Chapter 20

59 1 0
                                    

Chapter 20

"Uminom ka muna!"nangingiyak na ani Kikay at binigyan ako ng tubig. "Magsumbong ka na kasi kay Sir Abrys, Marigold. Inuuna mo kasi ang pride mo!"

"Hindi naman sa ganoon, Kay–" Nilapit niya na ang baso sa aking labi kaya uminom na ako doon.


"Kapag talaga kahit isa lang sa kaibigan ni Sir Zach o kaya si Sir Zach mismo ang nagtungo rito, sasabihin ko talaga ang ginagawa niyang demonyitang mag-ina na 'yan."si Edison na marahang pinapaypayan ako.

"Pagpahingahin nyo na siya't sobrang init pa rin niya!"si Totoy pagkatapos sapuin ang noo ko.


Dinungaw ako ni Kikay. "Uminom ka ba ng gamot?"


Tanging iling lang ang nasagot ko. Napamura siya sa ere. Namroblema silang tatlo sa akin. Nahihiya nga ako dahil alas dose na at gising pa sila dahil sa akin.


"Sobra na 'to. Nakakainis na."ani Denden.


Pinakain nila ako pagkatapos ay pinainom ng gamot. Ang phone ko ay tumunog kaya agad kong dinungaw iyon.


Abrys.


Napalunok ako at tiningnan ang mga kasamang nakita na ng tuluyan ang pangalan niya sa aking cellphone.



Bumuntong-hininga ako at sinagot ang tawag.


"H-Hello?"


Umiling ako sa mga kaibigan kong pilit na sinesenyas sa akin na sabihin ko na ang tungkol sa pang-aabuso nila Mam Helena pero hindi pa rin ako punayag.


"I-loudspeaker mo!" Nabasa ko ang walang tunog na salita ni Kikay kaya ginawa ko ang gusto niya.



Marahang pinaypayan ako ni Denden habang bigo siyang umiiling sa akin dahil hindi ako makapagsumbong.


"Bakit gising ka pa?"nagtatakang tanong niya.


Tumikhim ako at agad na kinabahan. "U-Uh.. N-Nandito kami sa.. sala ni Kikay. Pero... patulog na rin naman kami."kabadong sabi ko.



Saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya. Ang mga kaibigan ko ay inis na inis. Buti nga't hindi sila 'yong tipong hinahatak ang cellphone para lang mangyari ang gusto nila. Hinahayaan nila akong magdesisyon kahit na sobra sobra ang pag-aalala nila sa akin.



"May sakit ka ba?"tanong ni Abrys. "Your voice sounds weak."


Tumikhim ako para maayos ang boses. "Hindi. Uh.. Inaantok na kasi ako, Abrys. Pasensya na."


Mabigat ang loob ko pero hindi ako sa kaniya magkekwento. Gusto ko mang umiyak, kay Ate ako iiyak. Kay Ate ako maglalabas ng sama ng loob. Hindi sa kaniya. Marami na akong utang na loob sa kaniya at ayaw ko ng dagdagan pa iyon.



"Seems like you're working too much, huh?"ani Abrys na mas lalo pang kinalakas ng pintig ng puso ko sa kaba. "Magpahinga ka na. I'll try my best to get there by this week. May uh.. gusto ka bang... kainin?"


Nabalutan ng pagtataka ang tatlong lalaki sa aking harap. Napapikit ako. Shit! Magkakaroon pa sila ng ideya na may kung anong namamagitan sa amin nito ni Abrys!


"W-Wala naman. U-Uh.. S-Sige na! Mag..papahinga na ako. Magpahinga ka na rin. Good night!"



Mabilis na pinatay ko ang tawag. Kikay groaned and shook her head because of disappointment. Si Edison naman ay nanunuri ang mga mata sa akin pero nang magtama ang mata namin, agad siyang nag-iwas ng tingin.


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now