Chapter 22

70 1 0
                                    

Chapter 22


"A-Aray. Masakit."inda ni Lana.


Naiatras ko ang kamay ko. "S-Sorry. Dadahan-dahanin ko..."



Tumango siya. Nilapat ko ang bulak sa kaniyang pisngi at marahan iyong dinampi.



"U-Uh.. Pasensya ka na sa nangyari."paumpisa ko. "W-Wala naman talaga akong balak na bumalik pa rito at makita kayo kaso..." Hindi ko naituloy ang sasabihin. Ayaw kong idahilan na si Abrys ang may pakana kung bakit ako nandito.


May gusto siya kay Abrys at ayaw kong magtunog pang-aasar ang maging interpretasyon niya sa pagbabanggit ko ng pangalan non.


Napakurap-kurap si Lana. "A-Ayos lang n-naman. A-Ako nga... ang dapat na humingi ng tawad."


Matigas na napalunok siya. Kitang kita ko ang hirap sa kaniya na sabihin iyon na para bang nakikipaglaban siya sa kaniyang pride.


Napangiti ako. At least pinilit niya ang sarili niyang humingi ng tawad. Kahit na hindi gaanong bukal sa kalooban, alam kong nagsisisi siya sa mga ginawa niya sa akin.


"The old hag is at good condition now."


Napalingon ako nang marinig ang boses ni Abrys sa gilid ko. Gusto ko man siyang samaan ng tingin dahil sa pagtawag niya ng old hag kay Mam Helena, hindi ko magawa dahil may takot pa rin sa akin dahil sa nangyari kanina.



Tumango nalang ako at hinarap ulit si Lana na mukhang hindi naman ininda ang sinabi ni Abrys. Mukhang maayos na nga si Mam Helena. Dumating na kasi ang mga eksperto at natulungan siya. Baka nasa kwarto na siya ngayon at nagpapahinga.


"Ipaubaya mo na 'yan kay Kikay. Mag-uusap tayo."ani Abrys na nasa gilid ko pa rin.


"U-Uh..." Naghanap ako ng salita para tumanggi pero hindi ko alam kung paano. Natatakot ako na baka magalit siya.


Tiningnan ni Lana si Abrys saglit tapos binaba ang tingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang kinuha ang bulak sa akin. "K-Kaya ko na." Nag-iwas siya ng tingin. "S-Salamat."



Saglit ko siyang tinitigan. Nag-aalangan pang alisan siya roon pero nang kumuha siya ng salamin at ginamot na ang kaniyang sarili, tumayo nalang ako.



Kahit labag sa kalooban ko, hinarap ko si Abrys. May takot na bumalot sa sistema ko pero pinilit kong tingnan siya. Mahinahon na siya ngayon at humihiyaw ang pagiging kalmado sa mga mata niya hindi kagaya kanina.


Marahan niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. "Can we talk?"mahinahong tanong niya.


Napalunok ako at agad na tumango. Saglit na tinitigan niya ako, tinitimbang ang reaksyong pinapakita ko. Nag-iwas ako ng tingin at binagsak nalang ang mata sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.


Marahang hinila niya ako na para bang mababasag ako anumang oras. Nilingon ko ang pwesto ni Lana na nakatanaw din pala sa amin. Nang magtama ang mata namin, agad siyang nag-iwas ng tingin.


Nagtungo kami sa isang kwarto roon na mukhang private room. May kinausap siyang lalaki na mukhang tauhan nila, sinasabing 'wag magpapasok ng kahit sino habang nasa loob kami.


Nang isara niya ang pinto, inabangan ko kung ila-lock niya pero hindi niya ginawa. Para bang takot na pagdudahan ko siya o ano.


Hindi naman pumasok sa isip kong gagawin niya 'yon. Kahit naman natakot ako sa kaniya'y hindi nawawala ang paghanga ko. Hindi nawawala ang pagtitiwala ko. Nagulat lang talaga ako sa mga nangyari.


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now