Chapter 27

62 2 0
                                    

Chapter 27

May marahang tumapik sa pisngi ko. Ginalaw ko ang aking ulo at agad na ininda ang bukol na nandoon.

Napahawak ako sa masakit na parte at naramdamang may bukol nga ako! Dinilat ko ang aking mata at bumungad ang batang si Yukio.

"Hi..."

'Tsaka ko lang naalala ang mga nangyari. Napaawang ang labi ko at tiningnan ang nakasaradong pintuan ng kwarto niya.

Wala ng putukan. At... buhay ako!

Tiningnan ko ang aking braso at nakitang nagdurugo iyon dahil sa maliit na sugat.

"I... remove the arrow."

Nilingon ko si Yukio at nakita ang arrow. Mukhang iyon ang dahilan kaya ako nawalan ng malay. Kinuha ko 'yon mula sa kamay niya at tiningnan na para bang sinusuri.

"Kuya Zach used to shot me with that everytime there's a trouble..."paliwanag niya.

Tiningnan ko siya. Ngumiti siya ng matamis at tumayo. Naglahad siya ng kamay sa akin. "You wanna play Ben10?"

Ngayon ko lang nakausap ang bata na ito. Sa sinasabi niya, halata namang may ideya siya sa nangyayari pero hindi pa ganoong kalawak. Tatayo palang ako'y napatalon na ako sa gulat nang sumabog ang pinto dahil sa marahas na pagkakabukas dito.

Bumungad ang takot at nag-aalalang mukha ni Abrys. Agad siyang dumalo sa akin. Nagulat nalang ako nang buhatin niya ako at iniupo sa kama ni Yukio.

"Why are you here in my room, Kuya Abrys? You'll play with us?"inosenteng tanong ni Yukio pero hindi manlang siya nilingon ni Abrys.

"Nasaktan ka?"alalang-alala niyang tanong.

Namangha ako sa pag-aalala niya na halos makalimutan kong sumagot kaya kinailangan niyang ulitin ang tanong.

"Nasaktan ka ba, Marigold?"

Agad akong umiling at binagsak ang tingin sa labas. Wala na ang katawan ng lalaking bumulagta roon kanina pero nandoon pa rin ang dugo.

Namuhay muli ang takot sa akin. Bumalik sa alaala ko ang mga nasaksihan kanina. Kung paano sumabog ang dugo ng mga nababaril... Kung paano sila mabilis na bawian ng buhay... Kung paano sila magpasahan ng bala sa isa't-isa...

Nagagawa nila 'yon...

At... nakakalungkot na pati si Abrys.. kayang gawin 'yon..

"Marigold,"nag-aalalang tawag sa akin ni Abrys kaya tiningnan ko siyang muli.

Tumikhim ako at nagpasyang tumayo. "A-Ayos lang ako."sabi ko kahit na nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kanina. "L-Labas na tayo,"sabi ko at nilingon si Yukio.

I bend out a little just so we're on the same level. Hinaplos ko ang ulo niya at matamis siyang nginitian. Nakita ko kaagad ang panlalaki ng mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko. Namula ang pisngi niya at napakurap-kurap. "Matulog ka na. Salamat sa panggigising sa akin."sabi ko pa.

Tumango lang siya at marahang kinaway ang kaniyang kamay. Bumaling ako kay Abrys na ngayon ay naninimbang na ang mga tingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako at walang imik na lumabas ng kwarto ni Yukio. Agad din naman siyang sumunod.

Nakita ko ang mga dugo sa paligid. Ang hirap nilang tingnan. Paano nalang kaming mga kasambahay na maglilinis nyan?

Bumaba kami sa sala at nakitang mas magulo doon. Nagkalat ang mga kasambahay at sila ang naglilinis ng magulong sala. Nandoon din si Sir Oasis, Mam Milicent pati si Sir Zach. Mukhang may seryosong pinag-uusapan.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now