Chapter 50

63 5 0
                                    

Chapter 50

Tumulo ang luha sa mata ko. Tinitigan ko ang urn na yakap yakap ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang daya ng mundo. Lahat nalang sa akin ay kinukuha.

"Nasaan ka na? Bantayan mo kami, ha?" I whispered to the air. Umaasang nasa paligid lang siya at naririnig ko.

Alam kong naririnig niya ako. Nagmamasid. Pinapanood ako. Ang sakit. Ang sakit sakit naman.

Nilapag ko ang urn at bumaba ang tingin ko sa hawak ko.

Brianna Agacia Libral. I smiled a bit. Bumuhos pa lalo ang luha sa mata ko.

Ang bilis. Parang kailan lang, ang saya saya natin. Parang kailan lang, tumatawa ka pa sa akin. Parang kailan lang, sinabi mo pa sa akin kung gaano mo ako kamahal. Bakit ka nandyan? Bakit ka nasa urn?

Humikbi ako. Sayang. Ang dami kong pangarap para sayo...

"Mama, basa na papel ko!"maktol ng batang nasa gilid ko.

Nilingon ko siya at sinimangutan. "Kausap ko pa si Tito Mariton mo. Mamaya ko na 'yan iche-check." Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at inabot sa kaniya ang papel na pinagsulatan niya ng buo niyang pangalan.

She make a face. Kinuha rin naman ang papel tapos tumakbo patungo kay Maricar.

"Ate, cinontact ka ba ni Abrys?"tanong ko.

Umiling si Ate na ngayon ay nakaupo at naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi. Hindi siya nagsalita saglit at binaba ang lipstick, tinakpan at nilagay sa kaniyang bag. "Hayaan mo muna siya at bigyan mo ng oras. Galit pa 'yon sayo."

Bumuntong-hininga ako.

"Sinisigurado lang no'n na wala ng banta sa buhay nyo, Ate. Chill ka lang dyan."si Marineth.

Tinalikuran ko sila at tumitig sa kawalan. Inalala ko ang mga nangyari no'ng gabi na 'yon.

"Brianna!"sigaw ko.

Natumba si Solana at napaluhod. Ang baril na kaninang hawak niya'y tumalsik sa aking harapan.

Nilingon ko siya at nakitang iniinda niya ang tama niya sa kaniyang hita.

Dumami ang tao sa labas. Hindi ko na makuha kung ano ang nangyayari. Sumasakit na ang ulo ko. Nakita ko nalang na mabilis na kinarga ni Abrys ang anak kong nanlalaki ang mata sa gulat at takot habang nakatitig kay Solana. Sinuksok ni Abrys ang baril sa kaniyang bulsa. Mukhang siya ang bumaril kay Solana.

"Kuya, kuya! Akin na muna si Brianna!" Agad na sumugod si Ash.

May mga pulis na dumating. Magkahalong pulis pati 'yong mga lalaking nakaitim na sigurado akong mga tauhan ni Abrys.

"Wala manlang bang security na nakapalibot sa buong hall na 'to? The fuck!"reklamo ni Ari na ngayon ay alalang-alala sa nangyari.

Tinangay ng mga pulis si Solana. Nakuha pa niyang damputin ang stilettos niya at galit na galit na binato sa akin habang umiiyak.

Agad namang nasalo ni Abrys na ngayon ay malamig na ang tingin sa akin. May bagyo na sa kaniyang kulay asul na mga mata at sigurado akong kasalanan ko na naman ang nangyari. I know I am suck at decision-making. Muntik na akong mamatay. Muntik nang mamatay si Brianna.

Binato niya lang sa malayo ang stilettos tapos hinawakan na ang palapulsuhan ko.

"Pupunta akong presinto. I am not trusting those police. Abrys, saan kayo pupunta?"si Milicent na nag-alala rin sa nangyari.

"We'll go home."malamig na ani Abrys at hinigit na ako.

Nakita ko ang van na kaninang sinakyan namin ni Ash. Nandoon na si Ash. Natanaw ko siyang kinakausap ang umiiyak na si Brianna. Malala ang pag-iyak ni Brianna at alam kong natakot siya sa nangyari.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now