Chapter 11

48 3 0
                                    

Chapter 11



Ang aga ko natulog. Siguro'y alas sais palang, tulog na ako. Kaya nga kinabukasan, alas kuatro palang, gising na ako. Hindi na kasi kami talaga pinagtrabaho hanggang sa kinagabihan. Sinubukan kong lumabas kaso si Sir Zach mismo ang nagpabalik sa akin sa kwarto kaya ayun, hindi na talaga ako nakapagtrabaho hanggang sa nakatulog nalang.



Tulog pa si Kikay. Naligo na ako tapos nag-almusal. Inisip kong puntahan ang library sa taas kasi nakita ko ang mga pocket books doon no'ng naglinis kami. Baka manghiram lang ako ng kahit tatlo lang at magbabasa basa kapag walang ginagawa.



Naalala ko tuloy si Marineth. Mahilig siya sa libro na romance. Isang beses nga, nagbabasa siya ng libro na ang erotic ng title. Tapos no'ng binasa ko, may mga bed scene! No'ng una pinagalitan ko siya pero kalaunan, pinagkwentuhan din namin iyong flow ng story. Syempre, natapos ko ang libro na 'yon. Hipokrita lang talaga ako at pinagalitan ko pa siya.



Excited ako sa pag-akyat sa itaas. Syempre alas kuatro palang at may isang oras pa akong libre. O baka dalawang oras dahil syempre, maghahanda pa sila Mam Helena. Naliligo, magbibihis tapos mag-aalmusal pa. Kaya alas sais pa kami nagtatrabaho. E' tapos naman na ako sa lahat. Mag-u-uniform nalang ako mamaya kaya baka 5:40 na ako bumaba galing library.



Lakad-takbo akong nagtungo sa hallway patungong library nang makita ko si Miss Ari. Katulad ko'y basa rin ang buhok niya na animo'y bagong ligo. Nakahawak siya sa kaniyang ulo at namumutla siya!



Naglakad siya at siguro'y bababa. Papikit-pikit siya at halatang masama ang pakiramdam. Nabasa ko pa ang pagbuka ng labi niyang sinasabing, "Shit..."



Agad akong lumapit sa kaniya. Babatiin ko lang ng good morning. Baka nagugutom siya kaya bababa. Nakakahilo naman kasi talaga ang gutom. Nasa likod niya na ako pero hindi niya ako napansin. Napakamot ako sa aking batok. Talikod ka nalang, Marigold. Hayaan mo na 'yan.



Kaso bigla ay nadulas ang isang paahan niya. Lumagpas ang paa sa apakan ng isang baitang na hagdan. Bago pa siya mahulog at dumausdos pababa ay agad kong nahuli ang bewang niya.



Ginapangan ako ng takot. Paano nalang pala kung hindi ako nagawi dito? E'di nahulog na siya! Kung nahulog siya, siguradong malala ang mangyayari!


"Hala, Ma'm! Anong nangyari?"natataranta kong sambit at tinulungan siyang makatayo.



Kahit na may suot siyang damit, naramdaman ko ang malalang init ng katawan niya! Hinawakan ko ang kaniyang noo at lalo lang nanlaki ang mata ko dahil ang taas nga ng lagnat niya!



Nanlalata siya. Ang hina ng braso ko ay hindi sapat para mabuhat siya. Naku! Baka kami pang dalawa ang mahulog dito!



"Ang taas ng lagnat mo, Ma'm! Wait, wait." Hindi ko mabitawan ang bewang niya dahil sigurado akong matutumba kami. Hindi niya binubuhat ang sarili niya at pinapaubaya ang bigat sa akin!



"Buti nagawi ako dito. Teka, Ma'm." Natataranta na talaga ako! "Kapit ka sa akin. Dito. Dito." Tinapik ko ang aking balikat, sinasabing umakbay siya sa akin.


Sa ganitong paraan, matutulungan ko siya. Kung ganito lang naman na hindi niya ako tutulungang buhatin ang sarili niya, baka parehas na talaga kaming mamatay dito!


"I'm about to get meds kasi wala sa kwarto. Kaya..."nanghihina ang malamyos niyang boses. Hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi dahil sa panghihina kaya tinulungan ko siyang maglakad.


Hindi ako umimik at nagtungo sa kwarto ni Sir Abrys. Naalala ko ang unang beses na pagpunta ko dito, sinabi niya ang, "Sleep here in my bed or sleep there peacefully?"



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now