Chapter 4

43 3 0
                                    

Chapter 4


Nakasimangot ako habang nagwawalis. Kanina pa gustong lumapit ni Kikay para magtanong sa akin kung anong problema pero nakamasid sa amin si Ma'm Helena.


Ano kayang problema no'n ni Sir? Pabago-bago ang isip.

Pumasok sila kanina rito at kasama niya si Sir Oasis pero no'ng makitang nasa sala ako ay hinila niya ulit si Sir Oasis palabas at hindi na ulit sila pumasok. Ano kayang problema no'n?


Natapos ang gabi na 'yon. Si Kikay ay nahiga na habang ako'y nagsusuklay ng buhok. Nakatulala ako habang iniisip ang nangyari kanina.

Narinig ni Sir Abrys ang sinabi ko kay Ate. Alam na kaya niya na si Sir Oasis ang tinutukoy ko? Hindi naman siguro, 'no? Wala naman akong binanggit na pangalan. Pero... Nakakahiya pa rin! Baka isipin niya, ang harot ko!


"Kanina ka pa tulala at busangot, may problema ka ba?"tanong ni Kikay sa akin at hinawakan ang mukha ko na para bang may chinecheck doon.


Bumuntong-hininga ako at umiling. "Wala. Napagod lang siguro."

Kinuha ko ang envelope kung saan nakalagay ang mga modular at sinalampak sa kama, sa harap ko.


"E'di matulog ka na."aniya at bumaba ang tingin sa mga modular ko. "Gagawin mo muna 'yan?"

Tumango ako. "This week ko kasi isa-submit 'to. Hindi naman pwedeng hindi ko ito tapos kasi kukuha rin ako ng bagong set."

Ngumiwi siya na para bang siya ang nahihirapan sa gagawin ko. Kinurap-kurap ko ang aking mata para maiwasan ang pagkakaantok.

"Matulog ka na, Kay. Susunod na ako."

Hindi siya pumayag. Pinapanood niya ako habang nagsasagot ako at nagkekwento rin ng kaunti. Mukha ngang hindi siya matutulog hangga't hindi pa ako matutulog.

"Buti nga't walang barilang naganap pero grabe naman 'yong private room. Kung nakita mo lang kanina, no'ng pagkalabas nila, grabe ang gulo ng private room. Doon yata nag-away si Sir Zach at Miss Ari."kwento niya.

Hindi ko na nakita pa ang mga bagay na 'yon dahil okupado ako kay Sir Abrys kanina. Napansin ko ang mga pasa ni Sir Zach kanina no'ng bumaba siya pero hindi na ako naging kuryoso. Mas kuryoso ako sa kilos ni Sir Abrys.

No'ng mag alas onse na, 'tsaka lang nakatulog si Kikay. Hindi na kinaya. Habang ako naman, gising pa rin at nagsasagot kaso patumba-tumba na rin ang mata ko.

Bumangon ako. Iinom nalang siguro muna ako ng kape. Lumabas ako sa aming kwarto at dumire-diretso sa dining pero nakita ko din si Sir Abrys na patungo rin sa kung saan ako pupunta. Nakasuot siya ng black na sando at gray pants. Magulo ang buhok at may cellphone sa kaniyang tainga. Nagkatinginan kami habang siya'y may kausap.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at nilagpasan siya.

"No, no. We'll talk about that later..."rinig kong aniya.

Hindi ko na pinansin at dumire-diretso sa kusina dahil nandoon ang stock na para sa aming mga maid. Ang mga pagkain, mga gamit, mga plato at kung anu-ano pa.

"Solana, you're being clingy. What's wrong with you?"

Natigil ako at nilingon si Sir na ngayon ay hawak ang bukasan ng fridge at tumigil para ituon ng atensyon sa kausap.

Iritado ang tono niya. Ayaw niya sa babaeng clingy? Girlfriend ba niya ang kausap niya?

Maiiwasan ba 'yon sa relasyon? S'yempre magiging clingy ka talaga sa boyfriend mo. Especially when you want some of his attention. Being clingy is inevitable in the relationship.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now