Chapter 10

55 2 0
                                    

Chapter 10


"Anong nangyari? Pinagalitan ka ba? Umiyak ka?" Hinaplos ni Kikay ang ulo ko at nag-aalala akong tiningnan.


Umiling ako sa kaniya at ngumiti. "Ikekwento ko mamaya. Magtrabaho muna tayo..."

Kitang kita sa mga mata niya ang kagustuhang malaman ang nangyari pero sa huli'y hindi na nagsalita.

Hinawakan niya ang braso ko. "Doon nalang tayo sa kitchen–" Tumagos ang tingin niya sa aking likuran at nanlaki ang mata. "S-Sir Abrys!"

Kumalabog agad ang puso ko sa kaba pagkasabi niya sa pangalan na iyon. Para bang kilalang kilala nito kung sino ang taong nagugustuhan. Nanlaki ang mata ko at napalingon. Umatras ako ng tatlong beses nang mabibigat ang hakbang niya papalapit sa amin.

May init na agad na namuhay sa aking tyan dahil sa sobrang kaba. Napalunok ako habang siya'y mariin ang pagkakatitig sa akin. "B-Bakit po, Sir?"tanong ko.

May pananantya sa kaniyang mata. Para bang pilit na inaalam ang emosyon ko. Umawang ang labi niya na para bang may sasabihin pero agad niya ring tinikom at palipat-lipat na tiningnan ang mata ko. Humigpit ang pagkakahawak ni Kikay sa aking braso. Tiningnan ko pabalik si Sir Abrys, hindi manlang ako kumurap.

Suminghap siya at nag-iwas ng tingin. "Tubig. Ikuha mo ako ng tubig."mahinahong aniya.

"U-Uh... A-Ako nalang, Sir!"si Kikay na mukhang gusto kaming mapag-isa ni Sir Abrys.


"No."baling sa kaniya ni Sir tapos binalik din ang malamig na tingin sa akin. "I want her..."seryosong aniya at mabigat ang titig na binigay sa akin. Nanlaki ang mata ko at mas lalo lang lumakas ang pagkalabog ng puso ko. "...to get me a water."dugtong niya at nag-iwas ng tingin.

Napaubo ako at agad na tumango. "Sige, Sir. Tubig."kaswal na sambit ko at agad na nagtungo sa fridge.

Pwede namang siya ang kumuha. Naalala ko dati na siya lang naman ang kumukuha ng tubig pag nauuhaw siya. Mukhang may iba siyang sasabihin kanina pero nagdadalawang-isip siya.

Binalewala ko nalang iyon at bumalik na para ibigay sa kaniya ang isang baso ng tubig. Wala na si Kikay pagbalik ko. Ang babae talaga na 'yon! Tiningnan niya lang ang tubig tapos nilingon ako.

"You cried."he stated.

Tumikhim ako at hindi nagsalita. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin habang ako naman ay hindi makaangat ang tingin sa kaniya.

Ayaw ko na magkaroon siya ng ideya sa nangyari. Nahihiya at natatakot ako sa maaaring ireaksyon niya. Problema ko 'to kaya hindi ko na kailangang idamay pa siya. Ayaw kong malaman niya ito at baka mas mahusgahan niya ako.

"Bumalik ka na sa kwarto n'yo."utos niya dahilan kung bakit umangat ang tingin ko sa kaniya.

Oras ng pagtatrabaho. Bakit niya sinasabing bumalik na ako doon? Nakakahiya at baka mas lalo lang na mainis sa akin si Mam Helena. Sa paraan pa naman ng tingin niya sa akin kanina, alam kong galit siya. Ayoko ng gatungan iyon.

"H-Hindi na po, Sir." Tumikhim ako. "Dito lang ako sa kusina, sabi ni... Mam Milicent. O... kaya sa sala-"

"Abrys!"boses ni Sir Zach pero nanatili ang tingin niya sa akin na para bang walang narinig.

Tinuro ko ang pinanggalingan ng boses. "Tawag po kayo ni Sir Zach..."mahinang sambit ko.

Titig na titig siya sa akin na para bang sinusuri ako. Nag-iwas ako ng tingin at matigas na napalunok.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now