Chapter 3

53 3 0
                                    

Chapter 3


Hindi ko ikinwento kahit kay Ate Maricris ang tungkol kay Sir Abrys. Pinaniwala ko na lang siya na si Sir Oasis nga ang prince charming ko.




Pati kay Kikay, hindi ko kinwento ang nangyari sa dining. Okupado ako buong maghapon no'n dahil sa sinabi niya kaya hindi ko na namalayan ang pagod nang matapos ang maghapon.



Iyon ang unang beses na nagkaroon kami ng interaksyon ni Sir Abrys at pagtapos no'n, wala na. Nagtagal pa ako ng ilang linggo sa bahay ni Sir Zachariel pero hindi ko na siya ulit nakita.



Inaabangan ko ang mga maaaring pagbisita ni Sir Abrys at Sir Oasis pero hindi na nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit ko sila hinihintay na bumisita. Pati nga si Kikay ay napapansin iyon.



"Wala sila,"ani Kikay nang dumating si Sir Zachariel at bumaba ng sasakyan pero walang nakasunod na sasakyan. Madalas kasi kapag bumibisita sila, may apat pang sasakyan na nakasunod. Tatlo sa kaibigan ni Sir Zach kasama 'yong babaeng si Mam Milicent tapos isang sasakyan na puro men in black.




Madramang bumuntong-hininga ako. Kailan kaya siya pupunta rito? Busy ba siya? O baka naman... may girlfriend siya?


"Sabi ko sayo, si Sir Zach nalang ang gawin mong crush. Lagi ka pang may inspiration."ani Kikay habang pinapalutang ang net sa swimming pool.



Walang duda't gwapo talaga si Sir Zach pero kumpara kay Sir Abrys at Sir Oasis, mas nakakatakot ang aura niya. Siguro kasi siya ang boss. Hindi manlang siya tumitingin sa amin kapag darating. Dire-diretso siya papasok sa kwarto na para bang importante ang bawat segundo sa kaniya.



"Nag-alala lang sayo si Sir Oasis, hindi mo na makalimutan!"pang-aasar niya pa sa akin.



Napailing ako at nagpatuloy sa pagwawalis. Nakita niya kasi ang pagkaalarma ni Sir Oasis sa akin no'ng natapilok ako nung araw na 'yon. E' halos hindi na sumagi sa utak ko 'yon. Palagi kong naiisip ay ang hitsura ni Sir Abrys. Pati iyong sinabi niya. Sa... condo daw niya ako magtrabaho...




Pinilig ko ang ulo ko nang maalala na naman 'yon. Pag naalala ko ang bagay na 'yon, nagwawala talaga ang sistema ko. Hindi ko alam kung bakit!


Naiisip ko palang na magtatrabaho ako sa condo niya tapos uuwi siya galing trabaho ay grabe na ang epekto sa akin. Paano nalang kung totoong nangyayari na?




"Ililipat daw tayo sa kabilang mansyon ni Sir Zach bukas,"ani Kikay sa akin nang maiwan kami sa kwarto. Tapos na ang maghapong iyon at magpapahinga na kaming dalawa.



Suminghap ako. "Tayong lahat?"tanong ko.



Umiling siya. "Kalahati lang pero magkasama tayo panigurado. Kinakabahan nga ako, eh."aniya at naglagay ng cream sa kaniyang mukha.



"Ba't naman? E' diba't sabi mo'y magiging madalas doon si Sir Zach? Dapat excited ka. Lagi natin siyang makikita."




Madalas din doon sila Abrys. Doon nga raw sila pansamantalang titira. Kinakabahan din ako pero naeexcite din ng kaunti. Tiningnan ako ni Kikay at napailing na para bang dismayado sa kung ano.



"Kikidnapin nila bukas si Miss Ari. Iyong karibal nila. Baka may maganap na barilan doon. Kinakabahan talaga ako!"


Nangunot ang noo ko at bahagya ring kinabahan sa sinabi niya. Kung gano'n, ito ang unang beses na masasaksihan ko ang ganitong bagay. Parang gusto ko nalang tuloy umuwi!


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now