Prologue

182 8 0
                                    

Prologue

"Gui...ne..verial."basa ko sa nakalagay sa itaas ng building.

Binaba ko ang tingin sa aking cellphone at nakitang tama nga. Ito na nga iyon!

Salamat naman, 'no! Ang sakit na ng paa ko. Tatlong oras na akong naglalakad. Wala pa akong kain ng tanghalian. Bumuntong-hininga ako. Sana naman mayroon akong mapasukang trabaho rito.

Agad kong tinipa ang numero ni Ate Maricris. Dalawang ring palang ay sinagot niya na ito.

"Hello, Ate?"maligaya ang tono ko. "Nandito na ako. Nakita ko na!"

"Oh, ano? Nand'yan ba? Nakita mo na siya?"

Napangiwi ako. "Hindi pa. Nasa tapat palang ako ng Building. Hindi pa ako nakakapasok. Pero papasok na ako." Hinakbang ko ang aking paa. "Eto na, papasok na."

"Hay nako! Akala ko pa naman nakita mo na siya!"reklamo niya. "Sige na. Mamaya ka na tumawag kasi nasa palengke ako. Balitaan mo nalang ako, ha?"

Humakbang ako ulit. "O'sige. Ba-bye!" Pinatay ko na ang tawag at dinungaw na ang loob ng Building.

Inayos ko ang pagkakaipit ng folder na naglalaman ng resume ko sa aking kili-kili at humakbang na papasok.

"Good afternoon, Ma'm! How can I help you?" Agad na lumapit sa akin ang isang babae.

Tiningnan ko siya. Nakasuot ng white longsleeve at pencil cut skirt. May kaunting make up at maganda. Sana ganyan din ako. Pupwede kaya akong maging kagaya niya rito?

Gusto ko rito! Nandito raw kasi nagtatrabaho iyong nagligtas sa amin ni Ate Maricris no'n. Hindi ko na maalala ang mukha niya at ang pangyayari na 'yon.

Nangyari 'yon no'ng eighteen years old ako. Bago palang ako sa trabaho no'n at sa hotel iyon. Nagkaroon ng barilan tapos nasunog ang buong hotel. Mayroong lalaki na nagligtas sa amin ni Ate! Sabi ko nga'y baka prince charming namin 'yon! Kaso nga lang, no'ng nagkaroon na ng boyfriend si Ate, ayaw niya ng hanapin 'yong lalaki. Ako nalang daw.

Hindi ko siya kilala at gano'n din si Ate pero kilala ng kaibigan niya ang tao na 'yon. Busy kasing tao kaya hindi na natanong ni Ate ang pangalan. Basta sa Guineverial daw nagtatrabaho.

"Uh..." Hinawakan ko ang folder at nilahad sa kaniya. "Balak ko po kasing mag-apply ng trabaho."

Napataas ang kilay niya. Pinasadahan ng tingin ang aking katawan tapos may pagdadalawang-isip akong tiningnan. Ngumiti ako.

"Punta ka nalang ng second floor para sa orientation."aniya na nakapagpalaglag ng panga ko.

Orientation agad? Walang interview?

Umalis na siya sa aking harap kaya hindi na ako nakapagtanong pa. Magpasalamat ka nalang, Marigold. Biyaya ito ng Diyos. Agad na akong nagtungo sa second floor para sa orientation.

"Para sa... orientation po."sambit ko at ngumiti sa babaeng agad na lumapit.

May tinuro siyang isang pintuan kaya agad akong nagtungo doon. May mahigit sampung tao doon kaya agad na akong umupo para pumwesto.

Ngumiti ako sa ilan pero mukhang seryosong seryoso sila. Tumikhim nalang ako at nakinig ng seryoso.

"The Guineverial needs someone who's committed to this work. By next week, start na kayo ng training. Si Mr. Oasis Paloma. If you're asking about the salary, Guineverial offers one-hundred thousand to five-hundred thousand pesos a week. Depende sa performance at sa feedback ng client."

Nalaglag ang panga ko sa taas ng halaga na sinabi niya. One-hundred thousand to five-hundred thousand a week? Ano bang trabaho ang nandito? At bakit may client? Prosti... Prostitution yata itong pinasok ko!

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now