Chapter 44

54 5 1
                                    

Chapter 44


I stared at the starry sky. Kumikinang ang mga bituin. My overflowing joy reach the skies. Sa sobrang fulfilling ng nararamdaman ko'y parang handa na akong mamatay bukas.



But the truth here, the amount of happiness that I am feeling right now is same with the amount of pain I have.



I smiled bitterly and turned to Abrys. Namumuo ang luha sa mata ko pero kampante akong hindi sila dadaloy.



Nag-aabang na pala ang mga mata niya at kanina pa ako pinapanood na nakatingala sa langit.



Umayos ako ng tayo at nag-iwas ng tingin. Diretso nalang ang mga mata ko ngayon, takot na magtama na naman ang mata namin.



"S-So uh..." Tumikhim ako. "Paano ang set up natin?"



He raised his eyebrow. "Set up?"



Tumango ako. "Alam kong busy kang tao, Abrys, pero hindi ako papayag na sumama si Brianna sayo sa Manila. I only allow her here. Hindi siya pupwedeng bumyahe. Hindi siya pwedeng lumayo,"


I want to open up the issue about Solana but maybe this is not the time yet? Masyado pang clouded ang utak ko tungkol sa nangyari kanina.



Humikab si Abrys at nagpamulsa. "There's no need for that. Hindi siya aalis dito."




Napataas ang kilay ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya na may pagtatanong sa aking mga mata.


"Can I sleep here tonight? I wanna sleep here,"pambabalewala niya sa mga mata kong naghahanap ng eksplanasyon.



"N-No. Uh! I-I mean..." Napakamot ako sa aking batok. "I am not sure. Tatanungin ko sila Lola."



"Not inside."dugtong pa niya. "I'll sleep in my car." Tinuro niya pa ang sasakyan sa labas ng gate.



Nalaglag ang panga ko sa nais niyang iparating. Matutulog siya sa labas at sa kaniyang sasakyan?




Agad akong umiling. "Hindi! Bakit ka doon–" I paused. "Mahihirapan ka!"singhal ko, almost hysterical.



Tumunganga siya at pinanood ang reaksyon ko. May kaunting pagkamangha sa kaniya. Napakurap-kurap ako at umiwas. Halos talikuran siya. Fuck!



"Hindi rin naman ako makakatulog, Marigold."



Well, yeah. If I am on his position, hindi rin ako makakatulog. Hindi rin ako mapapalagay. That was a big blow.




"Kahit na..."mahinahong sabi ko. Iniiwasang ulitin ang pagsinghal katulad ng kanina. "Y-You still need to rest, at least."




Napanguso siya at marahang tumango. Hindi na nakipagtalo.



Pinasada ko ang dila sa aking labi at tiningnan siya. "K-Kung... dito ka mananatili, paano ang.. mga kailangan mong gawin sa Maynila?"




Hindi biro ang layo ng Davao sa Maynila. Nililipad niya na ang halos kabuuan ng Pilipinas.



He laughed a bit as if he finds my statement funny. "Is there any more important thing than this?"



And now, it hits me.



When you stare deeply at Abrys' eyes, you will see his deepest secret. He's broke. He's in pain. He's lonely.




Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now