Chapter 49

56 3 0
                                    

Chapter 49

I made a mistake again. Nagpadala ako sa damdamin. Hindi ko naman sinasadyang sabihin 'yon. I just want to hurt her. I want to hurt her emotionally. I want to slap her the fact that she never win. Gusto kong durugin ang ego at pride niya. Gusto kong makabawi kahit doon manlang.

Dumating na ang designer at marami siyang dalang dress na pagpipilian ko. Pinili ko ang pinakamura pero sa dress ni Brianna, pinili ko ang pinakamaganda at pinaka nagustuhan niya.

I am spacing out the whole day. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Abrys ang lahat at hindi ko rin alam kung kailangan ko pa bang sabihin.

"What's wrong?"tanong ni Abrys.

Nasa kama na kami. Tulog na sa gilid namin si Brianna. Pinagigitnaan nila akong dalawa. May unan sa gilid ni Brianna kaya kampante naman akong hindi siya mahuhulog.

Bumuntong-hininga ako. Kanina pa nagtatalo ang utak ko kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa nangyari o hindi.

He rested his hand on my stomach. "Is this about Solana?"

Nagulat ako roon at tiningnan siya. Nakakunot ng kaunti ang kaniyang noo at malalim ang titig sa akin. Binabasa ang iniisip ko.

"A-Alam mo?"kabadong tanong ko.

He nodded. "What did she say?"

Kumalabog ang puso ko sa kaba. I'm sure, he'll get mad! I ruined his plan! Humarap ako sa kaniya at tinitigan siya.

That was a very wrong move, Marigold. Iyon ang pinaka plano niya. And now that I spilled the tea, alam na ni Solana ang mga plano niya! Baka pati buhay niya ay manganib!

"U-Uh..." I sighed.

"Did she make up stories again, hmmm?"malambing na aniya. Inamoy pa ang buhok ko.

Ako nga ang gumawa ng kwento! Pumikit ako at siniksik ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

"Abrys..."I whispered softly.

"Hmm..."

He lifted my chin and gave a smack on my lips. Nagwala ang puso ko. Nawala na ako sa sarili. Nakalimutan na ang kinakaharap kong problema.

"What is it..."malambing na bulong niya.

Napanguso ako. He's so... hot.

Sasabihin ko pa ba sa kaniya o hindi? O... pwede namang ako nalang ang magresulba nito lahat. O baka naman alam niya na?

Bahala na.

"Betrayals and pain,
Uncontrollable flame..." I said nonchalantly.

Abrys frozed. May gulat sa kaniyang mga mata nang marinig niya 'yon mula sa akin.

I turned to him. "Sino ang babae na 'yon?"

"Where did you..."

Nanatili ang titig ko sa kaniya. This is one of the things that bothering me. Gusto kong malaman kung sino 'yong babae. Bakit siya umiiyak? Bakit siya parang nanghihingi ng tulong? Sino siya?

"Can I watch it?" I said.

May pag-aalangan sa kaniyang mga mata. I know how shock he is right now. Mas lalo lang lumala ang kagustuhan kong malaman kung sino 'yong babae na 'yon.

Umupo ako sa kama at sinulyapan ang cellphone niya na nasa side table. Bago na ang cellphone niya ngayon. Bumagsak ang balikat ko dahil... baka wala na doon ang video. Pero kung importante iyon sa kaniya, siguradong nasa kaniya pa rin iyon!

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now