Chapter 13

50 3 0
                                    

Chapter 13



Nagising ako na nasa isang hospital bed na. May nakatusok sa aking braso. Bumangon ako at umupo kasabay ng pagbukas ng pinto at pagdating ni Sir Abrys kausap ang nurse... na babae.



Seryoso siyang nakikipag-usap habang ang babae naman ay patango-tango at matamis na ngumingiti.



'Tsaka ko lang naalala ang tungkol sa nangyari. Nanikip na naman pala ang dibdib ko! Napahawak ako sa aking dibdib. Wala na. Maayos na ang paghinga ko.



Nang makita ako ni Sir Abrys na gising ay nakitaan ko siya ng gulat. Nilingon niya agad ang nurse.



"Pwede na ba siyang umupo? Hindi ba't dapat nakahiga lang at nagpapahinga?"



Nang marinig 'yon, masunuring pinadausdos ko ang pwetan sa kama at nahiga. Tahimik na pinatong ko ang dalawang kamay sa aking tyan. Para akong ililibing kaya agad ko nalang binaba sa gilid ko.



Naalala ko dati, no'ng inatake ako ng paninikip ng dibdib, inakala kong hika. Pero no'ng sinugod ako sa hospital ni Ate, allergy daw.



Nagtungo si Sir Abrys sa tabi ko at hinarap ko. Agad akong nailang at agad na naupo pero nang matalim niya akong tiningnan, hindi ko tinuloy at binalik ang sarili sa pagkakahiga.



Parang takot na tuta akong tumingin sa kaniya. Sabi ko nga, hihiga lang, e.



Sumulyap siya sa nurse na ngayon ay may hawak na injection. "Is that EpiPen?"tanong ni Sir.



Umiling ang nurse. "Walang EpiPen kaya in-inject-an ko na siya kanina no'ng may epinephrine para umayos ang pag pump ng heart niya 'tsaka maging normal ang pag flow ng dugo."paliwanag ng nurse, sinulyapan pa si Sir Abrys na may mapang-akit na tingin.



Ginawa niya rin naman ang trabaho niya. Tinurok niya sa aking braso ang injection. Napansin ko ang maganda niyang kuko. Ang ganda ng nail art doon. Tiningnan ko siya at nakita ang makurba niyang katawan dahil sa hapit niyang puting uniform.



"Kapatid mo?"tanong nito kay Sir Abrys.



Tumikhim ako at nilingon si Sir Abrys. Nakatingin siya sa akin pero nang magtama ang mata namin ay pairap niyang tiningnan ang babae. "Hindi."maikli nitong sagot.



Humagikhik ang babae. "Buti at marunong ka mag first aid." Bumaling ang babae sa akin. "It's an allergic reaction. Anaphylaxis."paliwanag niya.



Tumango ako. "S-Saan po ako... allergic?"tanong ko.



"Hindi mo alam?"tanong niya at ngumiwi.



Agad na nangunot ang noo ko sa kaniya. Gusto lang yata nito, si Sir Abrys lang ang kausapin. "A-Alam ko po dati kaso nakalimutan ko na..."amin ko.




Tiningnan ako ni Sir na may mangha at inis sa mukha. Para bang hindi makapaniwalang nakalimutan ko ang bagay na 'yon. Naiilang na ngumiti lang ako tapos binalik ang tingin sa nurse.




Bumaling na rin siya doon at mariing tinitigan ang babae. At nakita ko pa ang mabilis na pagpasada ng mata niya sa dibdib ng nurse! Hindi ko alam kung nag-aabang ba siya ng sagot sa tanong ko o dahil natutukso siya sa mapang-akit nitong katawan.




"You're allergic to mushroom. Stay away from any food na mayroon no'n. Ano bang huli mong kinain?"tanong niya.




Tumitig ako sa kawalan at binalikan ang mga pangyayari kanina. Bago ba manikip ang dibdib ko, anong kinain ko?



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now