Chapter 28

58 3 0
                                    

Chapter 28




Nanatili lang akong nakaupo sa sofa simula no'ng umalis si Abrys. Hawak ko ang phone niya at doon ko sinasayang ang oras ko. Nabibwisit nga lang ako sa wallpaper.




Yes, baby. Touch me like that. Ano kayang iniisip niya no'ng nilagay niya 'to? Siguro gusto niya 'yong ganito kapag... may milagrong ginagawa.




Ilan na kaya ang... babaeng naikama niya?




It's not a big deal to me but I am just curious. With a man like him, alam kong hindi na siya virgin. At... dahil binigay niya sa akin ang phone niya.. icheck ko kaya?




Is it okay to check his inbox even without his consent? Pero... dapat bang may consent pa niya, e', girlfriend naman niya ako.




Umiling ako at pinatay ang cellphone niya. Hindi ko kayang balewalain ang privacy niya. We're in a different world. May mga pribadong bagay akong hindi dapat makita. Lalo pa sa trabaho niya. Baka hindi ko rin magustuhan ang ibang makikita ko kung magkakalkal ako.




Why don't I just... change the wallpaper?




Tama! Gumagana rin pala ang utak ko minsan. Papalitan ko nalang itong wallpaper niya tapos ipagbe-bake ko siya ng cookies. Cookies muna! Sa susunod na ang cake. Pwedeng sa... anniversary namin. Or maybe in our first month anniversary! Malapit na 'yon!




Gagawin ko nalang pa heart shape ang cookies para hindi na siya magreklamo. Baka sabihin na naman no'n, gusto niya ng heart shape.




Ginawa ko ang unang plano. Binuksan ko ang camera ng kaniyang phone. Buti nga at maganda ang lightning sa pwesto ko tapos malinaw rin ang camera.




Sayang at wala si Kikay. Hindi ko mapapahiran ng liptint ang labi ko!




Pero... ayos lang naman siguro ito. Inangat ko ang cellphone at inanggulo.




Matamis akong ngumiti doon. Isang shot palang, binaba ko na agad ang phone para tingnan kung maayos ba ang hitsura. Maayos naman...



Pero kada tumatagal ang titig ko'y napapangitan ako. Napailing ako at agad na 'yong dinelete. 'Di bale, magpi-picture ako ng madami!



Good thing, I am not the kind who's scared on cameras. Marunong akong mag pose at umanggulo. Iyon nga lang, hindi kasing galing ni Marineth at ni Maricar. Si Marineth talaga ang totoong magaling sa ganito kasi active 'yon sa lahat ng social media accounts niya. Ang dami nga niyang followers. Si Maricar naman, confident sa katawan niya kasi siya nga naman ang may pinaka magandang katawan sa amin. Pero hindi siya 'yong hubadera sa social media. Mahilig lang talaga siya sa mirror shots and the likes.



Siguro sa amin, si Ate Maricris talaga 'yong hindi mahilig mag picture. Hindi naman siya mahiyain pero ayaw niya lang talaga na napi-picturan. Siguro'y naco-conscious.



Palipat lipat ako ng pwesto sa loob ng condo ni Abrys. Sa sala, sa kusina sa itaas ng counter top. Lahat ay pwedeng magandang anggulo! Nagtungo pa ako sa balcony kasi ang ganda pala pag tumatama ang sikat ng araw sa mukha.




Nagpahinga ako tapos kumain. Buti nalang may liempo sa fridge kaya iyon ang kinain ko pang tanghalian. Tapos pagtapos kong kumain, bumaling na naman ulit ako sa phone ni Abrys.



Nagulat ako kasi naka 232 photos ako. Hindi pa kasama 'yong mga dinelete ko!



Kaya ayon, tinitigan ko talaga ng maigi ang lahat hanggang sa naging 198 nalang kasi ang dami kong dinelete.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now