Chapter 16

47 3 0
                                    

Chapter 16




"Ikaw nalang doon."tanggi ko kay Kikay. "Nandoon si Sir Abrys."sambit ko.



Tumango siya at kinuha ang map sa aking kamay. Pinagpag ko ang kamay kong nangawit at agad na nagtungo na sa utility room.



Ilang linggo na ang dumaan pagtapos ng nangyari. Umalis na si Mam Milicent at Sir Oasis. Akala ko rin umalis na itong si Sir Abrys pero bumalik na naman siya.




Iniiwasan ko ulit siya. Gusto ko na ngang tumigil at maghanap nalang ng ibang trabaho para mawala na siya sa paningin ko pero hindi ko magawa. Nasanay na ang katawan ko rito at magda-dalawang buwan na rin ako rito. Maganda rin kasi ang sahod. Wala na akong mahahanap pang iba gaya nito.




Hindi ko alam kay Sir Abrys kung bakit siya nag-iistay rito. Kinausap na siya ni Sir Oasis pero sabi niya'y nag-eenjoy daw siya dito. Luga mo, Sir Abrys!




Hanggang sa sumunod na araw, nanatili siyang nakatambay sa sala. Kung hindi doon, sa labas. Minsan naman, pinupuntahan niya kung nasaan ako at papanoorin lang akong maglinis. Hinahayaan ko lang dahil hindi naman siya nanggugulo. Hindi niya rin ako kinakausap.




Nagharang na ako ng mga pader sa pagitan namin ni Sir Abrys. Gusto ko si Sir. Gustong gusto ko siya. Pero inaalala ko lang talaga ang paraan ng pagtawag ko sa kaniya. Sir Abrys. Sir. Sir. Sir. Doon palang, malinaw na. Hindi kami pwede. Mataas siya at ako, halos madikit na sa lupa ang baba ko. Kahit anong itayo ko o kahit tumingkayad pa ako, hinding hindi ko siya maaabot.




Kahit pa no'ng bumalik kami sa dating mansyon ni Sir Zach, nandoon pa rin si Sir Abrys.




"Siguro'y gustong gusto talaga ni Sir Abrys na nakikita ako."ani Lana na nasa likuran namin at humagikhik.




Ginatungan iyon ng ibang kasambahay at inasar siya. "Huy! 'Wag kayong maingay. Baka mainggit naman si Marigold sa akin..."



Nagkatinginan kami ni Kikay dahil doon. Natawa si Kikay sa kahibangan ng babae. Hinila ko nalang si Kikay papasok sa loob ng mansyon para hindi ko na marinig pa ang mga ilusyon ni Lana.




"Boba talaga. Ano kayang kainggit-inggit sa kaniya? Iyong ilong niyang nakadapa?"si Kikay.



Mahinang hinampas ko ang braso niya. "Baka marinig ka niya."




"Bah, e'di maganda. Sinasabihan ka niya ng inggit sa kaniya. Hindi niya alam, ninakawan ka ni Sir Abrys ng halik-"




Pinandilatan ko siya ng mata. "Kikay!"




Humalakhak siya at nanahimik nalang. Dahil na rin sa nalaman ni Kikay, hindi niya na binitawan ang ideyang may gusto talaga sa akin si Sir Abrys. Naiisip ko 'yon minsan pero agad kong iniiling dahil imposible.



Ilang linggo pa ulit ang lumipas at walang pagbabago. Sinasanay ko nalang ang sarili ko sa presensya niya. Para rin namang hangin dahil hindi kami nagkakadikit. Sa umagang iyon, pinaglinis ako ni Mam Helena ng banyo. Pumayag naman ako at pabor pa nga dahil nasa sala si Sir Abrys. Sigurado akong doon naman niya nilagay si Lana.



Mabilis akong natapos sa paglilinis ng banyo at inutusan naman akong linisin ang taas kaya iyon nga ang ginawa ko.



Mag-isa ako sa taas habang ang lahat ng kasambahay ay nasa ibaba. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ni Mam Helena o ano. Hindi nalang ako nagreklamo at ginawa ang trabaho.



Hapon na ay hindi pa rin maayos ang buong library. Paano ba naman kasi. Hindi ko maabot ang matataas na parte at kailangan pang sumampa sa upuan bago ko maiayos ang mga libro.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now