Chapter 19

55 3 0
                                    

Chapter 19



"Naku, Sir! Pasensya na talaga at maliit ang bahay namin."si Maricar na kakalapag lang ng malaking plato sa aming harap na may lamang pancit canton.


Napakagat ako sa aking labi at tinitigan si Abrys. Sobrang liit ng bahay namin para sa kaniya. Hindi siya komportable. May nakaharang na sira-sirang cabinet sa gilid niya at imbis na indian sit ang upo niya'y nakatiklop at nakataas ang tuhod niya para lang magkasya kaming apat sa sahig.


"S-Sir. Pwede na tayong bumalik sa bahay ni Sir Zach ngayon."subok ko.


Malamig na tiningnan niya ako dahil sa pagtawag ko na naman ng Sir. Pero agad din kumalma ang kaniyang ekspresyon at umiling sa akin. "Nakakahiya naman kay Maricar kung aalis pa tayo. Nilutuan na nga niya tayo ng pasta." Bumaba ang tingin niya sa pancit canton. "What do you call this one?"


"Ah!"si Maricar at confident na ngumiti. "It's pasta de canton ala Maricar Agacia."maarteng anito na nag hand gesture pa.


Namula ako sa kahihiyan dahil sa ginagawa ng kapatid. Sasabunutan ko talaga itong babae na 'to.



Si Marineth na nasa tabi ko'y nakita kong inaangat ang kaniyang phone na animo'y pipicture-an si Abrys kaya lihim ko siyang siniko at pinandilatan ng mata.



Nilingon niya ako at napahagikhik. "Sayang naman at hindi makikita ni Ate Maricris."bulong niya sa akin.


"Well then, let's eat!"nakangising ani Abrys.


"Pray muna!"masayang ani Mariton.


Tumango ako. "Ikaw mag lead."


Nagkatinginan kami ni Abrys bago ako pumikit at tinungo ang ulo kasabay ng malakas na pagdadasal ni Mariton.



Pagtapos naming madasal, agad na hinati ang pancit canton. Hindi ko nga alam kung kumakain si Abrys ng pancit canton. Tatlo lang ang pancit canton na available kaya iyon lang ang naluto. Kumpara sa kinakain ni Abrys sa bahay nila Sir Zach, sobrang kakapiranggot lang no'n sa naibigay namin sa plato niya. Gusto ko nalang tuloy ipaubaya sa kaniya ang pagkain ko para manlang mabusog siya dito.



Sa sitwasyong ito, gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Halatang halata kay Abrys na nahihirapan siya sa pwesto niya. Nakaupo siya sa sahig at komplikado ang pag-upo. Sa gilid niya'y si Mariton na halos siksikin siya dahil sa sobrang kasikipan.


Kinalas niya na ang dalawang butones sa kaniyang longsleeve dahil sa init.


Iritadong pinukpok ni Maricar ang electric fan. "Bwisit na 'to, hindi na naman gumagana. Kakapaayos ko lang nito!"


"Ate, hindi kasi ganyan ang technique dyan."si Marineth na pinindot ang number 2 sa electric fan 'tsaka malakas na pinukpok iyon ng dalawang beses 'tsaka ito gumana.


Nakakahiya at nasasaksihan niya ito! Tiningnan ko siya at nakitang naaaliw siya habang pinapanood ang mga kapatid ko. Kahit na hindi siya komportable ay natutuwa pa rin siya at nalilibang. Habang ako'y gusto na siyang hilahin nalang at ayain ng umuwi.


Kumain ako ng tahimik habang pinapakinggan silang nag-uusap.


"May Ate pa kami. Si Ate Maricris. 'Yong pinaka panganay."ani Maricar. "Naku, iyon ang pinaka makulit! Sayang nga at hindi mo siya maaabutan."


Sa sinasabi niya, parang gusto niya pang magstay rito si Abrys para maabutan si Ate! Paano'y gusto nilang malaman kung makikilala ito ni Ate at malalaman namin kung siya ba ang prince charming na nagligtas sa amin noon. Sinabi ko na ngang si Oasis 'yong prince charming na kilala namin pero pilit nilang sinasabi na gwapo raw si Abrys at malaki ang posibilidad na baka siya nga 'yon.


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now