Chapter 42

44 2 0
                                    

Chapter 42

Hindi ko na nasabi pa sa pamilya ko ang nangyari no'ng gabi na 'yon dahil sa sobrang takot ko. Dire-diretso ako sa taas kahit na tinawag nila ako. Sinabi ko nalang na pagod na ako pero ang totoo, iniiwasan ko talaga ang mga pang-iintriga nila.

Sino 'yong mga lalaki na 'yon?

Kailangan ko pang makausap si Paolo tungkol sa nangyari. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya 'yon? Binugbog ang mga guard na ni-hire niya ng mga goons. Weird. Sa pakikipaglaban noong lalaking si Ian, halatang hindi pang-ordinaryo. Parang sanay na sanay.

Hindi ko alam kung paano ko nakatulugan ang mga bumabagabag sa utak ko. Basta kinabukasan, sobrang sakit ng katawan ko lalo na ang tuhod at mga binti ko.

"Mama, mow-ning!" Dinamba ako ng yakap ni Brianna kahit na nakahiga pa ako.

Naamoy ko kaagad sa kaniya ang bango ng bath gel at shampoo. Naramdaman ko rin ang mamasa masa niyang balat at ang tumutulong tubig mula sa basa niyang buhok.

"Ang bango naman. Bagong ligo,"namamaos na sabi ko at pumikit muli.

"Pinaliguan ako Tita Mawi-neth..."pabulong na aniya at ngumuso pa.

Tumango ako at dumilat para titigan siya. Matamis na ngumiti siya sa akin at pinatakan ng halik ang pisngi ko.


Niyakap ko siya at inangat para mapadagan siya sa akin. I wanna cuddle her first before starting my day. Nilagay ko siya sa tabi ko at niyakap.

"Kain tayo, Mama..."pabulong na aniya pa sa akin.

"Mmm."tanging nasagot ko at niyakap pa siya lalo. Sumiksik siya sa akin at niyakap ako pabalik.


Ang maliit na braso niya'y nagpahinga sa bewang ko at sumiksik pa siya sa dibdib ko. "Dede,"she sniffed on my chest.

I chuckled a bit and looked down at her. "Big girl ka na, bawal na mag dede."

She pouted and hugged me tighter.

Pumikit siya at dinama ang yakap ko. Kitang-kita ko ang maitim at mahaba niyang pilik-mata dahil sa pagpikit. I smiled a bit and caress her cheeks up to her ear. Her skin turned into pink with small touches.

She's very soft. Nakakatakot na malingat lang ng kaunti at baka may mangyaring masama sa kaniya. She's like a treasure to me. Even a gold couldn't pair her worth to me. Ang maisip na mawawala ang anak kong ito sa akin ang papatay sa akin.

I kissed her cheek. Kaunting oras na lang, makikilala mo na si Abrys, Brianna.

Even when I have a doubts about Abrys, I know he will love to see Brianna. Anak niya pa rin ito. Nanggaling pa rin sa kaniya ito. And I know how much he treasure everyone who's related to him. Yes, he's ruthless but I know deep within him, he's still one of a kind. Iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya noon. Iyon ang dahilan kung bakit ko siya minahal.



Matagal bago kami nagdesisyon ni Brianna na bumaba para mag-almusal. 'Tsaka ko lang nakita ang mga missed call ni Paolo sa akin kagabi.


My jaw dropped. Binitawan ko ang kubyertos at hinarap ang cellphone.

Paolo:

Let's talk.

The guards told me everything.

I'll go there.

Bukas nalang. Tulog ka na pala.

I heard footsteps from the kitchen. Lumabas doon si Leah na ngayon ay may hawak na bowl ng cereal. Humikab ito at bumaling sa akin.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now