Chapter 47

60 2 0
                                    

Chapter 47

"Mag-ingat kayo!" Ate said with teary eyes. Niyakap niya ako ulit at pabirong sinabunutan pa ako.

Humalakhak ako. "Oo, Ate. Hindi naman kami magtatagal doon..."

"Dapat lang, 'no! Mami-miss ko kayo!"singit ni Marineth na nakisali sa yakapan namin.

"Ayaw kong umiyak pero naiiyak talaga ako. Para kasi kayong tanga riyan..."si Maricar na nalukot na ang boses dahil sa pag-iyak. Dinamba rin kami nang yakap kaya halos matumba kaming apat.

"Sali kami!"si Liah na akmang makikiyakap pero pinigilan ni Tita.

"Kapatid ka? Kapatid ka?"ani Tita sa kaniya. Ngumuso lang si Liah.

"Pagbalik nyo rito, dalawin na natin sila Mama..."si Ate na unang humiwalay sa yakapan.

"Oo nga! Mag picnic tayo roon!"si Marineth.

"Ang ingay ingay natin, picnic pa ang nais mo, Marineth? Makakagambala lang tayo roon."tanggi ni Maricar.

"Dumalaw tayo kapag maayos na ang lahat,"dugtong ko.

Kapag naayos na ang gulo na ito at sigurado nang ligtas ang mga kapatid ko, pupwede na akong humarap sa kanila. Kaya ko ng humarap sa kanila.

Matagal bago kami pinakalawan nila Ate. Emosyonal din si Lola na panay ang sabi na bumalik kami. Tingin ko'y iniisip nilang hindi na ako babalik dahil kay Abrys pero wala naman akong balak na ganoon.

Nasa sasakyan na kami. Nasa front seat si Abrys at kami ni Brianna ang nasa likod. Si Rence ang driver.

Bumaba kami sa airport at nang lumipad na ang eroplano, bagsak ako sa tulog. Kami lang tatlo ang passenger sa eroplano na 'yon sa kagagawan ni Abrys. Hindi ko naman na kinwestyon dahil natulog lang ako buong byahe.

Nagising lang ako nang sinabing nasa Manila na nga kami. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog pero bababa na kami.

Sinulyapan ko si Brianna na may chocolate sa kaniyang labi. Sa tabi niya'y si Abrys na may hawak na baby wipes sa kaniyang kamay.

"Marami siyang nakain na chocolate?"tanong ko kay Abrys.

He shrugged. "Medyo?"

Matalim na tiningnan ko siya at pinagkunutan niya ako ng noo. Nagtataka kung bakit ganoon ang tingin ko sa kaniya. Umiling na lang ako at inayos na ang aking sarili samantalang pinunasan niya ang labi at kamay ni Brianna.

Nilagay ko ang shades sa aking mata habang nakasukbit ang handbag sa aking braso. Sa likuran ko ay si Abrys na buhat-buhat si Brianna tapos ang ibang staff ng eroplano na nagdala ng luggage namin.

Nang tuluyan nang nakababa, hinagilap ni Abrys ang kamay ko. Hinayaan ko siyang gawin 'yon.

"Bati kayo?"inosenteng tanong ni Brianna na dinungaw ang magkasalikop na kamay namin ni Abrys.

"Yeah." Abrys chuckled and kissed Brianna's cheek.

Sinalubong kami ni Ash na ngayon ay malawak ang ngisi sa amin. Kinalag ko kaagad ang hawak sa akin ni Abrys.

Nahihiya kasi ako! Namula ang pisngi ko. Ramdam ko pa ang talim ng titig sa akin ni Abrys dahil sa ginawa ko pero hindi ko manlang siya tiningnan.

Brianna laughed. Binelatan pa siya. "Di ka na bati ni Mama ko!"

"Kumusta ang byahe? Ang bilis ng byahe nyo, ah!"si Ash na lumapit sa akin para yakapin ako.

Niyakap ko siya pabalik. Lumibot din ang tingin ko sa airport na maraming tao at nandito siya ngayon, mag-isa at walang kasama.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now