Chapter 23

54 2 0
                                    

Chapter 23

Kahit na sinabi kong magpapahinga na ako, binalak ko pa ring hintayin siya. Kaso nakatulog na ako no'ng humiga ako sa kama.

Kaya kinabukasan, alas singko ako ginising ni Kikay. Gusto ko sanang lumabas para icheck kung nandito na nga si Abrys pero sigurado akong wala sa sala iyon kung nandito nga siya. Tulog pa 'yon panigurado.

Lumabas kami ni Kikay at sa labas kami dumiretso para maglinis. Nagkekwento siya tungkol sa magandang movie na napanood niya kanina. Paano kasi'y nagising siya ng alas tres kaya nagkaroon siya ng oras.

"Ikaw? Anong oras ka na ba natulog? Ginawa mo ba ang modules mo?"tanong niya.


Nilagay ko sa garbage bag ang mga basurang naipon sa dustpan. "Hindi ko pa nauumpisahan ang modules ko."sagot ko.

"Oh? Bakit parang puyat ka?"nag-aalalang tanong niya.

Nilingon ko siya at nagpasyang ikwento sa kaniya ang nangyari. Mas lalo lang tuloy lumala ang inis niya kay Nick. Kahit ako naman ay naiinis na sa tao na 'yon!

"Yuck! Ang bastos!"nandidiring aniya nang sabihin ko ang mismong sinabi ni Nick sa akin. "Buti sinabi mo agad kay Sir Abrys. Pero tama naman si Sir, hindi naman iyon makakapasok dito. Hindi nagpapasok si Sir Zach dito maliban sa mga kaibigan niya. Sobrang protektado kasi niya si Yukio."

"Bakit niya pinapasok si Nick doon sa kabilang mansyon at pinagstay pa ng ilang araw?"tanong ko naman.

"E' syempre, nasa tapat na. Parang tanga nga! Hindi manlang nagpaalam na bibisita. Surprise visit daw, kaartehan. Walang nagawa si Sir Zach. Pinsan ni Sir Abrys 'yon, alangan namang itaboy niya."

"Close rin ba nila Sir Zach iyon?"tanong ko.

"Hindi gaano pero close kasi si Sir Abrys pati 'yong Nick. Pero alam mo ba," Tinigil niya ang pagwawalis at nilapit ang ulo sa akin na para bang may sikretong ibubunyag. "Hindi sila blood related nyan ni Nick. Kaya siguro magkaiba ang ugali!"

Napataas ang kilay ko. Naalala ko no'ng sinuntok ni Abrys si Nick, nasabi nga niya ang bagay na 'to.

"You stupid to think that I can't kill you just because I considered you as a cousin, huh? We're not related by blood, ulol!"

Paanong nangyari 'yon?

Nakita ni Kikay ang pagtatanong sa mukha ko. "Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, hindi sila blood related. Kaso pag kinasal kayo ni Sir Abrys, makikita mo siya palagi-"

Tinampal ko ang braso niya at napangisi. Ang layo naman ng mga naiisip ng babae na 'to!

"Yieeee! Kinikilig!" Sinundot niya ang tagiliran ko.

Natatawang hinawi ko ang kamay niya. "Hindi mangyayari 'yan, 'no!"

"Mangyayari!"pilit niya. "'Tsaka anak! Babae! Naku, sana magdilang-anghel ako!"

Tinawanan ko lang ang mga sinasabi niya pero napapaisip din ako. Paano kaya kung hanggang sa dulo, kami pa rin ni Abrys? Aabot kaya? Mangyayari kaya ang sinasabi ni Kikay? Posible kayang magkaanak kami ni Abrys?

Naglayag ang utak ko sa mga ideyang iyon. Kung paano si Abrys kung magiging ama siya, kung paano si Abrys kung magiging asawa ko siya. Ang pangarap kong maikasal sa simbahan at siya ang groom. Ang pangarap kong makasama habambuhay ang prince charming ko.

Posible kaya?

Nagpatuloy kami sa paglilinis at iyon lang ang umiikot sa utak ko. Natapos na kami't lahat-lahat 'yon pa rin ang iniisip ko.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now