker. "Ito lamang ang naiisip kong paraan para agad kaming makarating dito." Sa pagkakatanda ko ay isa din 'yun sa kapangyarihan ng lalaking nasa harap namin. Hiningi ko ang tulong niya para lihim na makapasok sa palasyo. Hindi kami pwedeng gumawa ng gulo para hindi makuha niyon ang atensiyon ni Hellia.
"Kung hindi sana pinapatay ni Hellia si Marina ay siya ang kasama namin ngayon at hindi 'yan." Sabi naman ni Nate.
"Hindi ninyo naman na kailangang ipamukha sa akin na hindi ninyo ako nais makasama sa misyon na ito." Sagot ni Third. "Nandito lang ako para iligtas si Bella."
"Kung hindi mo sana siya ibinigay kay Hellia ay wala tayong problema ngayon." Singit naman ni Eli.
"Ako pa ngayon ang sinisi ninyo? Kung hindi ko iyon ginawa ay baka noong hinuli ka ay pinaslang ka na niya bago ka pa dalhin sa paghuhukom."
"Guys, stop. Hindi tayo nagpunta dito para magsisihan. We're here para iligtas si Bella." Sabi ni King.
"After 123456789 years, may nasabi ka ding tama." -Lily
"Look who's talking."
"Mag-ingay pa kayo para makatawag tayo ng atensiyon." Sabi ni Walker. Natahimik ang lahat.
Kung hindi nakakalabas ng palasyo si Hellia ay nakakatiyak akong dito niya mismo sa loob gagawin ang seremonya. Iyon ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon. Sinamahan kami ni Walker hanggang sa ilalim ng palasyo. Mabilis kaming nakarating doon. Walang ibang makikita dito dahil lihim ang lugar na ito. Tanging si Hellia, ang kanyang mga alagad at ang reyna lamang ang nakakaalam. Marahil ay ang ina ni Walker ang nagturo kung saang banda ito makikita.
"Ito pala amg unerground ng palasyo." Sabi ni King. Nag e-eco pa ang boses nito.
"Wala akong nararamdamang kahit ano." Mahinang sabi ko sa mga kasama. "Parang wala sila dito."
"Iyon din sana ang sasabihin ko." Sabi naman ni Eli.
"Wala na siyang ibang lugar na mapupuntahan sabi ng Inang Reyna." -Walker. "Pero tama kayo wala akong emerhiyang nararamdaman dito."
Binaybay namin ang kabuuan ng lugar. Malawak din iyon. Hindi din naiiba sa disenyo ng kung anong makikita sa palasyo. Maraming ding silid at mga pasilyong nagkalat. Medyo nakakalito. Halos nalibot na namin ang apat na sulok dito at nabuksan ang lahat ng pinto pero ni anino ni Hellia o ni Bella o ng mga babae, kahit ang mga alagad nito ay wala kaming nakita.
"Napakatahimik." Sabi ni Nate. "Sigurado bang nandito sila?" Tanong nito kay Walker.
"Wala na siyang ibang lugar na mapupuntahan." Sagot nito. "Dito lang talaga."
"Kung dito lang ay nasaan sila?" Tanong ni Lily habang nagkukutingting ng kung ano-anong mga naka-display sa paligid. Maraming mga garapong nagkalat na hindi ko alam kung ano ang laman. Dumampot si Lily doon ng isa. "Ano 'to, burong mustasa? O burong isda?"
"Ibaba mo 'yan." Saway sa kanya ni King. "Huwag kang pakielamera."
"Kukuha lang ako ng souvenir. Huwag kang kj."
"Baka naman may pa iba pang lugar na hindi nalalaman ng reyna na maaring puntahan ni Hellia." Sabi ni Eli.
"O sadyang hindi pinaalam sa kanya dahil naisip ni Hellia na maaring dumating ang tulad ng ganitong pagkakataon na may makakaalam at makakaalam ng kanyang lihim." -King
"Wow. Ang talino mo, ha." Sabi sa kanya ni Lily. "Infairness, tumatalino ka na ng kaunti sa pagdikit-dikit mo sa akin."
"Alam ko na." Sabi ko sa mga ito matapos ng mahabang pag-iisip at pagmamasigd. "Tama kayo. Maaring nasa ibang lugar nga sila Hellia. Pero tama din si Walker. Hindi siya nakakalabas ng palasyo dahil sa sumpa. Ayon sa reyna ay ito lang ang tanging lugar na mapupuntaham niya."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Third.
"Nandito lang din sa lugar na ito si Hellia. Sa isang tagong lugar na hindi pa din natin nakikita."
"A secret passage." Dagdag ni Eli.
"Yes." Sagot ko.
"Katulad ng sa mga napapanood kong eksena sa movies." Singit ni Lily.
"Porn ang pinapanood mo, hindi ba?" -King.
"Yes. Porn movies. " Proud pa na sabi nito.
"Paano nagkaroon ng secret passage doon?"
"Manood ka para malaman mo. Makikita mo doon kung paano pumasok at pasukin, bumaon at humugot. Magiging expret ka pa."
"Ang bastos mo." Sabi ni Eli.
"Kaysa mag-asaran kayo ay magsimula na lang tayong maghanap." Sabi ni Walker. "Malaki ang posibilidad na tama ang sinabi ni Lavinia. Saka nais ko lang din sabihin kung paano nakasama si Lily sa The Four."
"Iyan din ang malaking tanong na matagal ko ng hinahanap ng sagot." Sabi ko.
Nagsimula na akong maghanap ng maaring maging lagusan papunta sa kung saan. Tinginan ko ang mga salamin. Pati na ang mga lagayan ng libro. Ilang silid na din ang napasok ko. Isa-isa kong sinuri ang mga dingding. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Pati ang sahig na nilalakadan namin ay tinignan ko. Wala talaga. Tumigil ako sa isang tabi at nagmasid habang ang mga kasama ko ay abala sa kanya-kanyang paghahanap. Kailangang mailigtas namin ang mga babae bago pa kung ang gawin sa kanila ng demonyong iyon.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...