Chapter 34

33 4 0
                                    

Chapter 34

Naging maayos ang relasyon namin ni Ate pagtapos ng pag-uusap namin na 'yon. Pero kapag nag-uusap kami, hindi namin binabanggit ang tungkol kay Abrys kahit pa tungkol kay Brianna ang topic namin.


Para bang isang kasalanan kung babanggitin ang pangalan niya. Ganoon din sila Maricar. Walang nag-ahas na balikan pa ulit ang nakaraan.


At... unti-unti kaming bumabangon. Sa pagkawala ng mahal sa buhay, hindi posibleng makalimutan sila. Ang kaya lang gawin ay ang tanggapin. Kaya unti-unti, tinatanggap ko na wala na talaga si Mariton. Hindi ko nalang iniisip na namatay siya dahil sa brutal na pagpatay. Hindi ko nalang iniisip na dahil kay Abrys kaya siya nawala. Hindi ko nalang iniisip lahat ng nangyari para mas maging madali sa aking tanggapin.


Mabilis ang pagtakbo ng panahon. Natapos ako sa pag-aaral kahit na mahirap dahil kay Brianna. Kinaya ko at nag start na ako sa internship. Si Ate, masaya na sa pwesto niya ngayon sa pinagtatrabahuhan. Si Maricar, pinagpatuloy ang pagiging working student at sinasabay pa ang pagpapalago ng small business niya na pagbebenta ng cosmetic products.


Si Maricar at Ate ang gumagastos madalas para sa mga pangangailangan ni Brianna. Ayaw ko man at nakakahiya, wala akong magawa dahil wala naman akong pantustos. Hindi ako nagtatrabaho at pag-aaral ko pati ang anak ko lang ang inaatupag ko.


"Two years old ka na, iyakin ka pa rin. Ayaw ko na sayo!"pagalit kunwaring sabi ni Ate Maricris kay Brianna.



Sumimangot ang bata sa kaniya. Pinandilatan siya ni Ate ng mata kaya naman ngumalngal na naman sa iyak.


Napailing ako. "Kawawa naman, inaaway ng Tita..." Kinuha ko siya kay Ate at 'tsaka lang siya kumalma. Sumubsob siya sa balikat ko.


"Baka inaantok na, Marigold."si Tita na ngayon ay tinatalian ng buhok si Marineth.

Walang pinagbago si Marineth. Gumagawa siya ng modular pero madalas ay hindi niya natatapos. Alam kong sinusubukan niya. Alam kong pilit niyang tinutulungan ang sarili niya pero hindi niya pa talaga kaya. Minsan kong nakitang pinagpupunit niya ang modules niya tapos nagwala. Hindi pa siya nakakapagsalita at madalas din siyang magka panic attack lalo na sa mga simpleng bagay. Tulad nalang kapag masyadong malakas ang TV o kaya may nahulog at nagulat siya. Kapag bigla siyang hinahawakan o pati na rin kapag tinititigan siya.


"Anong oras ka ba aalis, Marigold?"tanong ni Lola na ngayon ay nakaupo at pumapapak ng mani.


"Maya-maya lang, alas otso, lalarga na ako. Nasaan ba si Maricar para sabay na kami?" Nilingon ko ang hagdan papunta sa taas habang ginagalaw ko ng kaunti ang katawan para mapatulog si Brianna.



"Night shift yata 'yon, be. Si Leah ang makakasabay mo ngayon kaso... baka mamaya pa umalis 'yon, alas nueve."si Ate Maricris.


Tumango ako. "Mauuna na pala ako. Papatulugin ko lang 'to."

Madali ko lang napatulog si Brianna dahil inaantok na siya. Napagod rin kasi ang likot likot niya kanina. Ganoon siya. Kapag malikot siya, maya-maya, iiyak na lang bigla. Bugnutin!



Umalis na din ako ng bahay pagtapos no'n. Isang taon na lang, pupwede na akong makakuha ng lisensya para maging ganap na Psychologist.




Sa sumunod na taon, mas naging mahirap. May mga oras na nagkakaroon ng emergency habang nasa clinic ako. Lalo na kapag nagkakasakit si Brianna. O kaya kapag nagwawala si Marineth. Sobrang hirap na ilang beses ay naramdaman kong gusto ko nalang sumuko. Gusto kong tumigil nalang sa pagpasok at manatili sa bahay para mabantayan silang dalawa. Pero... naiisip ko. Nandito na ako. Patapos na. Papatapos na at kaunting tiis nalang, makakamit ko na. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba na abot-kamay ko na?



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now