Chapter 26

67 3 2
                                    

Chapter 26

"Come. Let's check it."

Agad kong hinawi ang kamay ni Abrys na akmang itatayo pa ako para makasama.

Umiling ako sa kaniya. "Kahit ikaw nalang. Hihintayin kita rito."

Hindi naman na problema sa akin iyon. Sa katunayan nga, personal na bagay 'yong napasok ko sa buhay niya no'ng nagselos ako. Ayokong pakialaman pa ang mga bagay na 'yon. Kailangan niya talagang makipagkita kay Solana kaya wala akong magagawa. At hindi rin kailangang magselos ako palagi kung wala naman palang dapat pagselosan.

I want to be a better version of myself just to be the best partner for Abrys. Ayokong makaisip siya ng dahilan para iwan ako. Habang kaya kong patagalin, patatagalin ko.

"You sure?" Naninimbang ang mga mata niya sa akin kaya matamis na ngumiti ako at tumango.

Tinuro ko ang pizza. "Kakain lang ako dito. Sige na at naghihintay siya!" Tinulak ko ang bewang niya para puntahan iyong babae.

Tumitig siya saglit sa akin tapos ngumiti at tumango. "This won't take long."aniya pa bago tuluyang umalis sa harap ko at tinungo ang gate.

Binaba ko ang tingin sa pizza at 'yon ang pinagdiskitahan. Marahan kong kinuha ang isa at kinagatan. Sinulyapan ko isang beses si Abrys at may hawak na siyang folder ngayon. Nakadungaw pa rin ang mukha niya sa labas at patango-tango nalang.

Nahulog ang pinya sa ibabaw ng pizza ko kaya bumaba ang tingin ko doon. Nang iangat ko muli ang tingin, papabalik na si Abrys.

Ang bilis naman niyang bumalik kumpara sa dati. Siguro'y nag-aalala siya sa iisipin ko. Bumaba ang tingin ko sa folder na nasa kaniyang kamay.

Umupo na siya sa tabi ko at binagsak ang folder sa mesa. "Umuwi na siya?"tanong ko.

Tumango siya at sinulyapan ako. "Dumaan lang daw siya."

Tumango-tango ako. Binagsak niya naman ang tingin sa folder at binuklat. Inabala ko naman ang sarili sa pagkain.

"I'll make sure to see his body this year. Para maipakilala na kita sa kaniya."

Nilingon ko siya at naabutan ko ang kaniyang titig. Ngumiti siya sa akin.

Parang hinaplos ang puso ko dahil doon. Bumagsak ang tingin niya sa folder at bumuntong-hininga.

See his body this year. Ilang taon na bang nawawala ang katawan ng Daddy niya?

"Will it hurt you if I.. ask something about this topic?"mahinang boses na tanong ko.

Nilingon niya ako. Umangat ang gilid ng labi niya at umiling. "I know you are curious about this."

Huminga ako ng malalim. "Ilang taon na bang nawawala ang katawan niya?"tanong ko.

"Six years."sagot niya naman. "Hindi ko na dapat ito papakialaman pa kasi nagagalit si Mom pero..." Nagkibit siya ng balikat.

Tinitigan ko siya saglit. Walang pag-aalinlangan siya kung magkwento. Mukhang kayang kaya niyang ikwento sa akin ang lahat pero ayaw ko naman masyadong magtanong dahil... sensitibo masyado.

Tinaas niya ang kaniyang kilay. "Just ask anything. It won't hurt me."paninigurado niya. "I gladly want to share this with you. Remember, I am an open book for you. Only for you."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya pero umiling ako. "Iyon lang ang gusto kong malaman." Ngumiti ako.

Even when he tolds me that, I don't want to be insensitive. Eight years isn't long enough for mourning lalo na kung hindi pa nakikita ang katawan at hindi pa nakakamit ang hustisya ng Daddy niya.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now