Chapter 45

53 4 0
                                    

Chapter 45



Hindi na kami ulit nakapag-usap ni Abrys dahil pagkabalik niya, dumating na ang lahat. Nagpalit lang naman siya ng t-shirt sa kotse niya at wala siyang kinuha.




Nagulat pa ako dahil dumating din si Ate. She's a bit distant but still civil to him. Alam kong wala pa siyang tiwala kay Abrys.



At sana iyon din ang ginawa ko. Nagtiwala agad ako ulit kay Abrys and right now, I feel mad at him again. Malinaw naman na pumapanig siya kay Solana!



We ate dinner together. Tahimik lang ako habang silang lahat ay nagkekwentuhan. Si Abrys ay sinusubuan pa si Brianna kaya naging abala siya pero hindi pa rin nakakatakas sa akin ang paulit-ulit niyang pagsulyap.



Pagtapos ay nakipagkwentuhan pa muna ako kila Ate tapos sinali na namin ang tungkol sa debut ni Marineth.




Brianna and Abrys is talking to each other. Nakaupo sila sa single couch at nakakandong sa kaniya si Brianna.



Mukhang magaan na ang loob sa kaniya ni Brianna. Nakikita ko ang hand gesture ni Brianna habang nagkekwento siya. Tumatango pa siya kada binibigyan siya ng mangha at gulat na tingin ni Abrys.



Hindi na ako halos makasabay sa pag-uusap nila Ate dahil sa paninitig ko sa kanilang dalawa.



Kaya noong makatulog si Brianna sa kaniyang dibdib ay tumayo na ako.



"Ako na ang mag-aakyat sa kaniya. Makipag-usap ka muna roon,"aniya pa kaya wala akong nagawa dahil tinalikuran niya na ako.




Nanatili naman ako sa baba at doon ako pinaulanan ng tanong ni Ate dahil wala naman na si Abrys.



"Kumusta? Nakapag-usap na kayo?"tanong ni Ate at dinungaw ang hagdan paakyat na para bang nag-iingat na hindi marinig ni Abrys.




Tumango ako at nag-iwas ng tingin. "Tungkol kay Brianna lang. Hindi ko pa siya.. nakakausap tungkol sa nangyari noon."



Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang tungkol sa pag panig ni Abrys kay Solana pero sa huli'y hindi ko nalang sinabi. Alam kong magkakagulo. Baka mapatay nila si Abrys.




At 'tsaka... baka hindi talaga alam ni Abrys. Baka malaki lang talaga ang tiwala niya kay Solana kaya mahirap na paniwalaan ang sinasabi ko para sa kaniya.



Of course. Kasama niya na si Solana bago pa ako dumating kaya naiintindihan ko 'yon. I will try to understand kahit na pumapait na talaga ang nararamdaman ko.



Matagal na kwentuhan pa ang naganap at hindi na muling nakababa si Abrys. Kaya nang mag alas onse, 'tsaka palang natapos ang kwentuhan. Agad akong umakyat para icheck kung anong ginagawa ni Abrys at nakita ko siyang bagsak na sa tulog sa kama katabi si Brianna.




Mukhang hindi niya planong matulog dahil nakaupo pa siya. Siguro'y tinititigan niya si Brianna at biglang nakatulog.



Lumapit ako at inangat ang comforter sa kaniyang balikat para hindi siya malamigan. He looked tough even when he's sleeping. Matagal ko pang tinitigan ang kaniyang mukha at natigil lang dahil dahan-dahang dumilat ang kanang mata niya.



Halos matumba ako dahil sa biglaang pag-ayos ng tayo!



Agad siyang umayos ng upo at hinawi ang comforter na binalot ko sa kaniyang katawan. Sinulyapan niya saglit si Brianna tapos tiningnan ako.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now