Chapter 24

52 1 0
                                    

Chapter 24

"That was close!" Hinawakan ng babae ang dibdib na animo'y kinabahan.

Nilingon niya ako saglit pero agad din namang umiwas at bumuntong-hininga.

"Baka umuwi na 'yon."si Sir Oasis. "Baka hindi na bumisita. Kahit kailan."

Napakurap-kurap ako sa narinig. Ano naman? Iyon naman ang gusto ko diba? Iyon naman ang gusto ko.

"E'di ako nalang ang bibisita rito palagi. For you."anang babae at matamis na ngumiti kay Sir Oasis.

"Shut up."masungit na ani Sir.

Humalakhak si Mam Milicent. "Stop it, Maizee. I can't take seeing you being flirty with him. Nakakasuka!"

Hindi ko alam kung paano ko na survive ang araw na 'yon ng hindi umiiyak habang nagtatrabaho. Wala nga si Abrys. Tama si Sir Oasis. Umalis na nga siya.

Pati sa sumunod na araw, wala rin siya. Buti nalang at mag-isa ako sa scullery na naglilinis. Malaya akong umiiyak.

Nasasaktan ako ng sobra. Pakiramdam ko, kasalanan ko. Mali ba? Masyado ba akong naghinala? Baka naman hindi niya talaga babae ang madalas na bumibisita. Baka naman masyado lang akong nag-isip.

Hindi naman siya nagbago pagtapos ng ilang beses na pagbisita no'ng babae. Hindi naman siya nagpakita ng ugali na nagsasawa na o kahit ano. Naging busy lang siya. Busy lang siya no'n sa Guineverial.

Pero... ano ba talaga? Ano ba talaga ang totoo? Sino ba kasi ang babae na 'yon noon? Bakit siya naging busy sa loob ng ilang linggo? Totoo bang sa Guineverial? Bakit hindi niya masabi kung bakit nagpupunta rito ang babaeng 'yon para sa kaniya?

Ang daming posibleng sagot pero hindi ko talaga matukoy. Nasasaktan lang ako sa mga naiisip kong dahilan. Ngayon, iniisip kong baka nga ako ang mali. Paano kung ako 'yong mali. Paano kung dahil sa pagtatampo ko at pagseselos ko na wala naman sa lugar, tuluyan na talagang maputol ang ugnayan namin?

Natapos ang buong maghapon, walang Abrys na nagpakita. Bagsak ang balikat ko nang umupo ako sa kama katabi si Kikay.

"Halata namang nagalit siya kahapon dahil doon, Marigold. Baka nagpapalamig lang siya,"pang-aalu ni Kikay sa akin.

Tumango ako at humiga na sa kama. Nangingilid na naman ang luha sa akin. Gusto ko na namang umiyak pero pagod na ang mga mata ko. Namamaga na ang mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Ayaw kong hanggang bukas ay mamaga ito.

"Isang buwan halos ka rin kasing naging malamig sa kanya, Marigold. Hindi natin alam ang totoo. Baka mamaya, mali pala tayo ng inisip. Paano 'yong side niya? Baka nasaktan siya."


Mas lumala lang ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Kikay. Pero paano kung nakokonsensya lang ako? Paano kung dahil lang ito sa nararamdaman ko sa kaniya kaya pinipilit kong paniwalaan nalang na mali ko nga ang mga nangyayari. Hindi ko na talaga alam. Hindi ko na alam ang gagawin.

Kinaumagahan, wala pa rin si Abrys. Kahit na inasahan ko naman na 'yon, nasaktan pa rin ako. Hindi rin kasi siya nagtetext o tumatawag. Baka binura niya na talaga ang koneksyon naming dalawa.

Mas pumait lang ang nararamdaman ko. Ngayon, parang mas lumamang naman ang pag-iisip ko na talagang pinaglalaruan niya ako.

Nagsama sama na ang galit, inis at sakit sa akin na hindi na ako makapag-isip pa ng tama. Sa sobrang galit ko, binura ko ang number niya. Pati ang buong thread ng messages namin, binura ko. Wala na akong pakialam sa memories na nakapaloob doon at binalewala ko na ang sinasabi kong sentimental value. Magkalimutan na!

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now