Chapter 36

45 3 0
                                    

Chapter 36

"This. The small arrow here." Tinuro ko ang maliit na arrow sa wrist watch. "That indicates the hours."

Paulit-ulit na kami rito ni Brianna pero hindi niya pa rin naiintindihan. Maybe because she's not that interested into numbers. Pati na rin itong pagbabasa ng relo.

"Next time nalang nga ulit." I give up. She looked bored.

"She's just three, Ate. Tinuturuan mo na agad kung paano magbasa ng relo. Hindi pa niya 'yan maiintindihan."ani Maricar.

Sinulyapan ko si Brianna na ngayon ay nasa letter F na sa kaniyang alphabet.


"She can. Hindi lang talaga niya gusto dahil alphabet ang gusto niyang matutunan."sagot ko naman.


Tinanaw ko si Marineth na ngayon ay nakaupo lang doon. Katabi niya si Tita at Lola. Day off ko kaya dito lang ako maghapon sa bahay.

Napatitig ako sa kawalan nang maalala ang kinakaharap kong problema.

Sumasakit na ang ulo ko.

Paano ba naman kasi. Ni-like ng Director ng ECH Clinic 'yong reply ko kay Abrys!!!!!


Gusto ko na tuloy mag resign nalang. Nakakahiya. Sa kinadami-dami ng makakakita, iyong si Director pa talaga! Paano nalang kung magreklamo 'yon kay Paolo? Tapos gusto na palang patalsikin ako?


Nakakahiya talaga!


Hay naku, Marigold! Nag-uumpisa ka palang sa career mo, masisira na agad! Dahil lang sa comment n'yang Abrys na 'yan!


"Mama! Tapos na!"


Bumaling ako kay Brianna. Winawagayway niya ang papel sa mukha ko. Kinuha ko 'yon at tiningnan.


Napuno niya na ng letter F ang buong papel. Napangiti ako at tiningnan siya. "Ang galing na ng baby girl namin, ah!"

Malawak na ngumiti siya at kinuha ang papel sa kamay ko. Tumakbo siya patungo kay Maricar at pinagyabang ang nagawa niya.


Napakagat ako sa aking labi at tinitigan ang masayang mukha ni Brianna.

Paano kung... isang araw.. magkita sila ni Abrys? Paano kung... dumating ang araw na malaman nila ang tungkol sa ugnayan nila sa isa't-isa?


Hindi ko kaya na manghihingi si Brianna ng kaunting oras o atensyon kay Abrys. Hindi ko kaya na masaktan siya ni Abrys dahil lang hindi nito kayang maging tatay sa kaniya.


Pero... paano kung kaya ni Abrys?


Kung dumating ang oras na magkita sila at natanto ni Abrys na may anak siya sa akin... at gusto niyang bumawi. Anong gagawin ko? Paano ko 'yon tatanggapin? Paano ko tatanggapin na magiging kahati ko si Abrys sa anak ko?


Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mapalapit si Brianna kay Abrys. Pakiramdam ko, kukunin siya sa akin. Pakiramdam ko, mawawala si Brianna. Hindi ko kaya 'yon.



Pero alam ko na pagdating ng panahon, haharapin ko ang bagay na 'yon. Pag dumating ang oras na naging kuryoso na si Brianna sa tatay niya. Pag dumating ang oras na naghanap na siya ng pagmamahal ng isang ama.


Hindi ko alam kung kaya ko siyang sagutin. Sana. Sana matigil ang oras at maging bata nalang si Brianna habambuhay. Kasi hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi ko pa kaya.



Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Paolo araw-araw kaya nagbi-busy-busyhan ako sa mga paper works na hindi ko naman na dapat pinapakialaman pero iyon ang hinaharap ko para lang maiwasan ang pakikipag-usap sa kaniya.


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now