Chapter 15

55 3 0
                                    

Chapter 15


Mariing humawak ako sa kamay ni Sir Abrys ng matapos na ang pagtatawag ko ng uwak. Hindi ko alam kung saan ako nagsuka at wala na akong panahon para gawin 'yon dahil masamang masama na ang pakiramdam ko.

"Lasengga."rinig kong aniya.

Sobrang sakit pa rin ng ulo ko kahit na naisuka ko na lahat. Pati nga bituka ko, gusto ko ng isuka para lang gumaan ang pakiramdam pero wala namang naitutulong.

Minulat ko ang aking mata at tiningnan siya. "Oh!"gulat na utas ko nang makita siya. "Ikaw pala yan, Sir Abrys!" Humalakhak ako.

Malamig niya akong tiningnan. Marahan niyang pinunasan gamit ang kaniyang daliri ang aking labi. Nagulat pa ako dahil hindi manlang siya nandiri pero mukhang wala lang naman sa kaniya ang ginawa na 'yon.

"Kumapit ka na sakin. Ihahatid kita sa kwarto mo-"

Umiling ako sa kaniya at huminga ng malalim. "Ibe-bake kita ng cake, diba?"

Napairap siya at hinanap ang palapulsuhan ko. "It's fucking 12 and you're drunk. Pagbe-bake pa ang naiisip mo? Tingnan mo nga ang sarili mo. Painom-inom ka, hindi mo naman pala kaya-" Hinawi ko ang kamay niyang pilit akong hinahawakan.

"Ito naman!" Pabiro kong tinulak ang kaniyang dibdib. "Kaya nga kita ipagbe-bake dahil nagagalit ka. Gusto mo 'yon diba?" Lumambing ang boses ko at sinundot ang tyan niya habang siya ay seryoso pa ring nakatingin sa akin.

Hindi ko na alam kung bakit ang lakas ng loob kong kausapin siya ng ganito. Masyado akong nahihilo para pag-isipan pa ang mga bagay.

Sumimangot ako nang makitang seryoso at malamig pa rin siyang nakatingin sa akin. Galit nga siya!

Lagi nalang galit. Kanina naman, kung makatitig, parang ako nalang ang nakikita niyang babae sa buong mundo. Ang gulo talaga ng takbo ng utak.

Umirap ako. "Ewan ko sayo, Sir. Tabi nga, tabi..." Hinawi ko siya para makapaglakad na pero pa-krus krus ang mga paa ko.

Marahas na bumuntong-hininga siya."Sakit sa ulo."bulong ni Sir at inalalayan na agad ako sa bewang.

Hinayaan ko siyang gawin iyon. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at pinwesto sa kaniyang balikat.


Madramang bumuntong-hininga ako. "Hindi talaga kita maintindihan. Minsan, mabait. Minsan, masungit. Pero... madalas ang pagiging masungit. May sakit ka talaga sa utak!" Malakas na humalakhak ako, hindi na maayos ang paglalakad at pinapaubaya nalang sa kaniya lahat.

"Marigold!"saway niya. "Umayos ka nga ng paglalakad!"iritadong aniya.

Tumikhim ako, pilit na nagseseryoso kahit na natatawa. "Sorry, Sir..."malambing na sambit ko at umayos ng tayo.

"Tingin mo, kakalimutan ko ang kasalanan mo sa akin dahil sa paglalambing mo?"malamig na utas niya.

Tiningnan ko siya. Bakit? Ano sa tingin niya? Susuyuin ko siya kung sakaling galit nga siya sa akin ngayon?

Hindi ko alam kung bakit naaasar ako sa sinasabi niya. "O' bakit?"maangas na tanong. "Nagagalit ka? Nagagalit ka?"nanghahamong tanong ko.

Tiningnan niya rin ako na may paghahamon sa kaniyang mata. Tumigil ako sa paglalakad at ganon din siya. Ilang dipa nalang ang layo ng mukha namin at kaunting tulak lang, mahahalikan niya na ako. Mas nakikita ko tuloy ang kabuuang hitsura niya.

Hindi ko naisip na pupwede ko pala siyang matingnan ng ganito kalapit sa buong buhay ko. Ang asul niyang mga mata na nakakalunod kung tititigan. Ang mga labi niyang mapula at nakakapusok. Itong hitsura niya ang dahilan kung bakit gustong gusto ko siya. Dagdag pa ang mga pagkilos niya. Ang mga malalim niyang pagtitig. Ang mga pagsusungit at panlalandi niya sa akin noon. Lahat! Lahat yata ng tungkol sa kaniya'y gusto ko.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now