Chapter 38

54 7 4
                                    

Chapter 38



Sa pang-iistalk ko kay Abrys, nalaman kong nakita niya na nga ang katawan ng Daddy niya. Nakita ko sa isang picture niya na mayroon siyang kaharap na urn. Sinasabi doon sa article na 'yon kung gaano siya ka close sa tatay niya.



Hindi nasabi roon ang tungkol sa pagkawala ng ilang taon ng katawan ng Daddy niya. Pero sa nakikita ko, masaya na siya.



After what he did to my life. To my family... Masaya na siya. Ang daya.



Nagbalik sa alaala ko ang mga ngiti ni Mariton pero agad kong inalis iyon sa utak ko. Huminga ako ng malalim. "Para po!"sabi ko nang matapat na sa clinic.



Si Mariton ang pinaka ayaw kong maalala. Hindi ko siya kinakalimutan pero ayaw ko rin siyang maalala. Kapag naiisip ko siya, nasasaktan ako. Ang dali niyang alalahanin, sa totoo lang. Kapag naaalala ko siya, ang hirap ng maging normal. Ang hirap ng hindi maging malungkot. Para akong bumabalik sa umpisa. Imbis na lunurin ko ang sarili sa mga alaala ko sa kaniya, tinutulak ko nalang iyon sa dulo ng utak ko. Ako lang kasi ang nahihirapan.



"Hay, kapagod!"rinig kong reklamo ni Paolo pagkapasok na pagkapasok ko sa clinic.



Nalingunan niya ako kaya matamis siyang ngumiti. "Good afternoon, Marigold!"



Ngumiti rin ako ng matamis. "Good afternoon. Saan ka napagod? Kanina ka pa ba rito?"tanong ko.


Tumango siya. Umupo na ako sa swivel chair habang siya naman ay nagtungo sa gilid ko.



"Pag talaga wala ka, ang bilis ko kung mapagod. Tsk."


Tiningnan ko siya na may pagkagulat sa aking mata.



"Now that you're here, ganado na ako."he chuckled a bit.



Napaawang ang labi ko, mas lalong gulat. Whoa there, Paolo. This is his first time saying this kind of line to me! Hindi ako sanay!



I laughed awkwardly. "Oh. Am I that hardworking? Nai-inspire ka?"



He twisted his lips. "Kind of."he shrugged. "You are hardworking, really. But in my case, there's really something about you that can boost my energy."


This is insane. Tumawa lang ako at binuksan ang laptop. "That's good."tanging sabi ko.





Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan niya ang sandalan ng swivel chair. Akala ko, hahawakan niya ako! Talagang magagalit ako!



He laughed at my reaction. "What?"


Tumikhim ako at umiling. "You startled me."



Mayabang na ngumisi siya at umiling. Inalis niya na lang ang pagkakahawak doon dahil bumukas na ang pinto at dumating na ang unang kliyente niya ngayong araw.



Nakahinga naman ako ng maluwag at sinundan siya ng tingin habang patungo sa loob ng office niya.



Nakipagtitigan pa siya sa akin bago sinara ng tuluyan ang pinto.

The fuck is that?!


Napailing nalang ako at nag focus sa ginagawa.



I thought I am just imagining things about Paolo trying to hit on me but days passed and his treatment been a bit different than the usual.


"Para saan ito?"natatawang tanong ko nang ilapag niya sa mesa ko ang bouquet ng flowers.



"Para sayo, syempre."



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now