Chapter 43

45 2 0
                                    

Chapter 43




"W-Wait, what?"




Alam niya? Alam niyang may anak ako? Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Ash?




And the way he acts, iniisip niyang si Paolo ang ama ng anak ko! I can just agreed and run away from him but it isn't my plan. Kahit na sobra-sobra akong ninenerbyos sa presensya niya'y ayokong pagsisihan ang lahat.



Get a hold of yourself, Marigold. This is it. Mabilis lang 'to. Pagtapos mong masabi sa kaniya ang lahat, mapapalagay ka na!




Nagmura siya at sinandal ang kaniyang ulo sa manibela. Marahan niyang pinikit ang kaniyang mga mata. Frustration and tiredness is plastered on his face. His jaw clenched and he sighed, trying to calm himself.




Ibubuka ko palang ang labi ko para sabihin sa kaniya ang katotohanan nang umangat ang ulo niya at tiningnan ako.




Inatras ko ang aking sarili nang makita ang pagod, sakit at galit sa kaniyang mga mata.




Sa pagkakataong ito, parang nagsisi akong sumama sa kaniya. He looked dangerous. The emotion in his eyes tells me that he can hurt me anytime.



Kumalabog ang puso ko at mahigpit na kumapit sa bag na nasa aking hita.




"Did you know what happened years ago?"he asked and his voice broke.




Napaawang ang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin at hindi nagsalita.




He sighed. "Marigold..."marahang tawag niya, may pagmamakaawa sa kaniyang boses.



Parang dinurog ang puso ko sa naririnig. Ayaw ko siyang balingan ng tingin sa takot na maramdaman ko ulit ang mga bagay na matagal ko ng pinatay sa sistema ko. Natatakot ako na kapag nakita ko ang mga mata niya'y matunaw ako. Natatakot akong baka ang mga kinakatakutan kong emosyon na matagal ko ng limot ay biglang bumalik at sirain ang buhay ko.





Hinawakan niya ang siko ko. Pilit akong pinapaharap sa kaniya. Napatalon ako sa hawak niya na para bang kinuryente. Agad akong umiwas.




Napaawang ang labi niya. Gulat sa pag-iwas kong parang nandidiri.



Matigas na napalunok ako at kinontrol ang aking paghinga.




"Hey."he whispered softly. "Listen to me. Marigold..."he tried to touched me again, and this time, he won. Hindi na ako nakapalag nang angkinin ng malalaki niyang daliri ang palad ko.





Bumagsak ang tingin ko sa mga daliri naming magkasalikop. Mahigpit ang hawak niya na para bang hindi na papayag pang magkahiwalay 'yon.




Mas lalo lang sumakit ang dibdib ko. My tears is already forming on the side of my eyes. Nabuhay ang mga sakit na naipon sa akin. Mga sakit na pinilit kong itapon. Mga sakit na pilit kong hindi pinansin at sinuksok nalang sa kinadulo-duluhan ng utak ko. Mga sakit na hindi ko inalala pa dahil masyadong masakit. Masyadong malala. Para bang madudurog ako kapag pinagbigyan kong sakupin ako nito.




I am in the verge of my emotions. Kaunting kalabit ay bubuhos na ang luha sa aking mga mata. I don't want to cry. I don't want to cry because this is not my plan.






I don't want him to know how I still wanted him even after all those years. Ayokong pagbigyan ang sarili ko dahil noong pinagbigyan ko ang sarili ko, nasaktan ako.




Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now