Chapter 6

41 2 0
                                    

Chapter 6

"Ilang oras ang tulog mo?"tanong ni Kikay sa akin nang lumabas ako galing sa banyo. Kakatapos lang maligo at nakasuot na ng uniform.

Tinaas ko ang apat kong daliri. Bumuntong-hininga siya at pinagsabihan akong itigil ang pag-inom ng energy drink dahil nakaka trigger daw ng insomnia. Alam ko naman. Pinagsabihan na rin ako ni Ate pero wala talaga akong choice.

Nagtrabaho ako sa utility room, naglaba ako doon habang si Kikay ay nadestino sa itaas. Tinapos ko ang mga puti. Maghapon na 'yon tapos si Edison naman ang sa de-kolor, katulong niya sila Totoy. Ako nga lang ang babae dito. Ayos lang dahil masaya naman silang kakwentuhan at mabibilis ding kumilos.

"Nag-aaway yata sila Mam Ari at Sir Zach,"hasik ni Denden, hininto pa ang gripo para marinig ng mabuti at nakumpirma nga naming totoo nga.


Sa sobrang kuryoso at chismosa ko, lumabas ako. Hindi naman kapansin-pansin ang paglabas ko dahil ako lang naman. Hindi na sumunod sila Denden dahil sapat na sa kanila ang pakikinig.

Nagkunwari akong patungo sa kitchen. Nakita ko kaagad ang naiiyak na mukha ni Miss Ari habang si Mam Milicent ay nagpupuyos ang galit sa kaniya. Si Sir Zach na nakakuyom ang noo at madilim ang tingin kay Miss Ari tapos si Sir Abrys at Sir Oasis na tensyonado at mukhang inaawat si Mam Milicent sa pag-aalburoto.


Lumipat ang tingin sa akin ni Sir Abrys at naabutan niya akong nakikiusyoso kaya agad kong inabala ang sarili sa pagpupunas ng pader kahit wala naman talagang dapat punasan.

"Come on, hindi ka ba naniniwala sa akin?" Ang malambing na boses ni Miss Ari na nabasag dahil siguro sa nalalapit na pag-iyak.


Napaawang ang labi ko doon. Iba na ang tingin ko kay Miss Ari, una palang. Masungit siya at mahigpit masyado, hindi siya nakikipag-usap o ngumingiti katulad ni Mam Milicent kaya siguro kung papapiliin ako sa dalawang panig, sa panig ako ni Sir Zach.


O baka naman, ugali na talaga ni Miss Ari 'yon? Pero kaaway na siya ng Guineverial at sinasabing kinidnap yata ang pinsan o kapatid ni Sir Zach. Hindi ako sigurado dahil hindi ako masyadong nakinig kay Kikay no'ng kinwento niya ito.


'Tsaka kung magkaaway si Sir Zach at Miss Ari, bakit niya ito ineengganyong maniwala sa kaniya? Nagpapaawa ba siya kay Sir Zach?

Lumingon ako ulit pero nakita ko si Sir Abrys na nakakunot ang noo at nanonood pa rin sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad tinuon ang atensyon sa pinupunasan.

Nagbilang ako ng sampu at lumingon ulit pero nakita kong nakatingin pa rin siya at nakahalukipkip. Para bang alam na lilingon ako at naghihintay lang. Nagwalk-out si Mam Milicent at si Sir Zach habang si Miss Ari naman ay naiwan sa dining kasama si Sir Abrys.

Napansin kong mukha pala akong tangang nagpupunas ng pader. Agad akong lumipat ng pwesto. Bakit kasi sa dami ng pupunasan ay pader pa, Marigold? Siguro'y kaya nakatingin si Sir Abrys sa akin ay nawi-weirduhan din siya.

Babalik na sana ako sa utility room nang magsalita si Miss Ari.

"Manang, paakyatan naman po si Zach ng pagkain doon..."malungkot ang boses niya. Nilingon ko ang paligid para masiguradong ako ba ang kausap niya at nakumpirma ko dahil ako lang naman ang nandoon.


At.... Manang? Grabe naman, Miss Ari. I'm crying internally.

Agad akong tumango. "S-Sige po, Mam–"

"Hindi siya nagpapaistorbo sa mga maid pag nakapasok na siya ng kwarto, Ari."putol sa akin ni Sir Abrys kaya natutop ko ang aking labi.

Oo nga pala! Sa sobrang gulat ko sa pagkausap sa akin ni Miss Ari ay nakalimutan ko na ang tungkol doon.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now