Chapter 8

47 2 0
                                    

Chapter 8


"Good morning, Sir! Breakfast?"nakangising sambit ko kay Sir Oasis nang magawi siya sa dining.


Bumaling siya sa akin at humikab. Tumango siya. "Rice gusto ko, Miss Marigold."



Tumango ako at sinabi kay Kikay ang tungkol doon. Naassign kasi kami sa kitchen ngayon. Kami ang maghahatid ng pagkain, maghuhugas, at magliligpit ng mga kalat. Kasama namin ang cook doon kaya madali-dali naman ang trabaho namin.


"Nand'yan na si Sir Abrys?"tanong ni Kikay sa akin kaya umiling ako.


Nasabi ko na din sa kaniya ang tungkol sa nangyari kagabi. Sa lahat ng narinig ko. Nanghingi ako ng opinyon at sabi niya'y tama nga ang hinuha namin nitong mga nakaraang araw. Sumang-ayon siya nang sabihin kong aakto akong parang wala lang. Para nga siyang na-excite dahil doon.


Dapat lang na umakto akong normal, 'no! Hindi pwedeng malaman niya na naaapektuhan ako sa mga pag-iwas niya. Sinabi sa akin ni Mama noon, para baliwin ang utak ng isang tao, gawin mo ang kabaligtaran ng ineexpect nila! Kung akala niya'y maaapektuhan ako sa tangka niyang pagpapaselos sa akin, kung totoo man, mali siya doon! Hintayin niya lang talaga at makikita niya!


Inunat ko ang aking braso bago tanggapin ang tray ng breakfast ni Sir Oasis. Tinulungan ako ni Kikay sa isa pang tray kaya kaming dalawa ang nagdala non doon.


"Good morning, Sir!"maligayang bati ni Kikay nang ibaba namin ang tray.


Nilingon siya ni Sir Oasis. "Morning,"matamis na ngumiti ito dahilan kung bakit namula na parang kamatis si Kikay.


Kung hindi ko siya kinurot ay tutunganga lang siya sa harap ni Sir Oasis. Impit na tumawa ako nang maglakad na kami pabalik sa kitchen. Siniko naman niya ako tapos humagikhik.


May malakas na humikab kaya napalingon kami ulit.


"Aga mo, ah?"si Sir Abrys kay Sir Oasis.


Basa ang buhok ni Sir Abrys at nakasuot ng kulay gray na tshirt. Sumalampak agad siya sa tabi ni Sir Oasis tapos umangat ang tingin sa akin.


Bahagyang nanlaki ang mata ko. Kumalabog ang puso at nag-init ang loob ng tyan. Siniko ako ni Kikay, sinasabing nakatingin sa amin si Sir Abrys.


Tumikhim ako at matamis na ngumiti kay Sir. "Good morning, Sir!"maligayang sambit ko sa kabila ng malakas na pagwawala ng puso ko.


Shit! Kumalma ka! Act normal nga, Marigold. Nagagawa ko naman pero ang kalooblooban ko'y nagwawala talaga.


Nilingon ako ni Sir Oasis na may mangha sa kaniyang mata. Mukhang gulat dahil sa pagbati ko kay Sir. Si Sir Abrys naman ay malamig ang tingin sa akin.


Nagbalik sa akin ang unang beses naming pagkikita. Ang titig niyang malamig pero nang-aakit. Ngayon, purong malamig lang. Para siyang galit sa akin!



Hindi ko iyon ininda at matamis na nginitian siya ulit. "Ano pong gusto niyong breakfast?"


Tumikhim si Kikay at siniko ako tapos tumalikod para bumalik sa kusina. Gagang iyon! Iniwan ako!

Pinasadahan ni Sir Abrys ng tingin ang kabuuan ko. Para akong magyeyelo dahil sa lamig ng titig niya. Humalukipkip siya at tumikhim.


"Fried rice tapos steak. Gusto ko may sauce. Iyong sauce, gusto ko maanghang pero hindi gaano. Iyong fried rice, ayaw kong may bawang."malamig na sambit niya.


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now