Chapter 46

45 4 2
                                    

Chapter 46

"Nasa'n na ba sila Maricris? Inaantok na ako, ha!"reklamo ni Liah na hinilig ang ulo sa balikat ni Jeff.

It's already 8PM in the evening. Sinabi kong magtungo sila rito dahil may importante akong sasabihin. Iyon nga ang paglipad namin ni Abrys sa Manila kasama si Brianna. They don't have any idea about what's happening so I call them all to explain everything including the trouble we're facing because of Solana.

Nandito na si Maricar at si Oscar na nakaupo lang sa mahabang upuan at may sariling mundo, may pinagtatawanan sa kanilang phone. Si Leah din ay nandito, nakaupo sa single couch at nagbabasa ng magazine. Wala si Kelsie dahil umuwi muna sa kanila. Si Liah at Jeff ay nasa dining table at pinapakyaw ang pinasalubong kong ensaymada. Pati si Marineth ay nakikikain din doon.

Si Tita at Lola ay pinagigitnaan si Abrys, nakaupo rin sila sa mahabang upuan katabi si Maricar at Oscar. Kung anu-ano ang tinatanong nila kay Abrys, narinig ko pang tinanong ni Tita Anita kung paano kami nagkakilala. Nakakahiya talaga!

Hindi ko nalang pinansin dahil abala ako sa pagdungaw sa pinto, hinihintay si Ate. Inaantok na rin ako! Tinatawagan ko siya pero panay sabi siya na paparating na raw siya. Five minutes nalang daw! Twenty minutes na ang lumipas, wala pa rin siya!

Si Brianna naman, nakatayo at tinatanaw ang TV. Ginagaya niya ang sayaw doon.

"Siguro alas dies na tayo makakauwi!"si Maricar na tumayo para kumuha ng ensaymada. "Mag overnight kaya tayo? Ngayon lang?"excited na aniya kay Oscar, nanghihingi ng pagsang-ayon.

"Okay lang,"tanging ani Oscar at ngumisi kay Maricar.

Kumagat si Maricar sa hawak niyang ensaymada at bumaling sa akin. "Ano 'te? Overnight kami rito lahat? Day off ko naman bukas!"

"Overnight ka dyan. Hindi tayo kasya sa taas, ano! Saan matutulog ang iba? Sa banyo?"si Liah sabay kagat sa ensaymada na hawak niya.

"Huy! Masaya kaya 'yon! Overnight tapos kwentuhan!" Marineth agreed and giggled.

Parang gusto ko rin dahil aalis kami ni Abrys bukas. Pero may punto rin si Liah na masisikipan nga kami.

"Anong masikip? Sakto lang! Anim ang kama sa taas. Tabi nalang si Liah at Jeff tapos kayo ni Oscar, tabi kayo." Tinuro pa ni Leah si Maricar. "Tapos tabi nalang si Maricris at Noriel–kaso sanay ba 'yon si Noriel? Yayamanin 'yon. Baka ayaw sa masikip."

"May lalaki bang ayaw sa masikip..."bulong ni Maricar na narinig naman naming lahat.

Binato siya ng natatawang si Tita Anita ng throw pillow dahil doon. Humalakhak ako sa sinabi niya.

"Joke lang!"natatawang aniya at sinalo lang ang throw pillow.

"Ayos lang 'yon kay Noriel. Hindi naman maarte iyon."opinyon ni Oscar.

"Oo! Tapos tabi nalang kami ni Marineth kasi hindi naman na tutulog dito si Kelsie. Tapos si Lola at Mama, tabi nalang. Tapos... itong si Marigold at Abrys, tabi nalang din. Si Brianna sa banyo nalang matutulog."biro pa ni Leah.

"Eh!"tanggi naman ni Brianna na sinimangutan pa si Leah.

Humalakhak sila pero nakaawang lang ang labi ko dahil sa sinabi niyang magtatabi kami ni Abrys sa kama. Hindi na, 'no! 'Wag na sila mag-overnight.

'Yung ilang araw na pananatili rito ni Abrys, sa sasakyan yata siya natutulog. Pero hindi ko alam kasi lagi naman siyang nauuna sa paggising. Sigurado naman akong nakakatulog siya dahil hindi naman siya mukhang puyat.

"No, it's okay. Tabi nalang sila ni Marigold. Sa sasakyan ako natutulog,"singit ni Abrys.

"Huh?!"si Tita. "Marigold? Sa kotse mo siya pinapatulog?"hindi makapaniwalang anito na para bang wala akong puso.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now