Chapter 32

46 4 1
                                    

Chapter 32

Gumuho ang mundo ko. Dala-dala ko ang mga gamit kong kakapiranggot na damit lamang. Nakatanaw sa akin si Maricar na umiiyak. Si Liah ay inalalayan ako papuntang gate.

"May paupahan si Lola. Ihahatid nalang kita muna roon tapos babalik ako rito."si Liah at pumara ng tricycle.

Wala sa sarili akong sumakay doon at sumunod naman si Liah. Sinabi niya ang lugar kung saan kami tutungo habang ako'y tulala pa rin sa mga nangyayari.

"'Wag mong intindihin 'yong sinabi ni Maricris, Marigold. Nagtatampo lang 'yon pero hindi niya magagawa 'yon..."pang-aalu ni Liah.

Parang unting-unti ng nawawala ang lahat sa akin. Hindi ko na alam kung papaano pa magpapatuloy. Hindi ko alam kung papaano babangon.

Inabot ko kay Liah ang singsing. "I-Ibenta–Isangla mo..."

Tumulo ang luha sa mata ko at agad ko 'yong pinalis.

"Mukhang mamahalin ito. Bakit ayaw mong ibenta?"

Napatitig ako sa kawalan at nag-isip. Kay Abrys galing 'yan... Kahit na galit na galit ako sa kaniya, sumisingit pa rin ang nararamdaman ko. At mas lalo akong nasasaktan kasi... Paano mo nagawa sa akin 'to, Abrys?

"H-Hindi 'yan sa akin."tanging sabi ko. "Hindi ko pwedeng ibenta."

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Masaya na ba siya? Nakita niya na ba ang katawan ng Daddy niya? Masaya ba siyang napatay niya ang kapatid ko at napagsamantalahan niya si Marineth?

Bumaba kami ni Liah sa isang bahay na may pangalawang palapag. Hindi kalakihan 'yon pero ayos lang.

Agad siyang kumatok sa pinto habang ako'y nanatili lang sa kaniyang likod. Napasapo ako sa aking noo dahil sa pagkahilo.

Kinurap-kurap ko ang aking mata para maayos ang bisyon pero walang talab. Huminga ako ng malalim at mariing pinikit ang aking mata pero mas lalo lang lumala ang sakit ng ulo ko.

"Hi, Manang! Nandito kasi 'tong pinsan kong si Mari–Marigold?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. "Okay ka lang ba?"

"Naku, Ineng! Anong nangyari?"boses ng babae. "Namumutla siya!"

Pinilit kong dumilat at tiningnan si Liah para hindi siya mag-alala pero lumalabo na rin pati ang paningin ko.

"Marigold!"

Sinubukan kong tingnan ang ibang bagay pero mas lalo lang lumala ang pagkahilo ko hanggang sa natumba nalang ako at nawalan ng malay.

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin si Maricar na alalang-alala ang mukha.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Nakahiga ako ngayon sa isang kama rito sa kwartong hindi pamilyar sa akin. Hindi rin naman mukhang hospital at tingin ko'y ito 'yong pinuntahan namin kanina ni Liah.

"A-Ate? Ayos ka lang?"

Pinikit ko ulit ang aking mata. Nahihilo pa rin ako.

"Masyado sigurong pagod at stress 'yan kaya nahimatay. Kumakain ba 'yan?"boses ni Leah.

"H-Hindi gaano pero... kumakain siya."si Maricar.

"Bakit namumutla?"boses naman ni Liah.

"H-Hindi ko alam..."nanlulumong ani Maricar at bumaling sa akin. "Sumunod kami rito kasi sabi ni Liah na nahimatay ka. Malayo ang ospital dito kaya imbis na dalhin ka pa, pinagpahinga ka nalang dito. May masakit ba sayo?"

Umiling ako. "S-Si... Ate?"

Nakahinga ako ng maluwag ngayong hindi siya galit sa akin. O... baka naiipit lang siya. Hindi ko alam. Naiintindihan ko naman si Ate at hindi ako magpupumilit na makipag-ayos ngayon.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now