Chapter 18

46 2 0
                                    

Chapter 18


Light pink na ang kulay ng mga kuko ko tapos nilagyan pa niya ng mga polka-dots bilang design.


Napangiti ako at tiningnan ang aking mga kuko. Hindi siya masyadong malinis at may ibang parte na hindi nalagyan ng cutics pero wala na akong pakialam. Ang ideya na si Abrys ang gumawa nito ang importante para sa akin.



Napaangat ang tingin ko sa kaniya nang ibababa niya na ang tray sa coffee table. Nagulat pa ako dahil kumuha na pala siya ng pagkain para sa amin! Nakakahiya!



"Bakit ikaw ang kumuha? Nakakahiya naman..."nahihiyang sabi ko.


"Basa pa ang kuko mo. Patuyuin muna natin-" Hindi niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang kaniyang cellphone.



Agad niya iyong sinagot. Akala ko'y tatayo siya para makausap ang nasa kabilang linya pero nanatili siyang nakaupo sa tabi ko.



"What is it?"tanong niya.




Hindi ko nalang siya tiningnan para mabigyan siya ng privacy. Bumaba ang tingin ko sa juice at sa cookies na nasa aking harap.



"Bobo ka, wala ako sa Guineverial."ani Abrys.



Grabe naman ito maka-bobo! Sino kaya ang kausap niya?



"Sino? Maizee?"si Abrys. "Baka kasama ni Zach. Nandoon sila ni Mili sa Guineverial."



Kinuha ko ang baso ng juice.



"The fuck, Oasis? Nandito nga ako kay Marigold–" Bigla ay kinuha ni Abrys ang baso na siyang hawak ko. Nang lingunin ko siya'y matalim na tiningnan niya ako. "Basa pa ang kuko mo!"sermon niya.



Napanguso nalang ako at pinaubaya sa kaniya ang baso. E'di iyo na! Dapat pala'y hindi na ako nagpa-cutics.



"What?"natawa si Abrys sa sinasabi ni Sir Oasis na siyang nasa kabilang linya. "No, no. Not yet. Shut the fuck up there, bro. Wala ka ng pakialam doon. Maghabol ka na kay Maizee." Tapos inalis niya na sa tainga ang kaniyang phone at pinindot. Mukhang pinatayan niya na si Sir Oasis.



Kuryoso ko siyang tiningnan. "Sinong... Maizee?"



Umiling siya. "Just Oasis' obsessions."



Napataas ang kilay ko. "May girlfriend–" Hindi ko na natuloy dahil dinala niya na ang baso sa labi ko na may lamang juice. Pinapainom ako.



Inangat ko ang kamay sa baso para ako na ang maghawak pero maingat na binaba niya lang iyon. Inaalala pa rin ang cutics ko.




Hinayaan ko nalang siyang painumin ako ng juice. Sakto pa na pagsulpot ni Kikay at nasaksihan ang ganoong ayos namin ni Abrys. Nalaglag ang panga niya at halos kuminang ang mata sa gulat at tuwa dahil sa nakikita. Kung hindi ko inialis ang labi ko sa baso, baka naibuga ko ang juice dahil sa kaniya!




Binaba ni Abrys ang baso at nalingunan din ang banda ni Kikay. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Kikay at umaktong walang nakita. Confident siyang naglakad palabas ng bahay.




Napapikit ako at natawa ng kaunti dahil sa kapilyahan ng kaibigan. Kanina pa siya, ha! Sasabunutan ko talaga siya!



Nilingon ako ni Abrys. "Give me your number."aniya at kumuha ng cookies at kinagatan iyon.



Napakurap-kurap ako sa kaniya. Grabe manghingi ng number ang isa na 'to. Wala manlang panunuyo!




"Bakit?"tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now