Chapter 33

37 3 0
                                    

Chapter 33

Natigilan ako sa pag-iyak at gulat na inangat ang tingin sa kaniya. Pati si Maricar ay nalaglag ang panga dahil doon.

Matigas ang mukha niya at parang walang makakapagpigil sa desisyon niya.

"Ipalaglag mo 'yang bata. Hangga't hindi pa siya buhay, ipalaglag mo."

Manghang umubo ako ng hangin at tiningnan siya. "H-Hindi, Ate. Hindi ko siya ipapalaglag."

Hinarap niya ako. "Ipapalaglag mo!"sigaw niya.

Bumuhos lalo ang luha sa mata ko. "Ate, anak ko 'to. Anak ko!" Umiiyak na sigaw ko. "'W-Wag mo naman siyang tanggalan ng karapatang mabuhay..." Umalog ang balikat ko dahil sa pag-iyak.

Madiin niyang kinagat ang kaniyang labi at nag-iwas ng tingin sa akin. Hinawakan ni Maricar ang braso ko na ngayon ay umiiyak din.

"Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko 'yon. Wala siyang kasalanan. Inosente siya. Anak ko siya, Ate... Dugo't laman ko siya! Hindi ko siya kayang ipalaglag dahil lang anak siya–"

"Lang?!"singhal niya. Umambang lalapit para sugurin ako pero agad na pinigilan ni Leah.

"Buntis siya, Maricris. 'Wag mo siyang sasaktan!"singhal ni Liah.

"Nila-lang mo ang gago na 'yon?!"sigaw niya. "Anak siya ng lalaking pumatay sa kapatid mo! Anak siya ng lalaking sumira sa buhay ni Marineth! Hindi siya anak lang ng lalaking demonyo na 'yon!"

Napalunok ako at hindi umimik.

"Ipapalaglag mo ang bata. Bakit? Sinong bubuhay dyan? Sinong mag-aalaga? May tinapos ka ba? May asawa ka ba? Kung umaasa ka na aalagaan namin siya para sayo, p'wes, manigas ka–"

"Hindi, Ate!"sigaw ko, nauubusan na ng pasensya. "Hindi ko kailanman siya ilalapit sa inyo! Oo! Sige! Tuparin natin ang sinasabi mong magkalimutan na tayo. Wala na akong kapatid na kagaya mo!" Bumuhos ang luha sa mata ko.

Bigla ay pinagsisihan ko ang sinabi pero hindi ko binawi. Natigilan siya. Kitang kita ko ang sakit sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Bumuhos pa lalo ang luha sa mata niya. Lalo lang akong nagsisi.

Tumango-tango siya. "Sige."malamig na aniya. "Magkalimutan na tayo. 'Wag na 'wag mo akong matawag-tawag na Ate. At binabalaan kita. 'Wag mong ilapit sa akin ang anak mo oras na lumaki 'yan dahil hindi ko alam ang magagawa ko!"

Humagulhol si Maricar. "Ano ba?!"

Napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na sigaw niya. Tinitigan ko siya.

"Ang sasama ninyo!"sigaw niya. Mas lalo siyang umiyak. "Ate!"baling niya kay Ate. "Biktima lang din si Ate Marigold! Biktima tayong lahat ni Abrys at hindi ko maintindihan kung bakit siya ang pinagbubuntungan mo!"

Tinakpan ko ang labi ko at bahagyang tumalikod para mas mabigyan ng atensyon ang pag-iyak. Naabutan ko si Marineth na kahit tulala'y tumutulo ang luha sa kaniyang mata. Mas lalo lang nagpapait 'yon sa nararamdaman ko.

"Naalala mo pa ba? Bago mangyari ang lahat ng 'to... Tayo ang nagtulak sa kaniyang hanapin si Abrys. Sinuportahan natin siya. Kinilig tayo sa kwento nilang dalawa. Kasi nagtiwala rin tayo! Katulad ni Ate! Kung tanga si Ate, tanga rin tayo! Lahat tayo, biktima. Diba? Diba, Ate? Bakit ganito? Bakit tayo magkakalimutan dahil dito? Bakit?" Humagulhol pa siya lalo.

"Hindi nga natin napansin ito. Hindi nga natin inasahan. Lalo pa si Ate. Lalo pa siya na nobya ni Abrys. Ate, tayong lahat ang biktima. Tayong lahat... 'Wag mong ibunton sa kaniya ang galit lalo na sa bata! Hindi magugustuhan ni Mariton ang ginagawa mo!"sigaw niya pa.

Hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak. Hindi ko na makontrol ang paghikbi ko. Tumayo si Marineth. Mukhang hindi na makayanan ang naririnig.

"Pero kung sinabi niya na sindikato ang lalaki na 'yon, e'di sana napigilan! Nagustuhan ko siya para kay Marigold dahil inakala kong matino! Dahil 'yang magaling mong kapatid, porke't gwapo at mayaman, biningwit agad. Hindi manlang nag-isip–"

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now