Chapter 17

53 3 0
                                    

Chapter 17



Nagtilian kaming apat. Si Kikay, si Ate Maricris na kasama si Maricar sa kabilang linya at ako. Kinwento ko kasi sa kanila ang tungkol sa nangyari sa ball room.




"Kaloka! Bakit wala manlang kiss na naganap!" Halakhak ni Ate.




"Sayang nga, Ate!"si Kikay kaya siniko ko siya at sinimangutan.



Mas nakakakilig sana kung tinupad ni Sir Abrys ang pangako niyang darating siya dito ngayong umaga pero hindi naman niya tinupad. Pati si Sir Zach, hindi pa umuuwi. Nasaan kaya sila?



Naglinis na kami ni Kikay at himala nga't hindi nagsungit sa akin si Mam Helena at nilayo niya rin si Lana sa pwesto ko. Puro kwentuhan lang kami ni Kikay pero lumilipad ang isip ko tungkol kay Sir Abrys.




Napatitig ako sa kawalan habang nagwawalis. Ayaw niyang tinatawag ko siyang Sir. Baby nalang kaya ang itawag ko para mas madali?



I laughed at that a bit. Sige, pwedeng kiligin ngayon, Marigold. Wala namang red flag.



"Abrys... Abrys."bulong ko sa hangin, nag-eensayong sabihin ang kaniyang pangalan.



Nakakahiya pero sige. Tatawagin ko na siyang Abrys. Pero naiinis ako. Bakit kaya hapon na't hindi pa siya dumadalaw?




Naka tuxedo siya kahapon. Party ang dinaluhan niya. Paano nalang kung nag-enjoy siya sa party na 'yon at may naiuwi siyang babae sa condo niya?



Napakurap-kurap ako sa naisip. Posible kaya?



Natapos ang araw na 'yon at walang Abrys na dumating. Napatitig ako sa kisame. Walang Abrys na dumating...


Nakatulugan ko na ang pag-iisip ng maaaring dahilan ni Abrys sa akin. O kailangan niya bang magsabi pa ng dahilan? Hindi naman niya ako girlfriend.


Masyado ka naman yatang umaasa, Marigold. Baka naman nakita ka lang niyang mukhang tanga sa ball room at sumasayaw mag-isa kaya naawa sayo tapos sinayaw ka. Ba't mo ba kasi nilalagyan ng meaning?



Sumunod na araw, pilit kong iwinala sa isip ko si Abrys pero kahit na hindi ko aminin, umaasa naman talaga akong darating siya at magpapakita.



Pero dumating na ang kinagabihan, hindi ulit siya nagpakita. Hindi na ako muling umasa. Hindi na rin naman masyadong binabanggit ni Kikay ang tungkol sa kaniya dahil alam niyang hinihintay ko nga si Abrys. Alam niyang dismayado ako ngayon.



Kaya naman kinabukasan, araw ng sahod. Nasa labas na lahat ng kasambahay habang ako'y nagpaiwan na muna dahil hinahati ko pa ang pera ko sa apat na lagayan ko ng ipon which is itong peanut butter container.



Tinabi ko ang apat na libo. Baka bukas, ipapadala ko na kila Ate 'yon. O baka next week nalang kapag binalik ko ang modules at dumaan ako sa kanila.



Tinitigan ko ang lagayan na may nakalagay sa harap na Cellphone for Mariton. Hinulugan ko 'yon ng apat na daan. Ganoon din sa container na For My Birthday. Apat na daan din sa For our House na container.



Tinitigan ko ang huling container. For Nail Polish and Beauty Stuffs. Naghulog ako doon ng apat na daan din. Inalog ko 'yon at nakahinga ng maluwag dahil marami-rami na ang laman niya.




"What's that?"



Napatalon ako sa gulat dahil sa boses na nanggaling sa kung sino. Nilingon ko 'yon at nakitang nakadungaw na si Abrys sa hawak ko.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now