Chapter 39

38 4 1
                                    

Chapter 39

Tumunog ang wind chimes nang buksan ko ang pintuan ng restaurant na napili naming pagkakitaan ni Paolo. Inayos ko ang pagkakasakbit ng aking bag at agad na hinagilap siya sa mga lamesa.

Nakita ko siyang kumaway sa akin sa may bandang dulo kaya agad na akong nagtungo roon.

Titig na titig siya sa akin at seryoso ang kaniyang mukha. Alam kong may spekulasyon na siya ngayon dahil sa naabutan niyang eksena kahapon. Hindi ko iyon itatanggi. Kinurot ko ang aking mga daliri at umupo sa harap niya.

Mahaba ang katahimikan sa aming dalawa. Nagpapakiramdaman. Halatang-halata rin ang malalim na pag-iisip niya na para bang nag-iingat sa maaaring sabihin. Nakapag-order na lang kami ay wala pa ring nagsasalita.

"Magre-resign na ako, Paolo."sabi ko, binasag ang katahimik.

Doon palang, nanlaki na ang mata niya. Alam ko ng hindi siya sasang-ayon sa magiging desisyon ko pero wala naman siyang magagawa.

"Wait, What? Magre-resign ka?"gulantang na aniya.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

"Wait, wait, wait. Don't decide that fast. Wala naman na sila Echo pati 'yong lalaki. I'm sure hindi na sila babalik–"

"Still,"putol ko sa kaniya. "Ayaw kong nalalaman ni Abrys kung nasaan ako."

"Sabi mo patay na ang tatay ni Brianna."seryosong sabi niya.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nakapagsalita dahil totoong sinabi ko 'yon. Napakagat ako sa aking labi at bumuntong-hininga.

Mas lalo lang naghari ang katahimikan dahil dumating ang waiter at nilapag ang mga inorder namin. Hindi nawala ang malalim na titig sa akin ni Paolo na para bang naghahanap ng eksplanasyon sa pamamagitan ng mga reaksyon ko.

Tiningnan ko siya. "Si Abrys nga ang tatay ni Brianna."paliwanag ko.

Manghang napaawang ang labi niya. Para bang alam niya na ang tungkol doon pero nagulat pa rin ngayong kinumpirma ko na.

Binagsak ko ang tingin sa mga pagkain. Bigla ay na-guilty ako dahil hindi niya alam ang tungkol dito. Magkaibigan kaming dalawa at komportable siyang ikwento sa akin ang lahat at ngayon, malalaman niyang marami akong sikreto sa kaniya.


"My, Marigold. That man is a famous hotelier. He's a multibillionare, kung hindi mo alam! Bakit ganito? Hindi ka ba niya pinanindigan?"


Halatang halata ang frustration at inis sa boses niya. Naiintindihan ko naman ang reaksyon niya ngayon. Pinisil ko ang aking mga daliri at nag-isip saglit kung tama bang sabihin ko sa kaniya ang mga sikreto ko.

Napapikit ako. Kailangan ko ng tulong ni Paolo. At malaki ang tiwala ko sa kaniya. Alam kong matutulungan niya ako rito.


Napaawang ang labi ni Paolo na para bang may nakumpirma. "Fucking shit..."he uttered to air. "His hotel is name after you, Marigold. The Gold Inn!"


Nanlalaki na ang mata ni Paolo sa akin na para bang pinapasabugan siya sa kaniyang utak ng mga nakakagulantang na mga impormasyon. Sa reaksyon niya, para bang gusto niyang matuwa ako roon. O maging bless ako kasi ganoon nga.


I licked my lower lip and watched as he digest the information in his system.

Tiningnan niya ako na puno ng pagtataka ang mukha. "Now, why are you here? Bakit ka nandito sa Davao gayong ang sarap sarap ng buhay niya sa Maynila? Bakit nagpapakahirap kayo rito ni Brianna?"


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now